kinse

1.9K 46 2
                                    

Justin's POV.

Kanina ko pa hinahanap si Honey. Matapos kong maghugas ng pinggan at nakitang wala sya sa dalampasigan agad agad ko syang hinanap. Tinignan ko sa tuktok ng isla kung saan ko sya nakita kahapon ngunit di ko sya nakita. Medyo nag-aalala na ako lalo na't liblib pa ang ibang parte ng isla.

Alam kong nasaktan sya kanina.Alam kong hindi ko dapat yun sinabi.

Pero

((((flashback))))

Nagising akong wala sa tabi ko si Honey bahagya akong naalarma sa hindi ko malamang dahilan.Ang alam ko lang naalarma ang buong sistema ko ng maramdamang wala sya sa tabi ko.

Kahapon nagdesisyon akong pakinabangan ang plano ng Mama ko(sigurado akong sya ang may pakana nito) gusto kong maka sigurado sa nararamdaman ko. Gusto kong matiyak na wala na nga akong nararamdaman sa'kanya. Ngunit kagabi.

Sa nangyari kagabi hindi ko matanggap ngunit hindi ko pwedeng itanggi mahal ko pa rin sya..

Nasa labas na siguro sya.

Pagbukas ko pa lamang ng pinto agad na bumungad ang ang amoy ng garlic fried rice. Bigla akong nagutom. Ang sarap siguro magkaroon ng asawang katulad ni Honey..

Asawa???

Asawa???

Chris..

Fuck why I forget about her??

Naghahanda sya ng almusal at mukhang masaya.

I know I might be assuming pero I know Honey still love me.But everything is wrong..Lahat ng nangyayari. Ayoko saktan si Chris I know I love her do I??

"Honey."Huminga ako ng malalim.I need to do the right thing.

"Kain na tayo ng almusal." ngumiti sya ngunit nakikita kong pilit at may halong kaba ang ngiting iyon.

Marahil limang taon kaming nagkita ngunit hindi pa rin sya nagbabago ng mga gesture.

Napatingin muli ako sa hinahain nya.Nagugutom ako ngunit nakakaramdam ako ng guilt dahil natatakam ako sa hain nya. Nakakaguilt dahil naiisip kong hindi iyon kayang gawin ni Chris sa'kin.

Chris???

Chris??

I need to do the right thing.

"Honey yung nangyari kagabi "Lumapit na ako sa lamesa gutom na talaga ako. At naupo na doon.

Kumuha sya ng pinggan kaya't hindi ko makita ang reaksyon nya.

"Ano tungkol dun??"Patuloy syang kumukuha ng pinggan.

"sorry."

Kitang kita ko ang dagli nyang paghinto.

Tama ba ang gagawin ko?Kaya ko bang saktan ang babaeng ito?

"Para saan?"Sagot nya.At muling kumilos.

"Sorry,sana..."

Tama ba ang gagawin ko?

Tama ba?

Kaya ko bang saktan?

Pero paano si Chris?

Kaya ko ba syang lokohin?

"Sana kalimutan na natin iyon."

I know this is the right thing to do. Ang kapal naman ng mukha ko kung pipiliin kong saktan.

In timesWhere stories live. Discover now