CHAPTER 14

2.2M 39.7K 10.3K
                                    

CHAPTER 14

"JUSTINE, BAKIT nagre-relax ka diyan?" usisa ni Jergen sa bunsong kapatid na nanonood ng TV. "'Di ba dapat nasa likod-bahay ka at nagbibilad ng palay?" Tinaasan niya ito ng kilay. "Lalabas na mamaya ng ospital si Tatay. Kapag nalaman niyang humihilata ka lang diyan, baka magalit na naman 'yon at magka-hypertension."

Hininaan ni Justine ang volume ng TV, saka bumaling sa kanya. "Ate, nandoon na si Kuya Ly."

Nanlaki ang mga mata niya. "Si Lysander?" Nagbibilad ng palay si Lysander?

"Oo. Si Kuya Ly." Ngumisi ito. "Siya ang nag-volunteer, eh."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Kuya Ly talaga? Close kayo?"

Lalong lumapad ang ngisi nito. "Bakit hindi ko siya puwedeng tagawing Kuya Ly? Eh, asawa mo na siya, 'di ba?"

Inirapan niya ang kapatid, saka naglakad palabas ng bahay at nagtungo sa likod-bahay.

Napatigil sa paglalakad si Jergen nang makita si Lysander na nagbibilad nga ng palay. Nakahubad-baro ang lalaki at tumutulo ang pawis mula noo pababa sa mukha nito, pababa sa leeg hanggang sa nakakatakam nitong abs.

Goodness! Temptation!

Ano ba naman 'tong lalaking 'to?! Hindi ba nito alam na nagiging makasalanan ang mga mata ng kung sino man ang makakakita sa hubad nitong katawan?

"Lysander, ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" nakapamaywang niyang usisa sa lalaki na pinaghihiwalay ang mga palay para mas mabilad.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Hey, baby." Nginitian siya nito. "Ano'ng ginagawa mo rito? Bumalik ka ro'n sa bahay, mainit dito."

"Speak for yourself." Inirapan niya ito. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Nagbibilad ng palay," nakangiting sabi nito na para bang napakanormal lang ng ginagawa nito. "This is fun."

Napailing-iling si Jergen. "Pumasok ka na sa bahay," sabi niya na nakataas ang kilay. "Ang init, 'tapos nakabilad ka diyan. Baka magkasakit ka, hindi ka pa naman sanay sa ganito."

"I'm fine, baby," sabi nito na nakangiti pa rin. "Ikaw ang bumalik sa loob. Babalik na rin ako mayamaya lang. May ibibilad pa ako, eh."

Napabuntong-hininga siya. "Fine."

Umalis siya sa likod-bahay. Nang makapasok sa kabahayan, nagulat siya nang makita si Carlos sa may sala, kausap ni Justine.

"Carlos?" Hindi siya makapaniwalang makikita niya ito sa bahay nila pagkalipas ng mahabang panahon.

Bumaling sa kanya si Carlos at agad na ngumiti nang magtama ang mga mata nila. "Hi, Jergen."

Pinatay ni Justine ang TV. "Sa likod-bahay lang ako, Ate," paalam nito bago sila iniwan sa sala.

Pinagsalikop niya ang kamay, saka huminga nang malalim. "Ano'ng ginagawa mo rito?"

Mas lumapad ang ngiti ni Carlos. "Kumusta ka na?"

Nagtataka man sa presensiya ng lalaki, sinagot niya ang tanong nito. "Ayos lang naman. Ikaw?"

"Ayos lang din." Malambot ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya. "Na-miss kita, Jergen. Matagal-tagal na rin mula nang maghiwalay tayo noong pumunta ka sa Maynila."

Nag-iwas siya ng tingin. Kailangan ba talaga nitong sabihin 'yon? Matagal na 'yon. Halos anim na taon na ang nakakaraan. "Oo nga. Matagal na rin."

"Luluwas ako ng Maynila sa makalawa," imporma ni Carlos sa kanya. "Gusto mo sabay na tayo?"

POSSESSIVE 14: Lysander CallahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon