Liam

13.8K 78 26
                                        

"Manang!" tawag niya sa katulong nila

"Mam Liam bakit po?"

"Anong ginawa mo dito sa damit ko ha?Alam mo ba kong magkano ito ha?"

"Pasensiya na po hindi ko po sinadya Mam

"Hindi sinadya? ang sabihin mo tanga ka!"

Naipayak ang katulong nila sa sinabi niya.Lumapit ang Mommy niya.

"Liam ano na naman ito?"

"Tingnan mo ang ginawa niyan Mommy yong paborito Kong damit nalagyan ng zonrox." Sumbong niya sa Mommy niya.

"Iha konti lang naman,Hindi nga halata oh."sabi ng Mommy niya

"Manang pasensiya ka na ha!hayaan mo Manang pagsasabihan ko itong si Liam."sabi ng Mommy niya sa katulong nila.

"Mommy bakit kinakampihan mo pa ang katulong na yan!"inis niyang sabi.

"Mam pasensiya na po kayo pero aalis na po ako.Hindi ko po kaya ang ugali ng anak niyo."paalam ng katulong nila .

"Fine !umalis ka."sagot niya

"Liam halika ka nga dito ,sumosobra ka na."Hinila siya ng Mommy niya sa kuwarto niya.

"Liam kailan ka ba magbabago ha?Nakailang katulong na tayo.Hindi tumatagal dahil diyan sa ugali mo.Tao din sila anak,may kahihiyan,dapat irespeto." Sabi ng Mommy niya.

"Mommy ang daming puwedeng makuhang katulong pera lang katapat ng mga iyan."

"Ewan ko!Liam hindi ko alam kong saan kami nagkamali ng Daddy mo sa pagpapalaki sayo." Iiling iling na sabi ng Mommy niya

"At kayo Mommy lagi niyo na lang  kinakampihan ang mga katulong na yan,kesa sa akin na anak niyo.

"Anak wala kaming kamag anak ng Daddy mo.Pano kong isang araw mawala kami ng Daddy mo.Sino ang ibang magmamalasakit sayo?"

"Mommy and drama niyo." Sabi niya sabay talikod.

"Liam!"

Siya si Liana katatapos niya lang magdebut.Nag iisa siyang anak,lumaki sa luho,lahat ng gusto nakukuha,wala siyang kaibigan.Sabi ng iba masama daw ang ugali niya.

Totoo ang sinabi ng Mommy niya na walang tumatagal na katulong nila .Pero para sa kanya wala siyang pakialam.

Nagbihis siya,magshoshopping siya.Papalitan niya ang nasirang damit niya.

"Ramon!" Tawag niya sa driver nila.

"Mam!"

"Aalis tayo at puwede kapag tinawag kita huwag kang haharap sa akin ng nakasando."

"Yes Mam!"

"Ano pang hinihintay mo pasko?"

"Okey po Mam magbibihis lang ako."

"Bilisan mo !Hindi ako maghihintay sayo."

Nagmamadali naman itong nagbihis.Umupo siya sa backseat.

"San tayo Mam?"

"Sa Moa.Anong tinitingin tingin mo?May dumi ako sa mukha?"

"Wala po Mam,pasensiya na po ."

"Bilisan mo ang bagal mo."

Matagal na nilang driver si Ramon ang alam niya biyudo ito may isang anak na halos kaedad niya.

Pagdating sa Moa nag ikot ikot siya .Nakasunod ito sa kanya tagabitbit ng pinamili niya.

Tinawagan siya ng Mommy niya na kumain na lang sa labas at may pupuntahan diumano ito kasama ng Daddy niya .

Pinauna niya na si Ramon sa parking lot habang namimili siya ng makakainan.

Malapit ng magsara ang Mall ng maisipan niyang umuwi na .

Nakita niya si Ramon na nakasandal sa kotse at tila inip na inip na sa kahahantay sa kanya .

Dahil wala silang katulong ito pa ang nagpasok sa kuwarto niya ng mga pinamili niya.Stay out ito kaya nagpaalam na ito sa kanya.

Pero hindi pa ito nakakalabas ng mag ring ang celfone niya.

Halos nanginginig siya ng tawagin ito.At muntik na niyang mabitawan ang celfone na hawak niya.

"Ramon..sandali ..si Mommy at Daddy puntahan natin ...

Mabilis itong bumalik sa tabi niya . Si Ramon  na ang sumagot sa celfone niya.

Slave By My DriverWhere stories live. Discover now