How did he know my phone number?

+++++++++++++++++++++++++++++

Jay-jay's POV

Daig ko pa yung kriminal na tumatakas sa kulungan.

Kasi naman... Ayoko nga sya'ng makita kaya binuhos ko na yung oras ko sa kaka-isip kung panu ko makakatakas.

Bwala!

Eto ako ngayon at nakasakay sa bike. Papunta sa lugar na hindi ko alam. Dumaan kasi ako sa bintana sa likod ng bahay.

Joke!

Hinintay ko lang umalis si Kuya, tapos dumaan ako sa harap para kunin yung bike ko. Nakita ako ni Aries pero wala namang paki sakin ang isang yun.

Galit din ako sa kanya! Alam din kasi nya. Pero kung tutuusin, quits lang kami. May alam akong hindi nya alam.

Alam kong buhay si Percy.

Pinagsabihan kasi ako nila Keifer na wag muna ipaalam sa kanya. Hindi pa nga naman kasi kami sigurado sa balak ni Percy.

Pero hangang ngayon, inaabangan ko pa rin yung text or tawag nya. May pagkakataon nga na hindi ko hinahayaan na malowbat or malayo sakin yung phone ko.

Speaking of phone, tumatawag sakin si Kuya. Bahala sya! Hindi ako haharap sa babae na yun. Aalis din naman sya agad kaya makaka-uwi din ako ngayong araw. Patuloy ako sa pagB-bike at sa totoo lang ngayon ko lang napansin na paakyat na tong daan.

Medyo hirap na ko sa pagpidal. Sandali ako'ng huminto at pinagmasdan yung paligid. Para kasing pamilyar sakin.

Bumalik ako sa pagpidal habang patuloy sa pagmasid sa mga dinadaanan ko. Hangang sa meron akong na-realize.

Papunta kila Keifer tong lugar na to!

Panu ko nakarating dito ng hindi ko namamalayan? Hanep yan! May sarili nabang isip tong bike ko at nagdesisyon mag-isa?

Tumunog na naman yung phone ko. Unknown number yung tumatawag. Ayoko sana sagutin pero baka kasi si Percy to.

"H-hello?"

["Asan ka?"] Tanung nung nasa kabilang linya.

Hindi ko makilala yung boses nya. Pero alam kong hindi sya si Percy. At kung sino man sya, bakit ko sasabihin sa kanya?

"Sino ka? Pakialam mo kung nasan ako?"

["I'm asking you a question. Answer it!"]

Napataas ang isang kilay ko sa sinabi nya. Eng kepel neng meke nyang utusan ako!

"Hoy! Kung sino ka man, wag kang tanga! Bakit ko sasabihin sayo kung nasan ako?! Ni hindi ka nagpapakilala! Kung wala kang magawang matino, wag ako istorbuhin mo! Don't me!" Inis na sabi ko.

["Tss."]

Ay! Kilala ko na. Tabas pa lang ng Tss, alam ko na kung sino. Dalawa lang silang mapag-ganyan.

["..Dami mong alam."] Inis na sabi ng Hari ng mga ulupong.

"Anu ba kailangan mo?!"

["Asan ka nga?!"]

Tinignan ko yung paligid ko. Sasabihin ko ba sa kanyang nasa daan ako malapit sa kanila? Wag na siguro, baka isipin nya ini-stalk ko sya.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon