Chapter 53

82.1K 2.4K 165
                                    

Raynesha Deanise

Diretsong tumayo si Daddy nang tuluyan akong makalapit sa kanya. Bakas pa rin ang pagtatampo sa kanyang mukha. Wala ang malagkit na titig niya na katulad nang dati. He was disappointed with me, but I understand where he was coming. I could never hate him for loving me this much.

"Hey," malambing ko pang bati.

Kumunot lang ang kanyang noo na para bang walang narinig.

"Dad, I'm sorry..." malambing ko pa ring sabi sabay yakap ng mahigpit sa kanyang baywang. Isinandal ko ang aking pisngi sa tapat ng kanyang dibdib at wala ako sa sariling napapikit.

I loved listening to his heartbeat. It always relaxes me.

"You kissed him, Ysha... That was... That's-" Tila naghahagilap pa siya ng mga tamang salita na puwedeng sabihin sa akin pero bandang huli ay mariin lang siyang napapikit sabay hugot ng malalim na buntong-hininga.

"I love Russ, Dad. I love him so much."

Napatikhim siya at mataman akong pinagmasdan. "That was quite obvious, Ysha. Believe me, it's excruciating to see my daughter kissing the guy I just met," mariin pa niyang bitaw ng mga salita.

He was really pissed.

Tumingala ako sabay ngumuso. Umismid siya na para bang hindi uubra ngayon ang pagpapa-cute ko.

"I told mom about him. Gusto ko kasi siyang ipakilala ng personal sa'yo kaya hindi ako nakapagsabi agad."

Awang ang labi niyang umiling-iling sabay tumikhim ulit.

"At pinagtulungan n'yo pa talaga ako ng Mommy mo?" may himig tampo na naman niyang sabi kaya't mas hinigpitan ko ulit ang yakap sa kanyang baywang.

He was so damn cute.

"Huwag ka na magalit, Dad. Sasabihin ko naman talaga sa'yo."

"Oh, when Ysha? When are you planning to tell me? When you were already pregnant?" sita pa niya habang nanlalaki ang mga mata.

He was obviously mad because he just addressed with my nickname.

"Hindi naman gan'un, Dad. 'Wag ka na kasi magalit," mas nilambingan ko pa ang pagsasabi. "I'm sorry, Dad. I am really sorry. Hindi ko naman kasi alam na mangyayari 'to... Sorry. Please forgive me? Please?"

Hindi siya kumibo at sa halip ay tahimik lang na hinalikan ako sa noo.

"I can't stay mad at you, princess. I love you that much to stay mad. Siguro lang, nabigla akong masyado. Hindi ko man lang siya nakita kahit na isang beses sa buong buhay ko. Tapos aabutan ko pa kayong naghahalikan with an audience? How do you want me to react to that? He was eating your face like it wasn't even a big deal!"

"Sobra ka naman, Dad!" natatawa ko pang sabi sabay tapik sa kanyang dibdib.

Sumilay din naman ang ngiti sa kanyang labi. Sinamantala ko ang pagkakataon at hinalikan siya ng maraming beses sa pisngi.

"He was a good man, Dad. Someone I thought I didn't deserve," mapakla ko pang sabi.

"Don't say that," iiling-iling pa niyang sabi sabay gagap sa aking pisngi. "You're one girl who deserved the best guy in this world." Malalim pa siyang humugot ng buntong-hininga at muli ay ikinulong ako sa kanyang mga braso. "I was so worried about you. Tapos bigla siyang sumulpot sa bahay na akala mo si Superman at susuungin ang panganib para sa'yo? That's just... I don't know exactly how to describe that, princess."

"He saved me twice, dad..." bulong ko pa sa kanya.

"W-w-wait..." Saglit niya akong inilayo at hinarap. Kunot ang kanyang noo habang matamang nakatitig sa akin. "You said twice?"

BABYSITTING THE TOP-NOTCH BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon