"Blue..." hindi ko kasi kaya na mawala siya sa akin ulit. Na maiwan ulit. Just the thought of him leaving me? It hurts so much that it kills.

"Clare, kung ano man ang iniisip mo, tandaan mo na nandito lang ako lagi at mahal na mahal kita. If ayaw mo talaga ang amoy ko, then I'll change my perfume. I'll take a bath every second. I love you and I hate to see you crying, babe. Please, don't cry.." he doesn't even have an idea why am I crying.

"It's not that, Blue. There's nothing bothering me. It's just my pregnacy hormones, that's why.." I lied. "I know that's not it, but I wont ask anymore. I'll just wait 'til you're ready to tell me. Just promise me. No lies, okay?" tumango ako at hinalikan siya sa labi.

Parang narinig niya mula sa mga hikbi ko ang mga nararamdaman ko. Parang alam niya ang sagot para mapatigil ako sa pag-iyak kaya niyakap ko siya. May tiwala ako na hindi niya ako iiwan sa hirap at sa ginhawa.

"Huwag mo na ulit gagawin na umiyak, ha? Bukod sa papangit ka, baka kung may anong mangyari kay baby at sa'yo." sabi niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri niya. Tumango ako nang bahagya, dahil hanggang ngayon ay hindi parin nawawala ang pangamba ko na sa tingin ko ay hindi naman talaga mawawala hanggang nandito sa paligid namin si Kina.

Gabi na at nandito kami ngayon ni Blue sa sala at nanonood ng TV. Wala naman kaming masyadong ginawa. Tanging nood-kain-tulog at harutan lang ang ginawa namin buong maghapon. Sunod-sunod na buzz ng door bell, kaya ipi-nause muna namin ang pinapanood namin at sinamahan niya akong tignan sa peep hole kung sino ang nagdoorbell. Nang makasilip ako, napag-alaman ko na sila Mommy na may limang paper bag ng mga branded at signatured na gamit ang bitbit. Si Daddy na may dalang paperbag din at sina Irvi at Shannen na marami ring bitbit na galing pa sa mall pala ang narito.

Agad ko namang binuksan ang pinto at nakita ko ang masasaya nilang mga mukha. Nakangiti silang lahat na niyakap ako. Ang saya-saya ko. Nakita ko sila finally after ng kasal namin. I've missed them. "Hindi ako makahinga!" napahiwalay silang lahat sa akin. Halatang sabik na sabik, eh.

"Dahan-dahan naman po. Si baby maiipit." medyo napa-atras sila sa akin.

"Sorry, anak. Namiss ka lang talaga namin." Natawa naman sila.

"Mom, bakit ang dami niyong dala?" agad namang napakamot sila ng ulo.

"Eh kasi naman... Para 'yan sa magiging baby niyo." sabay-sabay silang nagtawanan sa sala. Mga kengkoy talaga sila. Bagay na bagay silang magkakasama.

Bigla namang nag-ring ang cellphone ni Blue kaya nagpa-excuse siya sa amin at agad naman niya itong sinagot.

Mula sa malayo nakikita kong naguguluhan at galit si Blue sa kausap niya, pero nang mapansin niyang nakatingin ako ay agad akong umiwas ng tingin. I trust him.

___

'

Blue

"A-anong sinasabi mo? Nababaliw ka na ba?" tanong ko sa kaniya gamit ang galit, ngunit pabulong na tono ng pananalita.

"Matagal na akong baliw, Blue. Kaya nga kaya kong pumatay... mapasakin ka lang." humalakhak siya sa kabilang linya. "Tumahimik ka!"

"Pero... hindi ko naman sila gagalawin. Sa isang kondisyon..." bigla naman akong kinilabutan. Oo, wala akong kinatatakutan. Pero pagdating sa mag-ina ko, mahina ako at walang hinahangad kung hindi ang kabutihan nila.

"A-anong kondisyon?" nakita ko naman na nakatingin si Clare sa akin, ngunit agad naman itong lumihis ng tingin nang magkasalubong ang mga mata namin.

"Kapag iniwanan mo si Clare ay hindi ko sila sasaktan o kung sino mang importante sa buhay mo. Including your child, of course." casual na sabi niya habang patawa-tawa pa.

Nerd Noon Dyosa Ngayon (PUBLISHED)Where stories live. Discover now