Mabilis na nagtabi tabi kaming lahat at inabangan ang pagpasok niya.

Albie's POV

Maaga akong umuwi. Lagi naman na akong maaga umuwi simula ng mag asawa ako. Gusto ko na mahaba haba ang oras na mailalaan ko sa asawa ko.

Tahimik ang buong living room ng pumasok ako.

"Sweety?" Tawag ko sa aking asawa.

Nang walang sumagot ay dumiretso ako sa kusina kung saan ko siya madalas makita.

Gulat ang rumihestro sa aking mukha.

"Surprise!!" Sabay sabay na wika ng mga mahahalagang tao sa aking buhay.

Pero nanatili ang tingin ko sa poster na nakasabit sa dingding.

Welcome home daddy to be!

Lumapit sa akin si Belle.

"What does it mean? I mean ,am i going to be a dad?" Agad na tanong ko sa kanya.

Agad na tumango sa akin si Belle.

Niyakap ko siya agad ng mahigpit.
"Thank you, thank you! You made me the happiest man on earth!"

Nagpalakpakan sila mama.

"Im five weeks pregnant sweety. Sa wakas magiging magulang na tayo!" Sabi sa akin ni Belle.

Mabilis na hinalikan ko siya sa labi. Di ko maitago ang kasiyahan sa aking mukha.

"Yes ! Im gonna be a dad!" Sigaw ko sa lahat. Gusto ko pa sanang magtatalon sa tuwa. Matagal na namin itong hinihintay. Sa wakas ay dininig na ng Diyos ang hiling namin na magkaanak.

Isa isang nagsibati ang mga naroroon. Niyakap ko sila mama at papa maging ang mga biyenan ko.

Ngayon ay masasabi kong may sariling pamilya na talaga kami ni Belle.

"Late na ba kami!" Malakas na sabi ng bagong dating na si Kaifer. Buhat nito ang anak na at katabi si Aer. "Congrats dude. Welcome to the club!"

"Thanks dude!" Agad na sagot ko.

Sumunod na dumating si Daniel at ang mag anak nito. "Congrats ! Matuto ka ng magpalit ng diaper!"

"Salamat sa suggestion Daniel. Alam kong ikaw ang eksperto sa ganun!" Sabi ko sa kanya.

Dumating din sina River at Charlotte buhat ang anak. Kasunod lamang nila sina Sander, Merriel at ang baby nito. At huli namang dumating si Charles na mukhang galing pa ng byahe.

"Hay! Kung hindi ka pa makakajackpot pare eh hindi ka pa magpapakain!" Biro ni Charles.

"Sayang nga daw sabi ni Raniel. Itinaon mo pang nasa Korea sila ng magpakain ka!" Wika pa ni Kaifer.

"Sorpresa lang ito ni misis!" Sagot ko sa kanila.

"Be ready. Fatherhood is a challenging task!" Paalaala ni Sander.

"Nagsalita ang tatay na!" Paalaala naman ni Daniel dito.

Napakamot lang ng ulo si Sander saka tumingin sa baby ni Merriel. "Baby oh, inaaway ako ni tito daniel mo!"

"Papi!" Bulol na wika ng baby ni Merriel dito. Ito kasi ang parang naging father figure nito.

"See? Ako na lang pala ang hindi tatay dito." Sabi ni Charles.

"Dont worry ,nakakarinig na naman kami ng wedding bells inaanak!" Wika ni tita Aria kay Charles.

"Nasaisip ko na nga po yan ninang!" Agad na sagot ni Charles.

"Masaya kami para sa inyo mga anak." Wika naman ni nanay miling sa amin.

"Maging mabuting mga magulang sana kayo." Paalaala naman ni taty dino sa amin.

Kinabig ko si Belle.

"Masaya kami at sa wakas magiging lola na ako. " sabi naman ni mama Sophia

"Siguradong kasing gwapo ko ang magiging apo ko." Sabi naman ni papa liam.

"Eh di mana lang din sa akin kuya!" Wika naman ni Tita Aria.

"Di pa natin alam kung boy or girl ang magiging apo natin kina Belle at Albie." Wika ni Tito Apollo.

"Kahit ano pa, basta magiging kamukha niya ako!" Buong kumpiyansa na wika ni papa liam.

Bumulong ako kay Belle. "You are my answered prayer sweety. Thanks for this surprise. This is the most precious gift i received. I love you my Belle."

"I love you too sweety!" Agad na sagot niya.

- E N D -

*******************************

Sa lahat po ng sumubaybay sa kwentong ito ay maraming maraming salamat po.

May mga grammatical at typograpical error po pero salamat pa rin po sa pagtitiyagang basahin. Sana po ay nagustuhan niyo.

MY POSSESSIVE LAWYER, ALBIEOnde histórias criam vida. Descubra agora