Chapter 8

2.1K 29 1
                                    

Blaise's POV


Pinark ko na ang sasakyan ko at pinatay ang ignition. Pababa na ko, pero bigla kong na alala na may alak akong nakatago sa harap ng passenger seat.


Kinuha ko ang alak at tyka bumaba ng sasakyan. Binuksan ko ito at ibinuhos sa damit ko, tapos ay lumagok ng ilan.


Naramdaman ko ang init na gumuguhit sa lalamunan ko, sh1t! Saraaap!


Kailangan kong magpanggap na lasing para hindi siya magduda kung bakit bigla akong susulpot ngayon sa harap niya.


Pagkatapos nun ay dumiretso na ko papasok sa loob.


Nakakainis talaga siya, kabababa ko pa lang ng eroplano ng tumawag sa kin si Jess...


Oo si Jess na bestfriend niya at nag-hire sa kin dito.


Kaya wag na kayong magtaka kung bakit urgent ang pagpunta ko sakanya. Ang tigas talaga ng ulo niya, itutuloy at itutuloy niya pa rin talaga ang balak niya, ilang beses ko ba siyang dapat patikman?? Hindi pa ba siya kontento? Gusto niya talagang magsariling sikap na lang? Ayaw niya ba ng tulong? Ito na nga ako eh, handang bigyan siya ng anak pero ayaw pa niya??


Hindi niya ba naiisip na magiging gwapo ang kinalabasan pag sa kin siya nag-pa buntis?


Hindi rin naman ako nagkulang sa pa-alala sakanya. Di ba tumawag sa kanya ung assistant ko?? Alam ko naman na may mga hinala na kayo kung sino ako, and OO! Ako nga ang bagong-bago at gwapong gwapong president ng clothing company na pinagta-trabahuhan nila Cindy.


Wag kasi kayong masyadong magpaniwala kay Cindy. Sa kin kayo maniwala kasi pangalan ko po ung asa title, at ako ang nagsimula ng lahat ng to. Ang problema ko lang talaga ay siya. Ang dulas niya, ilang beses niya kayang gagawin sa kin to?


Hirap talagang intindihin ng mga babae, tyka kahit anong reklamo ko dito, wala rin naman akong magagawa. May sira ata talaga un. Ayaw sa mga lalakeng ubod ng biyaya.


Pagdating ko sa tapat ng pad niya, nag-unat unat muna ako.



*Hingag Malalim*


[Repeat chapter 7]


*********



Cindy's POV


Ano ba yan, kelangan ko nanamang magpa-sched ulet.  Nahihiya na ko dun sa hospital at doctor ko. Paano ba kasi nalaman ng lalakeng to ang schedule ko? Ang galing naman niyang tsumempo. 


Nakahiga pa rin ako katabi niya. Pareho pa rin kaming hubad, may kumot nga lang na tumatakip sa min. Napatingin ako sa mga paa ko.


...


Hindi siya gumagamit ng condom, hindi kaya may nabuo na dito? Hinaplos ko ang puson ko at inalog ang ulo ko para ma-alis ang ideyang pumasok sa utak ko.

Play With Blaze [FINAL EDITION]Where stories live. Discover now