Chapter 4: Lost Magic

12.3K 418 8
                                    


"Shocks! Ano ba talagang nangyayari kay mrs. Santos? Bakit nya pinaulit sa atin ang pag tra training?" Pagod na sambit ni Leira.

"Oo nga eh. Nasaan na ang Angel Side ni Ma'am sa atin? Shocks! I swear hindi na to mauulit!" Pinunasan ni Eliz ang pawis nya sa Mukha.

Umupo na ako sa Kama at binuksan ang Aircon, Pinabalik na kami ni Mrs. Santos sa kanya kanyang Dorm namin.

"Hindi naman Gagawin ni ma'am yun kung walang dahilan." Sagot ko sa kanila.

Tama naman eh! Hindi nila gagawin yun kung walang importanteng dahilan.

"Riyan? Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Eliz.

Huh? Anong okay? Medyo pagod lang naman ako at medyo may kumikirot sa loob ng katawan ko.

"Huh?" Tanong ko sa kanila.

Lumapit sila sa akin at hinawakan ang noo at leeg ko.

"Namumutla ka!" Tarantang sabi ni Leira.

Anyare sa akin?

"Tawagin nyo si Secretary Ryan" nag aalalang sabi ni Eliz.

Tatayo sana ako para tignan ang mukha ko sa salamin ng ma out of balance ako.

Medyo nahihilo na rin ako at nag blurred ang paningin ko.

Anong nangyayari sa akin? May sakit ba ako or what?

"Shocks! Hindi ma contact si Sec.Ryan! Eliz takbo kana! Puntahan mo si Sec at ipaalam mo ang nangyari!" Yaan ang huling narinig ko bago nag blurred lahat ng paningin ko.

Leira POV

Natataranta ako habang tinitignan si Riyan na walang malay dito sa kama.

Lumabas muna ako para maghanap ng bubuhat kay Riyan dahil ang tagal ni Eliz.

Ginamit ko ang invisible magic ko.

Walang tao sa Hallway, Class hour kasi ngayon.

Takbo lang ako ng takbo ng may nakita akong isang lalaking naka talikod.

"Hey!" Hingal kong sabi at Tinapik ang balikat nya.

Humarap naman ito sa akin at nagulat ako kung sino ang tinapik ko.

"Ca-Cale-Leb" hinihingal kong sabi

Tinaasan nya ako ng isang kilay.

Kahit kelan talaga ang suplado at cold nito, kung hindi lang importante hindi ko sya kakausapin.

"Si Riyan Walang malay sa Kwarto namin pwedeng pabuhat sya papuntang Clinic?" Tanong ko.

Medyo nanginginig parin ang boses ko sa kaba.

"You mean yung Transferee?" Tanong nya.

Napatango nalang ako.

Umupo muna ako kasi alam kong Hindi sya yan papayag.

Pero nagulat ako ng bigla syang tumakbo papunta sa Girl Dormitory.

Tumakbo na rin ako pabalik kahit hingal na hingal ako.

Pagbalik namin sa room namin anduon parin si Riyan na walang malay.

Dahan dahang binuhat ni Caleb si Riyan.yung pang Bridal Style.

Caleb Jiro Efron- Fil-Am, Fire type ang magic, Gwapo, Suplado,Cold, Matalino, Heartthrob dito sa academy at Pinaka malakas ang magic nya sa buong estudyante dito sa Academy..

Nakasunod lang ako kela Caleb na naglalakad.

Kahit ako litong lito din ako kung bakit biglang namutla ang buong katawan ni Riyan.

Una ko palang tingin kay Riyan parang may kakaiba sa kanya eh parang iba sya parang hindi sya ordinaryo. Kala ko kung ako lang ang nakakaalam pero pati din pala si Eliz nararamdaman nya iyon. Gusto naming komprontahin si Secretary Ryan dahil sya lang naman ang Tito ni Riyan dito.
Pero hindi namin magawa.

Hiniga na ni Caleb sa Kama at umupo sya sa upuang katabi ng Hospital Bed at Tinitigan nya si Riyan.

Maya maya pa ay dumating na ang nurse at Sila Eliz kasama si Sec. Ryan.

Nagaalala namang lumapit si Sec.Ryan kay Riyan.

"Bigla nalang po sya namutla pagkatapos ng training namin" paliwanag ko kay Sec.

Tumango lang sya at umupo na sa Sofa.

Bakit hindi sya nagalit? Bakit hindi sya nagtaka? Ano bang meron?

"Ano po ba talaga si Riyan? Iba ang nararamdaman namin sa kanya eh!? Pwede po ba sabihin nyo na sa amin?! Mapagkakatiwalaan nyo naman po kami eh!" Paninimula ni Eliz.

Napatingin kaming lahat kay Sec ryan na umiiling.

"Please sec.Ryan" pamimilit ko kay Sec Ryan pero iling lang sya ng iling.

Napatingin ako kay Caleb na naglabas na ng Apoy sa palad nya, ako din naglabas din ako ng Hangin sa kamay ko at ganun din ang ginawa ni Eliz na naglabas ng Yelo sa kamay nya.

"Easy! Sasabihin ko na sa inyo pero sana rumespeto kayo sa akin" sabi ni Sec. Ryan

Hindi namin sya sumagot.

"Kaya nagkakaganyan si Steff ay kasi nag uumpisa ng Gumising ang Mahika sa loob ng katawan nya" paninimula nya.

Binalik na namin ang mahika namin at nakinig nalang sa kanya.

"2 years Ago, Nawala ang Water Type na magic nya. Pinaalis sya sa isang magic School dahil sa Mahina nyang Mahika. Nawalan ng pag asa si Steff kaya Nagpatuloy sya sa pag aaral sa Normal School.
Umalis ang Magulang nya 1 week ago, at ibinilin sya sa akin. Sana tulungan nyo akong gisingin ang mahika sa katawan nya" sabi ni Sec. Lahat kami napanganga. What did he mean? Na babalik ang Mahika ni Steff?

"Sana kayo lang ang makaalam nito" muli nyang sabi, tumango tango kami.

"Ano pala yung Special Magic?" Biglang tanong ni Caleb.

Napatingin kami kay caleb at Kay Sec. Special Magic?

"Huh? A-Anong Special ?" Utal na tanong ni Sec.

Bakit sya nauutal?

"I heard it. Narinig ko sa Principal Office" sabi ni Caleb.

"I guess wala na akong Choice. Oo nasakanya ang Special Magic pero wala tayong ideya kung ano ang itsura o ano ang special Magic nya.. Hinahanap na ng Dark Magic ang may hawak ng Special magic kaya Pinapatraining ulit kayo. Umalis si Mrs. Santos para kumuha ng ingredients ng White Magic. Aasahan ko ang Cooperate nyo"

~~~
AN:
Guys! You heard it right?! May Special eklabush tong story nato. Sana wala akong mabasa na ginagaya ko yung Charm academy kasi alam ko at alam nyo na bago ko nabasa ang Charm Academy na isulat ko na sa notebook ko ang Magi Academy..

Vote and Comment :D lovelots

Magi Academy: School Of Magic (C O M P L E T E D/)Where stories live. Discover now