Chapter 26

65K 2.2K 91
                                    

Raynesha Deanise

"Really, dude? Girlfriend mo'to? Akala ko pa naman si-"

"No," maagap na sagot pa ni Russ na nanatiling seryoso ang mukha.

"Yeah, all right..." Nagkakamot pa ng ulong sabi niya sabay tingin sa akin. "Pasensya ka na. I thought cousin ka ni Russ," apologetic pang sabi n'ung lalaki. "By the way, I'm Eson. Kaibigan ako nina Russ at Venus," pakilala pa niya sa sarili sabay abot ng kamay sa akin.

Agad ko namang ipinunas sa shorts ang kamay kong medyo basa ng tubig at kinamayan siya.

"I'm Ysha," simpleng pakilala ko pa nang hindi tumitingin kay Russ. Parang impossible namang walang alam si Eson sa estado namin ni Russ gayong magkaibigan din sila ni Venus.

"Bakit naman hindi mo ipinakilala sa akin agad, dude. Akala ko pa naman ay magkaka-girlfriend ako bago bumalik sa Taiwan," natatawang biro pa niya kay Russ na medyo seryoso pa rin ang aura.

Hindi naman kumibo si Russ at sa halip ay sa akin diretsong tumitig.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo magmerienda? O mas gusto mo na kumain ng hapunan?" magkakasunod pa niyang tanong.

"I'm fine. Nauuhaw lang ako kaya ako bumaba. Mamaya na lang ako kakain," kaswal na sagot ko naman.

"Sumabay ka na sa amin, Ysha. May dala akong pizza, baka gusto mo?" singit pa ni Eson na ngiting-ngiti pa rin sa akin.

Bahagyang kumunot sa akin si Russ na para bang naghihintay na tanggihan ko.

But no. I wanted to eat pizza.

"That would be great! I missed eating pizza!" masayang sabi ko pa na nagpatiim bagang naman kay Russ.

"Come on, nagset-up kami rito sa labas," kayag pa ni Eson na parang hindi naman pansin ang seryosong mukha ni Russ.

"All right!" Tangka sana akong susunod kay Eson nang mahigpit akong hawakan ni Russ sa braso. Umiling siya sa akin at malalim na humugot nang buntong-hininga.

"Mauna ka na, dude. Saglit lang," matigas na sabi pa ni Russ kay Eson nang hindi lumilingon.

"Sure. Hintayin namin kayo, a," nakangiting sabi pa ni Eson sabay sumenyas at nagsalita nang walang boses. Kung hindi ako nagkakamali ay parang sinasabi niyang seloso si Russ? I'm not sure. Kanino naman siya magseselos? Or ako ba ang pinagseselosan ni Venus? I really didn't know.

"Magpalit ka muna ng damit bago ka lumabas doon," malamig pa niyang utos sabay dinaanan nang tingin ang legs ko.

"Oh..." Bumilog naman ang labi ko at tiningnan din ang suot ko. "I'm wearing shorts."

"That is too short," mabilis na dugtong pa niya sabay tumikhim.

"Sanay naman ako sa ganitong suot. Besides, si Venus at Eson lang naman ang nand'on," sabi ko pa sabay taas ng kilay. Wala talaga ako sa mood.

"Eson is a guy, Ysha. Gusto mo bang magfiesta siya sa pagtitig sa legs mo?" parang inis pa niyang sabi habang naninigas ang panga.

"Hindi naman niya mahahawakan 'to. Tumingin siya hangga't gusto niya," walang pakialam ko pang sabi sabay tabig sa kanyang kamay na nakahawak sa aking braso.

"Ang tigas talaga ng ulo mo," galit pang aniya habang matalim akong tinititigan.

"Ganito naman na talaga ako nang makilala mo, 'di ba? What's your deal then? Relax, will you?" sabi ko pa sabay ismid.

Hindi naman na siya kumibo.

At sa halip na makipagtalo ay nagdiretso na rin ako palabras ng bahay. Ramdam kong nakasunod siya sa akin, pero hindi na rin ako nag-abalang lumingon pa.

BABYSITTING THE TOP-NOTCH BRATTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon