Chapter 5: Training?

12.3K 411 1
                                    


S T E F F POV

Aarr! Ang sakit ng ulo ko. Parang pinupok pok ng martilyo.

Unti unti kong dinilat ang mata ko at tumambad sa akin ang Puting kisame.

Nasaan ako? Ano nangyari?

"Buti naman gising kana" Napatingin ako sa nagsalita, Eto yung lalaking tinitignan ko dahil sa lakas ng Fire Type ng magic nya.

"Uh? Nasaan ako?" Tanong ko sa lalaki.

"Hospital" cold nyang sagot

"Ah? Nasaan sila Eliz?" Tanong ko uliit

"Bat ang dami mong tanong?" Pagsusuplado nya.

Napalaki naman ang Mata ko. Aba Aba! Lalaking lalaki ang supla-Suplado.

Tumahimik nalang ako. Nagugutom na ako. Bakit ako nandito sa Hospital? Ano ang ginagawa ko dito? Aish!! Nagka amnesia na ba ako?

"Oh eto Pagkain" sabay abot nya sa akin ng Cake. CAKE? Wala man lang Rice?

"Ah. No Thanks" hindi ko kinuha ang binibigay nya sa akin. Para saan pa kung hindi naman ako mabubusog duon?!

"Riyaaaaaann!! Buti naman Gising kana!" Dali daling tumakbo si Leira papunta sa akin at niyakap ako.

"Urgh! I can't Breath!" Sabi ko

"Oooohh! Sorry!" Humiwalay na sya.

"Alis na ako" paalam nung lalaking masungit at umalis na agad.

"Sino yun?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Umupo ako, pansin ko Naka Hospital Dress ako.

"Si Caleb" sagot ni Eliz.

"Pwede kana daw Bumalik sa School Riyan!" Masayang sabi ni Leira

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Ano bang nangyari sa akin?" Tanong ko.

"Hello?! Nahimatay ka kaya nakaraang araw at ngayon ka lang nagising" Sambit naman ni Eliz.

"Tara na! Magpalit kana ng Damit at babalik na tayo sa Dorm" hinila ako pababa ni Leira.

~~~~~
@Dorm

"ANOOOOO?? ISA KO LANG?" Sigaw ko sa kanila.

"Uh Oo eh. Kasi nga andami mong namiss na Trainings kaya kailangan mong tapusin bago ka sumabay sa amin" sambit ni Leira habang may kinakalikot sa Laptop nya.

"Anduon naman kami para bantayan o turuan ka eh" sabi ni Leira.

"Eh may Pasok kayo diba?" Cold kong tanong.

"Excuse Kami" naka ngiti nyang sagot.

"Kami? It means, kayong Dalawa?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi! Tatlo kami" sagot nya.

Napatigil ako sa pagsusuklay ng buhok ko.

"Tatlo?" Again n again.

"Yhup. Si caleb kasama" sabi ni Eliz.

Shocks! Kasama yung Masungit na yun? Nakaka asar ah! Okay sa akin kung silang dalawa lang pero kasama yung Masungit na lalaking yun! Aba aba Hindi pwede.

"No Turning Back" sambit ni Eliz.

"Tara na. Naghihintay na sya duon" sabi ni Leira at tumayo na sya.

Tumayo na rin ako at lumabas na.

"Ang Tagal nyo" Cold nyang bungad sa amin.

Napa Poker Face nalang ako. Kahit kelan talaga ang supla-Suplado nya.

Napatingin ako sa Gilid ng Magic Field walang tao kami lang Apat.

"Mag umpisa na tayo!" Sabi nya at tumayo na sya.

Tumabi naman si Eliz at Leira sa kanya kaya naiwan ako dito sa Gitna.

"Ano gagawin ko dito?" Tanong ko pero imbis sumagot sila pumikit sila sabay sabay.

Ano nanamamg kalokohang to?

Sa pagdilat ng mata nila ay ang Paglabas ng kapangyarihan nila sa Palad.

Tumingin ako kay Eliz at Leira na May nagaalalang mukha nila.
Napatingin naman ako kay Caleb na Seryosong nakatingin sa akin

Napapikit ako, Unti unti nanaman akong nahihilo.

Sa pagdilat ko nakatingin sa akin si Eliz na nag aalala.

Napansin ko din na papatamaan na ako ni Caleb ng Magic nya ng Makailag ako. Ano ba meron sa kanila? Eto na ba ang training na sinasabi nila?

Tuloy tuloy lang ako sa pag ilag dahil sa sunod sunod na tira ni Caleb.

May Time na Napapa Split ako para Ilagan ang Kapangyarihan nya pero may dumadaplis din.

Medyo nahihilo na ako at nanlalambot na ang tuhod ko.

Huminto si Caleb kaya napahinto din ako sa pag ilag.

Ang sakit sa katawan nitong training na to.

Nagulat ako sa Pag atake bigla bigla ng isang Ice Type, Buti naman at nailagan ko kaagad.

Tumingin ako kay Leira na naka peace sign bago nya pakawalan ang sunod sunod na Ice Ball.

Inilag ilagan ko yun isa isa.

Nang mapagod na si Leira sa pagtama sa akin ng 20 Ice Ball tumigil na sya.

Mas lalong Sumakit ang ulo ko.

"Sorry" sabi ni Eliz at nagpakawala na ng 10 maliliit na ipo ipo. Nahihirapan akong umilag dahil sa Sakit ng Ulo ko.

Nang matapos kong ilagan iyong ipo ipo. Sabay sabay namang Nagpakawala ng mahika sila Caleb, Eliz at Leira at pinatama nila sa akin.

Dali dali akong umilag pero wrong move, na out of Balance ako.

Natamaan ako ng isang Ice ball sa gilid ng paa ko at nadaplisan naman ako sa kamay ng Fire Ball.

Medyo nanghihina na ako.

Pinilit kong tumayo pero hindi ako makatayo dahil narin sa nanghihina kong tuhod.

Lumapit naman bigla si Eliz at Leira sa akin na may hawak na maliit na bote.

"Eto inumin mo" sabi ni Leira sabay bigay sa akin ng isang Bote, Ininom ko to at medyo nawala ang sakit na nararamdaman ko sa ulo ko.

"Pagpatuloy na natin" sigaw ni Caleb.

"Sooooorrry Riyan ginagawa lang namin ang sinasabi ng Principal" hinging paumanhin ni Eliz.

"I understand" sabi ko sa kanila at tumayo na.

Bumalik ulit ang Lakas ko.

At nagpatuloy na kami sa pag tra-Training..

******

AN:

Siguro naguguluhan kayo sa pagtawag ko sa mga Mahika nila nuh, Like Water Type O Fire TYPE. Hahha. Inspired lang po ako Sa Pokemon. Hihihi.

Pero wag nyo na po isipin yun, wala na rin po kasi akong ma isip na itawag sa mahika eh. Peace po tayo!! Huhuhu.

By the Way, Vote And Comments.

Thanks a Lot

~Ashjulienne

Magi Academy: School Of Magic (C O M P L E T E D/)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt