Finale

27K 684 56
                                    

I WILL NEVER GET TIRED OF LOVING YOU.  I ADMIRE THE WAY YOU MAKE ME FALL IN LOVE WITH YOU MORE EACH DAY.

******************************

Belle's POV

A year later.

Marami na ang nagbago sa aking buhay pero may isang bagay ang nanatili.  Ang pagmamahalan namin ng asawa ko na ngayon na si Albie.

Araw araw ay ipinaparamdam niya ang kahalagahan ko sa kanyang buhay. At bilang kapalit ay sinisikap kong maging mabuting asawa sa kanya.

Sa ngayon ay nakatira na kami sa kanyang pinatayong bahay sa dolce fuga kalapit ng bahay ng kanyang mga magulang na laging nakasuporta sa amin.

Madalas ay sa amin tumutuloy sina inay at itay tuwing luluwas sila ng Maynila.

Sa ngayon ay tanggap na nila papa Liam ang relasyon nila Alaina at Deaver.

Alam ko naman kung gaano kamahal nila Albie ang bunso nila. Kaya naman masaya ako na unti unti ng umaayos ang lahat sa pamilya Thomas.

"Sweety ano ang mas nababagay na tie, itong asul o itong berde?" Tanong ng aking asawa na hindi makapamili ng isusuot.

Lumapit ako sa kanya at isinuot sa kanya ang stripe na red na nakuha ko sa drawer malapit sa kinaroroonan niya. "Ayan sweety bagay sayo."

Sa halip na magpasalamat ay hinalikan lamang niya ako sa may punong tenga ko. "Hmmm sweety you smell sweet rose. I love it! I love you more and more each day!"

"Sweety tama na,  baka nakakalimutan mong ngayon ang hearing sa kaso ni Dr. Feird." Paalaala ko sa kanya. Mahirap na at baka mas maging mapusok na naman ang asawa ko at gahulin siya sa pag-alis.

Medyo na aasar na lumayo ito sa akin. "Dapat talaga ay di ko na tinanggap ang kasong iyon."

"Sweety. Diba for the future natin ito. Hindi naman pwedeng wala ka ng tanggaping kaso."

"But i wanna be with you always." Sagot niya.

"I wanna be with you too,always pero di din naman pwedeng lagi tayong magkasama. Di ka pa ba nagsasawa?"

Niyakap niya ako at bumulong. "Hinding hindi ako magsasawa sayo sweety. "

"Don't worry sweety,makaka- score ka sa akin maya!" Wika ko sa kanya sabay kindat dito.

Napangiti siya.

"Hep,hep,pumasok ka na sa trabaho. Alis na sige!" Lumayo ako sa kanya ng mapansin kong yayakapin na naman niya ako.

Nakasimangot na itong umalis.

Hours later.

Hindi ako mapakali habang nag aayos ng hapagkainan.

"Naku anak wag kang mag-alala, siguradong parating na ang asawa mo." Wika ni inay sa akin. Dumating sila kani-kanina lang.

"Siguradong matutuwa ang panganay ko nito. Excited na ako masyado!" Wika naman ni mama Sophia.

"Magsiupo nga kayo." Saway sa amin ni papa liam. Nakaupo ito katabi ni itay at nagkakape sa dulo ng mesa.

"Naikabit ko na." Wika ni kuya Alfred. May ipinasabit kasi akong poster sa kung saan kitang kita pagpasok ng komedor.

"Nandito na kami!" Wika ni tita Aria at Tito Apollo na bagong dating. May inilapag si Tito Apollo na box ng cake. Kinuha iyon ni ate Celine at inilagay sa gitna ng hapag.

Kasalukuyang nasa Zambales si Shaun. Sina Alaina at Deaver naman ay nasa Germany.

Mayamaya pa ay humakbang palapit sa amin ang katulong naming si Magda para sabihin na dumating na si Albie.

MY POSSESSIVE LAWYER, ALBIEWhere stories live. Discover now