PROLOGUE
She started to curse love when she got her first heartbreak.
What will gonna happen if love knocks again in her heart and forcefully enter her walls and boundaries that she built all alone when she was so broken?
***
Ano ba ang karaniwang ginagawa ng tao kapag broken hearted?
Naglalasing?
Nagda-drama?
Umiiyak?
Kain ng kain?
Nagpapakamatay?
"MISS DESTINY!!"
Agad akong bumalik sa reyalidad ng sigawan ako ng voice teacher ko.
"Ay Sorry po. Marami lang iniisip."
Napayuko na lamang ako. Dahil mukhang kanina pa siya disappointed sa mga pinag gagagawa ko.
"Ang dami ko na sinasabi kanina pa. Nasayang lang ang laway ko. Di ka naman nakikinig. Ilang araw na, Miss Villafuerte. At ayoko naman na masayang ang binabayad ng pamilya mo sakin."
"Sorry po Ms. Kira. Wala po talaga ako sa sarili."
"Call me if you're willing to learn more about music. Dahil di ko nakikitang gusto mo talaga ang pagkanta."
Tumayo na siya at lumabas. Sumimangot naman ako ulit.
Napatingin ako sa pintuan ng bigla itong bumukas at pumasok ang bestfriend kong si Amiel since nung bata pa kami.
"What happened? Mukhang ginalit mo si Ms. Kira ah? Iniisip mo nanaman ba siya?"
Ngumiti ako ng pilit at nagpakawala ng mahinang tawa.
"Alam mo, kahit naman pilitin mong wag maalala, maaalala at maaalala mo padin naman."
"I know. Kaya lang, maawa ka naman sa sarili mo,Des. Ilang araw kanang ganiyan."
"Haay."
"Sabi ko naman kasi sayo ako nalang mahalin mo eh."
"Sira ulo!" sigaw ko sabay batok sakaniya.
Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko. Wala akong gana sa kahit na ano.
Masakit pala kapag di ka prepared sa break-up. Yung tipong wala paramdam o sign. Yung kahit panlalamig sa relasyon,wala.
Meron pala nun? Yung pagkagising mo, di kana mahal ng taong mahal mo.
O..
Hindi talaga ako minahal at the first place?
Ang sakit lang. Tanggap ko pa sana. Kaso may pinalit sakin. Agad.
Sobrang sakit.
There's no cure. There is no Medicine that will ease the pain.
Deadly.
"Mahal naman talaga kita ah. At hindi kita sasaktan. Never, Destiny."
"Loko. Mag move on kana lang. Sayang friendship natin kapag nagbreak tayo pag nagkataon 'no! Kaya mag move kana ngayon palang!" pagbibiro ko.
"Sakit mo talaga magsalita! Tagos sa puso! Teka nga, bakit di mo man lang kami tinawagan ni Mysle? Dadamayan ka naman namin! You, idiot!" giit niya habang ginugulo ang buhok ko.
"Gusto ko lang mapag isa. And another thing, bubungangaan nanaman ako ni Sel kapag nalaman niya 'to. Baka di na pati sinagan ng araw si Kiefer bukas dahil baka mapatay niya."
YOU ARE READING
Head over heels in Love with You
RomanceThe more you hate the more you love? Gasgas. Hindi papasa sa isang Destiny Hope Villafuerte ang mga ganyang linyahan. Papatalo ba naman siya sa mayabang at maangas na si Luke Herwin Dela Cuesta? Pero paano kung tadhana na ang naglapit sakanila? Na k...
