Chapter 10

2K 27 0
                                    

Tatlong araw ng andito si Blaise, ewan ko ba sakanya! Ayaw niyang umuwi. Pero sabi niya naman, naumaalis-alis din naman daw siya pag pumapasok na ko sa trabaho, tapos bumabalik di dito kapag uwian ko na.


Ganyan niya ko kamahal ng sobra.


Sa ngayon, wala akong ginagawa, kundi ang mag-laro lang ng 2fuse habang nakahiga sa kama. Tapos siya, ayun, nangingi-alam ng mga damit ko sa cabinet. Ang gulo daw kasi, aayusin niya daw. Sabi sa inyo e, iba utak niya.


Maya-maya bigla siyang tumayo at naglakad papalapit sa kin bitbitbit ang ilan sa mga damit ko.


"Oh-uh."


Sa mga mata niya pa lang na nanlilisik habang papalapit sa kin, ay kinakabahan na ko.


Tumigil ako sa pag-lalaro at umayos ng upo para salubungin siya. Inilapag niya ang mga gamit ko sa kama at umupo na sa tapat ko.


"Akala ko ba ako ang una??"


Here's the drama again. 


"Ikaw nga."


"E kanino to??? Talagang nakatago pa ng maayos sa baba ng cabinet mo!"


"Sa akin."


"Sayo? E puros panlalake to, tapos small pa yung size!!"


Natatawa akong hindi ko maintindihan dahil sa ina-arte niya. Nag-se-selos siya na wala naman talagang dahilan.


I feel like I'm enjoying my own private joke.


"Kaya nga akin yan."


Kinuha ko yung mga damit ko sa mga kamay niya at lalo siyang nagtaka.


"Bumibili talaga ako ng mga ganyan, mas komportable kasi silang suotin dito sa bahay."


Inisa-isa ko ang mga luma kong damit sa harap niya.


"Tignan mo, puro plain T-shirt lang naman to."


Halata pa rin sa mukha niya ang pag-dududa.


"Ano ba! Ang drama mo, ikaw nga ang nauna! Naramdaman mo naman yun."


"Malay ko ba kung nag-patahi ka."



*PAK*



Isang malutong na batok ang binigay ko sakanya.


"AWW!"


Baliw kasi! Sabihin ba naman yun! SYEMPRE HINDI!

Play With Blaze [FINAL EDITION]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora