ULILA

11.8K 77 0
                                    

Nanlalamig siya.Ang sabi ng kausap niya sa celfone nasa hospital ang magulang niya,Naaksidente,natauhan siya ng hatakin ni Ramon.Pinasakay sa kotse sa tabi nito.Pagdating nila sa hospital sinabing dead on arrival ang Mommy niya at fifty fifty ang chance ng Daddy niyang mabuhay.Kinagabihan binawian din ito ng buhay.

Iniisip niya sana kong panaginip ito ay magising na siya.Nasa memorial homes siya.Si Ramon lang ang umaalalay sa kanya .

Nang mailibing ang magulang niya may isa pang dagok ang nalaman niya .Naghihirap na pala sila.

Hindi siya makatulog bumaba siya .Pinuntahan niya sa garahe si Ramon.Nakita niya itong nakaupo ,nakaharap sa may maliit na lamesa may iniinom.

"Hindi ka ba uuwi?"
Tila nagulat ito sa kanya.

"Wala kang kasama." Sagot nito sa kanya.

"Salamat sa lahat."sabi niya,nakiupo siya sa harap nito.

"Okey lang ako,wala naman sigurong papasok dito.Ilang araw ka na kasing hindi umuuwi."sabi niya.

Tinitigan lang siya nito.Saka lumagok ulit ng iniinom.

"San mo yan binili?"tanong niya. May iniinom kasi itong beer.

"Diyan lang sa malapit."sagot nito.

"Pahingi ha?"sabi sabay kuha ng iniinom nito

"Huwag !hindi ka sanay niyan."sabi nito sa kanya.

"Pampalimot daw ito di ba?gusto kong makalimot kahit ngayon lang.Gusto kong makatulog at sana huwag na ako magising."sabi niya

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Ang daya daya nina Mommy iniwanan nila akong mag isa."sabi niya habang hindi niya namamalayan tumutulo na ang luha niya .

"Shhh tama na yan."pag-alo nito sa kanya.

"Bakit hindi nila sinabing nalulugi na ang kompanya?Bakit hindi nila sinabing naghihirap na pala kami?"sabi niya

"Ayaw nilang mag alala ka.Akala ng Daddy mo makakaahon pa kaya sinangla nila itong bahay niyo pati itong mga sasakyan.Kaso talagang hindi na."

"Buti ka pa alam mo ,ako na anak nila ,wala akong alam.Ang alam ko lang gumastos ng gumastos ng walang kapararakan."

"Tama na yan,malalasing ka niyan."agaw nito sa iniinom niya.

"Halika na matulog ka na."

Pero hindi siya tumayo

" Ikaw napapasuweldohan ka pa ba ni Daddy?"tanong niya dito

Matagal ito bago sumagot"Mabait sila sa akin,kaya kahit wala hindi ko sila iniwanan."

"At pinagtiagaan mo ang ugali ko sa kabila ng lahat?"

"Halika na."tinulungan siya nitong tumayo,pero kamuntik na siyang mabuwal kaya napayakap siya dito.

"Yan kasi iinom inom hindi naman kaya."Hinawakan siya nito sa beywang .Hindi niya alam kong nakainom lang siya pero tila kinuryente siya habang hawak siya sa baywang at ang kabilang kamay niya ay hawak nito.

Umakyat sila ng hagdan ipinasok siya nito sa kuwarto niya.Pero ng ihihiga na siya ay napadagan ito sa kanya.Matagal na napatitig siya dito.

Natukso itong tikman ang labi niya.Unang halik pakiramdam niya umiikot siya,nakaramdam siya ng kakaiba.Hinawakan niya ang batok nito kahit hindi siya marunong binuka niya ang labi niya naging malaya ito sa paghanap ng dila niya.

Naramdaman niya humawak ito sa dibdib niya.Napasinghap siya,ipinasok nito ang kamay sa pantulog niya.Pinisil pisil nito ang nipples niya.Napaangat ang likod niya.Naramdaman niya ang pagkalalaki nito nakatapat sa pagkababae niya.Dahil manipis ang padjama niya.Yumakap siya dito unti unti natuto siyang tumugon sa halik nito.

Pero sa wari ay natauhan into.Mabilis itong tumayo.nagmamadaling lumabas ng kuwarto niya.

Hindi niya alam kong anong iisipin.Bakit nagpaubaya siya kay Ramon.Hinawakan niya ang labi niya.Ang suso niyang hinawakan nito.Si Ramon ang unang lalakeng nakahalik sa kanya.Ang unang lalakeng humawak sa dibdib niya.Pero bakit tila nagustuhan niya? Parang gusto niyang itinuloy nito. Bakit umalis ito nabigla din ba ito kagaya niya?

Slave By My DriverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon