Parang may sumakal sa puso niya habang nakatingin sa amang nagmamakaawa sa kanyang pumirma. Umiling siya. "'Tay, intindihin n'yo naman ako."

Mas humigpit lalo ang pagkakasapo sa dibdib nito.

"Justine!" sigaw ng kanyang ina. "Tulungan mo kami rito!"

Pero sa halip na si Justine, si Lysander ang dumating sa sala, saka tinulungan ang ninong niya na buhatin ang kanyang ama. Bago umalis, bumaling muna ito sa kanya.

"Sign it, Jergen," sabi nito, saka tinanguan siya at umalis kasama ang ninong niya.

Siya naman ay napatitig sa papeles na nasa ibabaw ng center table. Kung pipirma siya, tulad ng ginawa ni Lysander, magiging maayos na ba ang lagay ng ama niya?

"Anak." Hinawakan siya sa braso ng ina, saka hinaplos ang buhok niya. "Ang gusto lang namin ay maging maayos ang lagay mo. Ginagawa 'to ng ama mo para sa 'yo, intindihin mo sana siya. At kung mahal mo kami, pipirmahan mo iyan para mapanatag ang loob namin na hindi ka gagaguhin ng lalaking 'yon."

Mapakla siyang natawa. "'Nay, kung mahal n'yo ako, hindi n'yo gagawin sa 'kin 'to." Pinulot niya ang ball pen, saka mabilis na pinirmahan ang papeles. "Pero dahil mahal ko kayo, sige, pinirmahan ko na. Sana masaya na kayo."

Iniwan niya ang ball pen at ang pinirmahan sa center table, saka lumabas ng bahay. Nagulat siya nang makasalubong niya si Lysander.

"Si Tatay?"

Sa halip na sagutin siya, pumasok ito sa kabahayan. Mabilis niya itong sinundan at naabutan niyang kinakausap ang kanyang ina.

"Hinihintay ho kayo sa labas," sabi ni Lysander, saka pinulot ang papel sa ibabaw ng center table at ibinigay sa kanyang ina. "Dalhin n'yo raw 'to."

Mabilis na tumango ang kanyang ina, tinanggap ang papel, saka mabilis na lumabas ng bahay.

Naiwan silang dalawa ni Lysander sa sala. Pareho silang walang imik hanggang humarap sa kanya si Lysander, saka binasag ang katahimikan.

"In your room. Now," sabi nito.

Tumango si Jergen, saka nagtungo sa kuwarto niya. Nasa likuran niya si Lysander, nakasunod sa kanya. Nang makapasok na sa kuwarto, humarap siya kay Lysander para kausapin ito pero nahigit niya ang hininga dahil ilang dangkal na lang ang layo ng mukha nilang dalawa.

"Boss..." Humakbang siya paatras.

He looked annoyed.

Humakbang siya uli paatras. "Boss... mag-usap tayo."

"I don't want to talk," he said in a cold tone. "I want to fuck."

Namilog ang mga mata ni Jergen. "Boss, ano ba 'yang pinagsasasabi mo? Puwede ba, huwag kang ganyan."

Napakalamig ng ngiting gumuhit sa mga labi nito. "Why? You're my wife now, Jergen. I think I have the right to fuck you when I want to, even when we're in your parent's house." Hinapit siya nito sa baywang, saka bumulong. "Fuck respect."

Napalunok siya. Abot-abot ang kabang nararamdaman niya. He was really mad. Nararamdaman niya 'yon. Galit ito sa ginawa ng ama niya. Sino ang hindi magagalit?

"Lysander, pag-usapan natin 'to," pabulong niyang sabi. Nag-iiba na naman ang isip niya dahil napakalapit lang ng mga labi nitong natatakam siyang tikman. "Please, Boss, let's talk." Umatras siya pero humakbang naman ito palapit. "Kung ayaw mo sa nangyari, ako rin naman, ah. Ayoko rin. Pero kailangan kong pirmahan para mapanatag si Tatay. Pero 'di ba, hindi naman nila malalaman kung ipa-annul natin iyong kasal? Iyon na lang ang gawin natin. Ayoko rin namang pilitin ka—" Napatigil siya sa pagsasalita at napahiyaw nang bigla na lang siya nitong itinulak pahiga sa kama. "Boss!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata.

POSSESSIVE 14: Lysander CallahanWhere stories live. Discover now