Meet The Family

20.3K 490 16
                                    

TIME GOES BY FAST. PEOPLE GO IN AND OUT OF YOUR LIFE. YOU MUST NEVER MISS THE OPPORTUNITY TO TELL THESE PEOPLE HOW MUCH THEY MEAN TO YOU.

***********************

Belle's POV

So far, as for our incoming monthsary , I really don't know what to expect.

Albie, my boyfriend is the sweetest guy I ever met.

Araw araw pa rin niya akong dinadalhan ng kung anu ano tulad ng bulaklak, flowers, cake at minsan pa nga ay toasted bread na favorite ko with matching hot chocolate.

Lagi niyang sinasabi na maswerte siya na naging girlfriend niya ako.

Sabi niya gusto niya ako at naniniwala naman ako dahil nararamdaman ko naman.

Pero iba pa rin sa pakiramdam na kasama ko siya at sasabihan niya ako ng tatlong salita na gusto kong marinig.

Paano ba naman? Gusto ko na ng isang seryosong relasyon kung saan mahal din ako ng taong mahal ko. At alam kong iyon ang nararamdaman ko sa kanya.

I want to make this relationship last more. Sabi nga diba ng iba may forever at sana kami rin.

Ngayon nga nararamdaman kong miss na miss ko na siya kahit pa sabihing tatlong araw pa lang kaming di nagkikita. Tatlong araw na buhat ng umalis siya ng bansa upang makipag-usap sa kanyang kapatid na si Alaina na umalis na sa poder ng kanilang magulang. Ako naman ay sumama kahapon kina ate sa Pangasinan para bisitahin ang aming mga magulang tutal weekend naman.

Masarap ang simoy ng hangin sa probinsiya.

Tinutulungan ko si nanay na magluto ng pananghalian namin. Gayun din ang dalawa kong nakababatang kapatid na babae at si ate na nagpapaypay ng iniihaw na bangus. Ang isda na marami dito sa amin sa Pangasinan.

Naghihiwa ako ng kamatis at sibuyas para sa sawsawan samantalang ang dalawa kong kapatid na babae na sina Amanda at Patricia ay naghihiwa ng nilagang talong at talbos ng kamote na gagawing salad. Si inay naman ay katatapos lang maluto ang pakbet at ngayon ay naggigisa na ng paborito ni itay na bagoong alamang.

"Hmm ang sarap naman niyan nay. Amoy pa lang nakakabusog na." papuri ko kay inay.

"Sinabi mo pa ate. Galing talaga magluto ni nay." Puri naman ni Patricia.

"Pihadong namiss mo ang luto ni inay niyan no ate?" tanong naman ni Amanda sa akin.

"Oo naman. Kaya nga simula pa kagabi ay ang lakas ko ng kumain dahil alam kong si inay ang nagluto." Sagot ko agad.

"Hay naku tigilan niyo ako. Kayo talagang mga bata." Wika ni inay sa amin pero ang tingin ay hindi inaalis sa niluluto.

"Totoo naman ang sinasabi namin nay." Singit pa ni Amanda, ang siyang pinakabunso namin. First year college na ito sa kursong nursing.

"Oo nga naman nay." Singit din ni Patricia. Third year college naman ito sa kursong hotel and restaurant management.

"Oh siya. Bilisan niyo na diyan at nang maihain na yan dun sa papag sa labas." Utos ni nanay sa amin.

Ang tinutukoy ni nanay na papag ay ang mahabang lamesa na yari sa kawayan na nasa gitna ng gawang kubo ni itay sa tabi ng dalawang puno ng manga namin di kalayuan sa bahay namin. Tuwing nagkakatipon tipon kami ay doon kami kumakain ng tanghalian.

Nauna ng naghatid ng pagkain at kainan sina Patricia at Amanda. At nang bumalik sa amin ang dalawa ay tila galing sa pagtakbo.

"Manang, manang!" sabay na tawag nila. Di ko alam kung sino sa amin ni ate ang tinatawag.

MY POSSESSIVE LAWYER, ALBIEWhere stories live. Discover now