Chapter 27

1.8K 25 0
                                    

Gabi na at sa bar ko na-abutan si Cindy. Halatang may malaking problema siya kasi kanina pa ko dito at nakakailang bote na siya ng alak.


I'm actually at the back of their seat, and she's with Kyo and Lizzy. Kaya talagang tutok ako sa pagbabantay ko kay Cindy ngayon.


Bar to at umiinom siya ng alak, pag nagkataon baka pagsamantalahan ni Kyo ang kahinaan niya bilang alam kong matatapos ang gabing ito na lasing na lasing si Cindy.


Sobrang lapit ko sakanila at buti na lang talaga mejo madilim dito, disco light lang ang nagbibigay liwanag sa lahat ng nag-sasayaw sa gitna at may mga maliliit lang na ilaw ang nakapalibot sa kin, enough for me to hide.


Isa pa kahit siguro lumapit ako sakanila, may posibilidad na hindi ako makilala ni Cindy dahil sa sobrang kalasingan. Binabantayan ko rin ang bawat lagok ni Kyo ng alak. Buti na lang talaga at hindi niya sinasabayan si Cindy.


Rinig ko mula dito sa pwesto ko ang pinag-uusapan nila.


"Mind if I join you?"


Napatingin ako bigla sa babaeng naka super miniskirt at bakat na bakat ang bilugan niyang dibdib sa sobrang fit na white v-neck shirt niya.


Ngumiti ako sakanya ng may halong lust.


"Yes, sobrang kailangan kong pag-isipan kung uupo ka sa tabi ko. You're incredibly beautiful and sexy with or without your clothes. But I prefer having a minute to someone who is sensible, than flirting with girls who always make the first move. You should try being conservative sometime."


I smiled at her seductively.


"Tsk."


She rolled her eyes and walked away. As if I care.


Nasa bar ako, pero hindi naman pag-inom at paglandi ang pakay ko.


I'm here to have my girlfriend back.


At kanina pa ko na-aalibadbaran kay Kyo na uma-alalay kay Cindy.


"Hoy bata! Alam mo ba."


Ang cute ni Cindy, lasing na talaga.


"Ma'am tama na po."

"Hindi! Wala pa nga akong kinukwento sayo pinapahinto mo na ko???"


Natawa ako ng bahagya.


"As I was saying, yung dalawang kafatid koh, manLOLOKO rin! NILOKO nila si Lizzy! Si John! Nakwento ko na bash sha sayo??? Shii John yung ex ni Lizzy na niloko siya before maging kami! Taposh...


Namumula na siya at bigla siyang sininok. Nakakatawa talaga.


Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now