Prologue

2.7K 63 4
                                    

Someone's POV.

Huminga ako ng malalim at naupo sa isang upuan na nasa gitna ng entablado.

Nakasukbit sa'kin ang isang guitara.Itinapat ko ang bibig ko sa mikropono.

At nagsimula na ang kamay ko sa pagkalabit sa mga string ng guitara at nagsimula na akong kumanta.

Tulala lang sa'king kwarto
at nagmu-muni-muni.
Ang tanong sa'king sarili
San ako nagkamali.

Saan ba talaga ako nagkamali?Mali ba ang mga desisyong ginawa ko sa nakaraan?Bakit nasasaktan ako ng sobra sobra ngayon?Bakit bumalik ako sa sitwasyong ganito?Bakit?

Bakit sayo pa nagkagusto?
Parang bula ika'y naglaho.

If I would given a chance na magmahal ng iba. I guess this would be the right time. I need to be okey. I need to heal.

Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazob ta supri
Bien simple lang iyo tapidi
era cinti tu el  cosa yo ya cinti
ta pidi milagro,vira'l tiempo
El mali hace derecho
Na Dimio reso ta pidi yo
Era olvidas yo contigo.

Nakaharap ako sa maraming tao ngunit alam kong ilan lang sa'kanila ang tunay na nakakaalam ng kahulugan ng kantang ito.Yung magmahal ka ng taong hindi ka na mahal masakit.

Nasa utak ko pa rin ang pangyayari kung saan unti unti nyabg binitiwan ang mga kamay ko upang puntahan ang taong ngayon ay nagmamay-ari na ng puso nya.Ang taong nararapat daw para sa'kanya.

Ang taong nagbago daw ng buhay nya.

Ang lahat ay binigay ko.
Ngayon ay sising sisi.
Sobra sobra ang parusa
Di alam kung kaya pa.
Bakit sa'iyo pa nagkagusto.
Parang bula ika'y naglaho.

Sobra sobrang sakit na ang nararamdaman ko. Pinaparusahan ba ako dahil nasaktan ko sya noon?Hindi na ba ako magiging masaya kasama sya?Makakalimutan ko pa ba sya?

Nakatingin ako sa mga taong nakikita kong humahanga sa pagkanta ko.

Pero mas nakikita ko ang mga taong nakikisimpatya sa'kin dahil sawi ako.

Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazob ta supri
Bien simple lang iyo tapidi
era cinti tu el  cosa yo ya cinti
ta pidi milagro,vira'l tiempo
El mali hace derecho
Na Dimio reso ta pidi yo
Era olvidas yo contigo.

Sawi ako sa pag-ibig.Sawi ako sa pagbawo sa taong minahal ko buong buhay ko.Sawi ako dahil naiwan akong mag-isang umiibig.Ganito pala kasakit. Ganito pala yung pakiramdam ng maiwan sa ere. Oo naiwan ako sa ere dahil mag-isa na lang akong nagmamahal.

Habang nakatingin ako sa audience isang tao ang pumasok sa pinto ng kasiyahan.

Sa'akin agad bumagsak ang tingin nya. At unti-unti syang lumapit sa'kin ng hindi inaalis ang tingin sa mata ko.

Huwag kang lumapit o Tumawag pa
at baka masampal lang kita.
Di babalikan.
Magsisi ka man
Ako ay lisanin.

Hindi ko na maiwasan ang mapapikit.Tuluyan ng tumulo ang luhang kanina ko pa pinipilit pigilang tumulo.

Porque contigo yo ya iskuji
Aura mi corazon ta supri
Bien simple lang iyo tapidi
era cinti tu el  cosa yo ya cinti

Patuloy kong dinama ang kanta.Kasabay ng pagdama ng sakit na nararamdaman ko ngayon.Nasa harapan ko ang taong mahal ko. Alam kong pinagmamasdan nya ang mga luhang tumutulo sa'kin.

Muli akong dumilat.At nakita ang sakit na nakaguhit sa buong mukha nya.

Awa ba iyon?O pagmamahal hindi ko na alam.

Bakit ikaw pa ang napili
Ngayon ang puso ko ay sawi
Kay simple lang ng aking hiling
Na madama mo rin ang pait at pighati.

Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.

Sana'y magmilagro
Mabalik ko.
Mali ay maiderecho

San kaya kong bumalik

Sana....

Pinagdarasal ko sa'king puso.
Na mabura sa isip ko.

Nakita ko na ang paghakbang nya palapit sa'kin.Kaya naman nagmadali na akong umalis sa kinatatayuan ko.

Ayoko na masaktan tama na hirap na hirap na ako.

Nagmadali akong naglakad inilagay ko sa likod ang guitara dahil.nahihirapan akong maglakad.

Panay na ang tulo ng luha ko. Ayokong makita ako ng buong madla na ganito ang itsura ko. Tae na.

Hanggang sa may humagip ng braso ko.

Hindi ko inaasahang masusundan nya ako agad.

Niyakap Nya ako ng mahigpit doon na bumuhos lahat ng sakit.

Kahit ngayon lang mayakap ko sya muli.

-----------

A.n

Umpisa pa lang madram na..

hahaha nakow...

Vote guys...

Keep on reading guys...

Love you please wag kayong magsawang

Please...

Please....

mwuah...

mwuah....

***icefire20***

In timesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon