How to win her parents?

16.2K 423 3
                                    

LOVE IS NOT ABOUT HOW MUCH YOU SAY 'I LOVE YOU' BUT HOW MUCH YOU CAN PROVE THAT ITS TRUE.


*************************

Belle's POV

Halos magkandahaba ang leeg ko sa pagsulyap kay Albie habang nakikipag-inuman ito ng tuba kina itay. Alam ko naman na hindi ito sanay sa ganoong inumin pero ipinagpapasalamat ko na kasama nila si Sander na mukhang kuhang kuha ang loob ng aking pamilya. Sana ganoon din sila sa aking boyfriend.

"Magka- stiffneck ka diyan manang!" Sita ni
Patricia sa akin. At kung makatapik sa akin ay para bang kahoy lang ako.

"Aray naman ineng!" Angal ko dito.

"Asus!" Tanging sagot niya sa akin.

Mahinhing tawa ni Merriel ang nangibabaw. Panaka naka itong sumusubo ng manggang hilaw na isinasawsaw sa bagoong na isda na hinaluan ng sili para umanghang. Bigay iyon ni ate Celine na kasabay niyang kumakain.

Nakakatuwang hindi ito nag alangang kumain ng bagoong na gawa pa ni inay.

"Don't worry Belle! Kaya ni kuya Albie yun." Wika ni Merriel.

"Kita mo yun manang? Ikaw lang and walang tiwala sa boyfriend mo eh!" Wika naman ni Amanda sabay tawa.

"Hoy di naman sa wala akong tiwala. Teka nga? Masama bang mag-alala ha? " sagot ko.

"Wagas ka naman mag-alala niyan! Daig mo pa ang ina na may boyfriend na bata. " singit naman ni ate Celine.

"Isa ka pa manang." Sabi ko dito.

Muli kong sinulyapan si Albie.

"He's too serious manang!" Mayamaya ay wika muli ni Patricia.

Napalunok ako sa sita nito. Iyon ang isa sa inaalala ko. Masyadong seryoso si Albie. Ni ang ngiti nito ay masyadong tipid.

"Wow hanep manang Pat ! English yun!" Sagot ni Amanda dito saka nakipag- apir kay Patricia na kumindat pa.

"Bagay ba?" Tanong pa ni Patricia dito.

"Ang diin ng bigkas mo ng english. " agad namang sagot ni ate Celine dito.

"Ay ganun?" Bigla ay nagpout si Patricia.

"Yeah but you are right Patricia. Medyo stiff nga si kuya Albie. " pagsang ayon ni Merriel.

"Baka ganun talaga ang style ni manong Albie. Ganun siguro ang mga abogado." Wika naman ni Amanda.

"Asus talagang may pa- manong manong ka na diyan! Boto ka na agad niyan?" Tanong ni Patricia agad kay Amanda.

"Ito naman oh sita agad." Angal ni Amanda

"Pero mahirap ang masyadong seryoso at baka malasing agad." Natatawang wika ni ate Celine.

"Really? Anong konek ng pagkalasing sa pagiging seryoso?" Tanong ko agad kay ate Celine.

Lalo itong natawa. "Tinatanong mo talaga? Sa sobrang pagkaseryoso niyang boyfriend mo ay baka pati pag inom ay seryosohin niyan at maparami ang inom ,eh di malalasing."

"Naku pag nalasing si manong baka matumba at - " biting wika ni Amanda na nanlalaki pa ang mga mata.

"At matauhan! Naku sayang pa naman ang lahi !" Dugtong ni ate Celine.

"Sayang minsan lang may magkagusto sa exotic na beauty ni manang eh,.mahirap kung mapurnada!" Dugtong naman ni Patricia saka nagtawanan ang tatlo at nakisama pa si Merriel.

"Grabe lang ha, makatawa kayo diyan parang di ako bagay sa boyfriend ko ah!" Wika ko pero lalo pa silang natawa. "May nalalaman pa kayong exotic beauty diyan. Wala nang makikitang ganitong ganda ang boyfriend ko no! "

"Wala talaga manang! Nag-iisa ka lang!" Wika ni Patricia.

"Kung exotic ako ay kayo din no! Kapatid ko kayo eh." Kumpiyansang sagot ko.

"No,no,no my dear sister! Sa mga magkakapatid ay mayroon talagang pagkakaiba at ang pagiging exotic mo ang kaibahan mo sa amin!" Wika ni ate Celine na sinang ayunan ng dalawa ko pang kapatid.

Kaya sinimangutan ko sila.

Di rin naman sila titigil sa pang aasar. At least bahagyang nawala ang pag aalala ko para sa boyfriend ko.


ALBIE'S POV

Habang nagpapatuloy any inuman at tila ba umiinit na and asking pakiramdam. Bawat nakatapat sa akin na tagay ay iniinom ko pa rin. Nakatanim sa isip ko na wala akong dapat tanggihan sa sinumang miyembro ng pamilya ni Belle.

"Hey! Mag- passed ka kung di mo na kaya." Bulong sa akin ni Sander.

Nginisian ko lang siya.

Sa kagustuhan kong magpa impress at sabihin sa iba na kaya ko ay tinanggap ko pa rin ang mga tagay. Hindi ko na namalayan na nalalasing na pala ako.

Author's POV

Bago pa sumapit ang madaling araw ay kahahalataan na si Albie na may tama na ng alak, lasing na ika-nga.

Ngingiti ngiti ito at panaka nakang nagsasalita ng nabubulol.

Tumayo ang ama at tiyuhin ni Belle.

"Ke aga naman nitong nalasing." Wika pa ni Julio.

Naiiling naman si Alfred at si Sander.

"Hindi ko akalain na agad siyang tatamaan ng tuba!" Komento pa ni Alfred.

"Oo nga eh. First time kasi." Wika naman ni Sander.

Tatlo na lang sila ang natira sa kubo.

"Nashan na ba ang shweety ko? Ayaw man nila shaken ......bashta gusto kita shweety !" Malakas na nabubulol na wika ni Albie na sapat na para marinig ng iba.

Sa kabilang banda naman ay nakapasok na ang ama ni Belle sa loob ng bahay nila. Malakas ang lasing na boses ni Albie ngunit hindi nila gaanong maintindihan.

"Ang boypren mo lasing na agad. Kahina!" Wika ng kanilang ama bago tumuloy sa kusina para magkape.

"Patay na. Nagkatotoo nga. Lasing na si manong!" Wika ni Amanda.

"Tena , silipin natin kung paano siya malasing. " wika naman ni Patricia saka tumapat sa may bintana.

" kung makapag usap kayo ng tungkol sa boyfriend ko parang wala lang ako sa paligid ah!" Sita ni Belle sa mga kapatid.

"Wag ka na ngang maingay manang. Mukhang may sinisigaw si manong ah!" Wika ni Patricia.

"Isinisigaw niya ang bulag na pag ibig niya sayo manang. Ang haba ng hair mo! Iba na talaga ang exotic!" Puna naman ni Amanda.

Sinimangutan ni Belle ang dalawa at ipinasyang lumapit na sa kubo.

Nang makalapit na si Belle ay hindi niya alam kung matutuwa o magagalit sa ayos ng kasintahan. Namumungay ang mga mata nito ,pulang pula ang mukha at higit sa lahat ay hubad baro na .

Nang matapat kay Belle ang paningin ni Albie ay tinaasan ito ng kilay ng dalaga.

Nang tangkain ni Albie na lapitan si Belle ay nabuway ito at muntik ng malugmok sa lupa mabuti na lamang at mabilis na nakaagapay si Sander.

"Shweety ma-hal na ma-hal kita. Hahaha....mag-tanan na tsayo. Muk-hang wala atsong pag-asha sha itsay moh! Hehehe. Bashta ma-hal kita!" Nabubulol na wika ni Albie.

Agad na namula ang pisngi ni Belle sa narinig mula sa kasintahan.

Inalalayan ni Sander si Albie pabalik sa inupuang kawayan kanina.

"Kung kailan pa nalasing ay saka ka pa nagtapat." Iiling iling na wika ni Sander sa kaibigan.

"Maigi pa ay dalhin na natin sa bakanteng kwarto sa baba." Wika ni Alfred saka tinulungan si Sander na alalayan si Albie.

Bago pa madala si Albie sa bakanteng kwarto ay marami pa itong nasabi . Bulol na mga salita niya na narinig ng mga taong gising pa sa tahanan nila Belle.

****************************

Sorry for the late update. Its been a while. Hope you guys like this chapter :-)

MY POSSESSIVE LAWYER, ALBIEWhere stories live. Discover now