Fangirl

352 11 4
                                    


Fangirl
Maging fan girl ay mahirap,
Laitin mo man kami sukli nami'y irap,
Tss... Walang mgawa sa buhay pabayaan,
Basta bias ay mahawakan,
Kahit dampi lang,
Kahit ang raming hadlang,

Maraming nanghuhusga,
Pero di nawalan ng pag-asa,
Minahal kita noong una palang,
Kaya di papakawalan.

Mahal ko kayo,
Lalo na ang bias ko,
Puno na ang SD card ko,
Pero para sa inyo,
Wala lang to,
Isipin man nilang baliw ako,
Wala akong pake,
Sana ganun nalang yun kadali.

Bakit ba nila ako pinapakailaman,
Mahal ko kayo magpakailanman,
Saanman,
At Anuman.

Ang baliw ko daw dahil fan niyo ako,
Bahala lang silang isiping baliw ako,
Ganyan naman ang buhay ko,
Pagpaumanhin po,
Ako'y tao,
Na nagmamahal lang sa bias kong grupo,
Ng mga koreano,
Wala akong pake kung kasing lansa ako ng isda,
Dahil di nagmahal ng sariling wika,
Basta kaya pa!

Iiyak tuwing di makaka punta sa concert niyo,
Team bahay nanaman ako,
Putcha! Ano ba to?
Bakit nasasaktan pag nakita kang may kasama,
Bias lang kita diba?
O itoy't pagmamahal na?

Cheri, the Frustrated PoetWhere stories live. Discover now