Slave #1: Slaves

53.7K 1.5K 130
                                    

SPG: LANGUAGE

--

Humugot ako ng malalim na hininga upang mapigilan ang sakit na nanunuot sa aking likod na tumama sa pader. Kagat-kagat ng mariin ang pang ibabang labi upang hindi gaanong maramdaman ang sakit sa aking likuran. Kung maaari lang maging manhid, matagal ko ng ginawa.

Napatingin ako sa mga taong aking nasa harapan ngunit para itong mga robot, blanko ang mga mata at walang awang pinagmamalupitan ang mga katulad kong walang kalaban laban.

Rinig na rinig ang sigaw ng paghihinagpis sa buong mansion. Pumikit ako ng mariin. Matagal na akong nandirito ngunit bakit hanggang ngayon, hindi pa rin ako masanay sanay?

Bakit nga ba ako napunta 'rito? Hindi ko alam. Hindi ako makapag isip ng maayos sa sakit mula sa aking buong katawan. Blanko ang aking isipan.

Ngunit isa lamang ang sigurado ako. Pare-pareho lamang kaming lahat na nandito. Pinagmamalupitan.

"Anong tinatanga tanga mo dyan? Kumilos ka! Walang kwenta!"

Impit akong napasigaw ng may humila sa aking buhok. Ang sakit, napakasakit. Kasabay ng paghila nito ay ang pwersahang pag bitaw nito sa akin na naging dahilan upang tumama ang ulo ko sa malamig simento. Napangiwi ako sa sakit, lalo na ng may mainit at malapot na likidong nagsimulang tumulo mula rito hanggang sa aking mukha. Inilagay ko ang aking palad sa noo at napangiwi ng maramdaman ang sakit dahil sa sugat roon. Isang panibagong sugat, tsaka ako napatingin sa aking kamay na nakatapat sa aking mukha ngayon.

Napakapulang kulay ng dugo. 'Sing pula ng rosas sa hardin na kinaaakitan ng lahat.

Kasabay nito ang tunog ng paglagapak ng palad sa pisngi. Nagkaroon ng katahimikan. Ang mga tunog ng latigong humahampas sa katawan ay nawala, pati ang tunog ng hinagpis mula sa katulad ko, ngunit ang mahihina at pigil nilang hikbi ay rinig pa 'rin dahil sa katahimikan.

Inangat ko ang aking paningin at tinignan ang babaeng kaninang humila sa aking buhok at nakitang nakatagilid ang mukha nito, namumula ang kanang pisngi at nasa harap nito ang isa sa mga head masters na siyang galit na galit, isa sa namumuno dito sa malaking bahay na ito.

Malaking bahay na puno ng basura, puno ng sakit at pagpapahirap. Na napalilibutan ng mga demonyong nagkatawang tao.

"What did I tell you? Don't you f-ucking hurt this bitch! This is for..."

Napapikit ako at hindi na nasundan ang kanilang sinasabi dulot ng sobrang pagkahilo. Ilang araw na akong walang kain, siguro dahil na 'rin hindi ako dinadalhan ng mga ito. Pati na rin siguro ang palihim na pagbugbog ng mga ito. Ngunit syempre, hindi nila ito pinapaalam sa mga head masters dahil parusa ang kahahantungan nila.

Head masters, sila ang tumatanggap ng mga bayad, at sila rin ang magdedesisyon kung sino ang ibebenta. Sila ang kinatatakutan dahil sila ang punong pinagmulan nitong impyernong mansyon na ito.

At sa loob ng bahay na ito, bagay— walang kwentang bagay ang turing sa amin.

Nanlalabo ang aking paningin at namamanhid ang aking katawan. Lambot na lambot ako, may gusto ring lumabas mula sa aking bibig na siyang aking pinipigilan. Sobrang bigat ng aking ulo ngunit pakiramdam ko'y lumulutang ang aking katawan. Muntikan na akong matumba, mabuti na lamang at may mga kamay na humawak sa aking magkabilang braso.

Napapiksi ako ng mahawakan nito ang pasang aking tinatago sa kanang braso ko, ngunit hindi nalang ako kumontra, hindi nagpakita ng sakit dahil ako lang rin naman ang kawawa.

Is this a good thing? I think not.

Purong ganito ang nangyayari sa akin, araw araw, simula ng ako'y maglabingwalong taong gulang. Pahihirapan, gagamutin, tsaka muling paglalaruan. Nakakapagod.

The Vampire's Slave ✓Where stories live. Discover now