"Jay..." Tawag sakin ni Ci-N. "...kamag-anak mo?" Tanung nya sabay turo sa isang listahan na puno ng pangalan.

Lumapit ako at tinignan yung pangalang tinuturo nya.

Jasfher Mariano

Ang galing, kapangalan ko sya at kaapilyido. Yun nga lang, wala akong maalala na may kapangalan ako sa mga kamag-anak namin.

Umiling lang ako kay Ci-N. Tumingin pa kami sa mga bulletin ng may matapatan akong picture. Para kasing kilala ko yung nasa picture.

Pamilyar to sakin.

Para bang nakita ko na sya. Hindi ko lang maalala kung saan. Tinitigan ko pang mabuti pero hindi ko pa rin maalala. Lalaki na muka'ng ng nasa mid-40's.

Muli kami'ng tinawag ng Tour guide at nagsalita nung kung anu-anu. Pero wala sa kanya yung atensyon ko. Yung lalaki kasi sa picture, para kasing nakita ko na talaga sya. Hindi mapakali yung bulate sa utak ko dahil sa kanya.

Kung saan-saan pa kami dinala nitong Tour Guide. Wala na kong naintindihan sa sinabi nya. Dun pa rin sa picture yung focus ko. Nakarating kami sa cafeteria at dun kami pinakain.

"Huy... Jay!" Tawag sakin ni Ci-N.

"Huh?"

"Sabi ko kung kakainin mo pa yan?" Tanung nya sabay turo sa pagkain sa plato ko.

Umiling ako at nilapit sa kanya yung plato. Wala akong gana, marami naman akong kinain kanina kaya okay lang.

"May problema ba? Kanina ka pa tahimik." Puna ni David at halos lahat sila tumingin sakin.

"W-wala... Pagod lang ako."

"Are you sure about that? Kanina lang excited ka." Tanung ni Yuri.

Nag-nod lang ako sabay pilit ng ngiti. Ayoko'ng pati sila idamay pa sa isipin ko. Ako nalang bahala dun.

Bigla nalang dumamba si Felix sa table namin. Yumanig yung table at muntik ng tumaob yung mga baso.

"Anu ba yan?!"

"Felix naman!"

"Parang bata!"

"Good news!" Announce nya habang nakangiti.

Bigla nya'ng hinarap samin yung papel na hawak nya. Hindi ko maintindihan nung una kaya yung malalaking letter nalang binasa ko.

Scholarship Agreement and Approval

"Pinapirma kana?!" Gulat na tanung ko.

Buong ngiti na nag-nod si Felix kaya naman sabay-sabay kaming nagpalakpakan.

"At lahat ng to... Utang ko sayo." Sabi nya habang nakatingin sakin.

Akmang yayakapin na nya ko ng bigla'ng humarang yung kamay ni Yuri.

"Hindi na kailangan ng yakapan." Sabi nya.

Pare-pareho kaming nagpalitan ng tingin. Sa halip na magsalita bigla nalang dumamba ng yakap si Felix sakin.

Hala!

"Oy! Felix!" Sigaw ko.

"Bakit ba?! Gusto ko syang yakapin!" Sabi ni Felix.

Hindi pa nakakasagot si Yuri ng dumamba din ng yakap si Ci-N.

Anak ng...

"Ako din yayakap!" Sabi ni Ci habang nakangiti ng nakakaloko.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon