Syete

2.2K 43 2
                                    

Justin's POV.

Kalagitnaan ng byahe nagising ako. Napuna kong tahimik na sa loob ng bus.

Tinignan ko ang oras

7:00

Alaskwatro na kami umalis ng bahay nila Gia dahil hinintay pa namin sila K-el.

Tulog na yata ang mga kasama ko. Si Chris man ay tulog na tulog sa tabi ko.

Nakaramdam na ako ng gutom.Tumayo ako at humawak sa mga bakal upang sumuporta.

Si manong driver muna ang pinuntahan ko. Bilang mayroon akong tatay tatayang driver may malaki ang malasakit ko sa mga driver.

"Manong ayos lang po ba kayo?Kumain po muna kayo ako po muna kaya ang magdrive nito?"Naranasan ko idrive ito at kabisado ko ang daan.Ikaw ba naman magpabalik balik dito sa loob ng ilang taon.

"Naku sir okey lang po ako."Tanggi nito.

"Okey lang po manong magpahinga po muna kayo. Naidrive ko naman na po ito noon. Mahirap po baka mamaya bigla kayong antukin dyan."Ngiti ko. Hinawakan ko ang balikat nito."Kakain lang po ako at ako na ang papalit sa'inyo okey po?"

"Naku hijo wag na."Nahihiya pang sabi nito hindi man lang inaalis ang tingin sa daan.

"Naku manong tama po si Justin magpahinga na kayo muna."Si Gia na pupungas pungas pa kakagising lang yata.

"Naku Ma'am ayos lang po."giit pa rin ni Manong.

"Sino po ba ang boss dito manong?"Malambing na banta ni Gia.

"Naku sige po ma'am."Napakamot pa ng ulo si Manong.

"Sige po kakain lang ako."Paalam ko kay manong."Humarap ako kay Gia na halatang halatang bagong gising."Saan ang food?"Humawak pa ako sa tyan ko.

Bahagya naman syang natawa.

Bahagya nyang iginalaw ang ulo nya itinuturo ang likuran ng bus.Lahat pala ng tao sa bus tulog na. Kanina nakatulog yata ako ng nanunuod sila ng nakakatakot. Kahit ang mga bata'y tulog na.

Humakbang na si Gia papunta sa likod ng bus.Sumunod naman ako sa'kanya.

Nadaanan namin ang upuan namin ni Chris. Tulog pa rin ito. Sumunod naman sila Nate at K-el,At si Lex.

Pero ang sumusunod ang sa lahat hindi ako natuwa.

Nakahilig ang ulo ni Honey sa balikat ni JM habanh si JM naman nakapatong ang ulo sa ulo ni Honey.

Magkasalo pa sila sa iisang Sarong

at may dala pa talagang sarong.

Nakayakap pa yata si Jm kay Honey.

Hindi ko alam pero parang gusto ko silang gisingin. Pero alam ko naman na hindi dapat.

"Hoy."Pukaw sa'kin ni Gia.May hawak na itong dalawang eco bag na kulay blue.At inabot sa'kin sa'inyo ni Chris. "Baka gutom na rin yung girlfriend mo."Abot nya sa'kin matutulog pa ako ulit." At ginitgit ako upang makaraan."Ang plastick mo kasi"

Ako plastick?Anong problema nito?"

Tinignan ko naman ang bag. Mukhang maraming laman.

Sino kaya ang nagluto nitong mga baon?Parang kinakabahan ako ah?Si Gia ang naabutan naming nasa kusina kanina at si Honey naman nakikipaglaro kay Jhaz.

"Magbus stop na lang kaya tayo alam ko may malapit ng bus stop dito eh. Para makakain tayo ng maayos?"Humarap muli ito sa'kin. Huling huli akong nakatingin sa bag ng pagkain.Tumaas naman ang kilay agad nito."Loko ka alam kong iniisip mo."Medyo napalakas ang boses nito kaya naman gumalaw si Honey.

In timesWhere stories live. Discover now