Love Will Keep Us Together: One

247 4 1
                                    


LULAN nang isang puting kotse si Harvey, papunta sa lugar kung saan siya nagiging masaya kasama ang kanyang Camera.

Pinanindigan niya ang isang kataga na sinabi nang kanyang kaibigang si Jenna. Matapos ang nangyari sa kanya noong nakaraang linggo.

"Once a photographer, always a photographer."

Dahil sa breakup ng dati niyang kinakasama, ay unti uting nasisira ang kanyang pangarap na maging photographer. Mabuti nalang kasama niya ang kaibigan upang damayan ito sa kanyang nararamdaman. Hindi ito ininda ang sakit, sapagkat lumakas ang kanyang loob nang tignan ang camera. Masisira lang ba ang kanyang pangarap, dahil lang taong iyon?

Nakasabit sa kanyang leeg ang kanyang natatanging pangarap, habang nakatayo sa paborito niyang lugar.

Nakangiti siyang kinukuhanan ng larawan ang mga magagandang tanawin sa lugar na iyon. Sa lugar na iyon, nawawala ang lungkot na kanyang dinadala.

"Kagandang pagmasdan ang larawang 'to." Sinasambit nang kanyang isip, habang nakatingin sa larawang kinuhanan niya.

Nang itapat niyang muli ang camera sa kanyang mukha, napansin niya may dumaan na magkasintahan na nakahawak kamay habang winawagayway nila itong magkasabay. Muli niyang binaba ang camera, at pansin sa kanyang mukha ang pagkalungkot nang makita niya ang dalawa.

Mga ilang minuto, ngumiti nalang siyang kusa nang walang dahilan.

"Itutuloy ko ang pagiging isang photographer, ito ang pangarap ko. Balang araw hindi lang sa mga birthday at kasalan ang mga kukuhanan ko nang litrato kundi sa mga malalaking studio at mga bigating modelo." Saad niya habang naglalakad papunta sa isa niya pang paboritong pinupuntahan.

Nakaupo si Harvey sa isang bench kung saan malapit doon ang isang tower na namumukodtangi sa lugar na iyon. Tuwing sasapit ang gabi, pawang mga bitwin ito na kumukutitap na mga iba't ibang kulay.

"Harvey, sabi na nga ba at dito lang kita makikita." Hingal na sabi nang kanyang kaibigan; si Jenna.

"Ano'ng nangyari sa'yo? Hindi ka man lang sumakay nang pedikab, e karami diyan." ani Harvey habang kinukuhanan ang isang bulaklak.

"Natandaan mo ba 'yong inaplayan mo noon na studio?"

"Oo ano'ng meron sa studio na 'yon?" Simple niyang sabi. Walang ka alam alam si Harvey sa nangyayari sa kanya.

Huminga muna nang malalim si Jenna bago sabihin ang balita para kay Harvey. Ngunit parang walang pakialam itong Harvey sa sasabihin, dahil nakatutok lang siya sa kanyang camera. Hindi talaga ipagkakait na gustong gusto ang carrier na ito.

Hinawakan ni Jenna ang balikat ni Harvey at hinarap niya ito sa kanya.

"Humarap ka nga sa akin bes, paano ko sasabihin sa 'yo. Eh, nakatuon ka lang diyan sa Camera mo. Oo sinabi kong itutok mo lang sa camera ang iyong sarili para makalimutan mo siya. Lumala yata, akong kaibigan mo hindi mo na pinapansin. Mukhang nakasama yata ang sinabi ko sa 'yo. My ghad!"

"Karami mo namang sinabi? Hindi mo ako pagbibigyang mag salita?" pabirong sabi ni Harvey, at ibinaba na niya ang camera. At tumingin na ito sa kaibigan.

"Ano ba sasabihin mo?"

"Nakapasa 'yong portfolio mo sa Ultimate Studio." Pagkasabi palang ng kaibigan, kuminang ang mata ni Harvey nang marinig niya ang balita. Napatayo siya sa saya.

"Totoo? Hindi ka ba nag sisinungaling? Kilala kita e." Hindi makapanila si Harvey, at hindi niya alam ang kanyang gagawin sa sobrang saya.

"Grabe ka naman bes, syempre hindi 'to sinungaling. Totoo na ito."

"Thank you, Lord." Pagkasabi niyang iyon napatingin siya sa itaas sabay salik sa kanyang camera.

"Oh, bukas dapat nadoon ka na raw." Nakangiti lang si Harvey na parang wala nang bukas.

"Teka, dapat kasama mo ako doon. Ako ang bes mo e. Natatandaan ko pa 'yong pangako mo noon, na kapag magkaron ka nang trabaho. Lilibre mo agad ako kahit kaka-hire mo palang."

"Diyan ka magaling sa libre," biro ni Harvey sabay tapik sa likod nang kaibigan.

"Hindi naman bes, may mga magaganda rin naman akong nagagawa sa buhay ko."

Hindi maalis ang ngiti ni Harvey, dahil matutupad na ang kanyang pangarap matapos ang mga sakit at hirap na naranasan niya.

NAKANGITING nagising si Harvey, matapos pagkakahimbing niyang tulog. Gulat ang kanyang Mommy sa pinakitang hitsura ni Harvey. Nang pagkakababa niya ng hagdanan.

"O Anak, nakangiti ka ngayon? Parang kahapon lang parang pinagsakan nang mabigay na bagay ang mukha mo." Ani Aling Lorna; Mommy ni Harvey. Nagluluto nang umagahan ang kanyang Mommy..

"Mukhang masarap ang luto n'yo, Mommy. Inspired yata ang Mommy ko." Paglalambing ni Harvey sa kanyang nanay.

"Huwag mong ibahin ang usapan anak, ako dapat ang mag tanong 'yan. Mukhang inspired ka yata?"

"Kasi Mo--"

Magsasalita na sana si Harvey nang pigilan siya ng Mommy niya.

"Bago mo ituloy 'yan, umupo ka muna diyan at saluhan mo akong kumain. Para matikman mo ang luto ko na may halong pagmamahal."

"Si Mommy, may nalalaman nang ganyan." Nakangiti pa rin si Harvey habang nag sadandok nang makakain.

"Syempre, umuuso ang Nanay mo. Ano ba ang dahilan kung maging naging masaya ka?"

"Mom, may trabaho na po ako. Nakapasa po 'yong portfolio ko sa Ultimate Studio."

Nagulat at napangiti ang Mommy niya sa sinambit nang kanyang Anak.

"Congrats Anak, 'di ba sikat na studio 'yon?"

"Yes Mommy, nagpapasalamat nga po ako sa Panginoon dahil tinupad ang pangarap ko."

"Galingan mo Anak. Proud ang Mommy sa 'yo. Nandito lang ako para suportahan ka sa lahat nang gusto mo at gagawin mo. Maging masaya lang ang pinakapogi kong Anak."

Kahit nadismaya siya sa sinabi nang kanyang Mommy, ngumiti pa rin ito para hindi makahalata. Ayaw sabihin ni Harvey sa kanyang Mommy ang tunay na pagkatao nito. Natatakot siya sa mangyayari kung nalaman ng magulang niya ang totoo at baka itakwil siya nito.

Hindi rin malayo na maging isang pusong babae si Harvey. Magkasundo sila nang kanyang Mommy, halos lahat nang gawain magkaramay silang dalawa.

Tanging ang kaibigan niyang si Jenna ang nakakaalam nang totoong pagkatao nito. Okay lang iyon sa kanyang kaibigan. Noon takot siyang iwanan ito ngunit patuloy pa rin ang kanilang pag kakaibigan.

Hindi naging masama ang tingin ni Jenna sa kanyang kaibigan. Hanggat walang naaapakang tao hindi magiging masama si Harvey.

Sa paningin man nang ibang tao na isa siyang salot sa mundo, ibahin n'yo sa paningin ni Jenna. Isang mabuting kaibigan si Harvey.

Love Will Keep Us Together (BoyXBoy) LGBTWhere stories live. Discover now