Chapter 2

32.7K 643 85
                                    

It was supposed to be the happiest summer of my life because I had already planned out everything.

Lahat sana nang pupuntahan at gagawin naming dalawa ni Pat para sa dumaang summer ay nakalista sa isa kong notebook. Manonood kami ng fireworks festival sa isang beach na malapit sa lugar namin. Mag di-dinner date kami sa restaurant na pag-aari ng Tita ko. Mag vo-volunteer kami para sa isang outreach program. Every detailed was written in my notebook.

I know, it was too unusual for a guy doing that. And not to mention, it was corny, too. I mean, sino ba'ng matinong lalaki ang ililista pa ang lahat-lahat ng planoat gagawin nila para lang sa summer? Babae langang gumagawa nun, 'di ba? Wala atang ibang lalaki na gagawa nang ginawa ko.

Saka, hindi na rin uso iyon sa panahon ngayon. Pero, wala, e. Ginawa kopa rin. Gusto ko kasi maging smooth at planado lahat nang gagawin naming dalawa ni Pat. Gusto ko in order para kapag nagtanong siya kung ano'ng plano ko, may maisasagot agad ako sa kanya. Gusto kasi ni Pat maayos ang lahat. Gusto niya planado ang bawat gagawin. So, I did it for her. Just for her.

I took a summer job at my Tita's restaurant para lang may extra cash ako na magagamitpara saaming dalawa ni Pat. Ayaw sana akong tanggapin ni Tita dahil ayaw niya raw akong mapagod. Kung kailangan ko raw ng pera, bibigyan niya na lang daw ako.

Pero hindi ko iyon tinanggap. Gusto kong paghirapan 'yung perang matatanggap ko. Kaya kahit labag sa loob niya na tanggapin akong part time waiter sa restaurant niya, she hired me.

Natuwa rin kasi siya sa akin nang sinabi ko sa kanya kung saan ko gagamitin 'yung kikitain kong pera. Inasar niya pa ako na binata na raw talaga ako at baka hindi na niya mamalayan ang panahon at mag-aasawa na ako. I laughed when she said that to me. Sabi ko hindi pa pwede dahil marami pa akong plano. Masyado pa rin kaming bata ni Pat para isipin ko na agad iyong future.

And yes, si Pat. Siya lang kasi ang babaeng gusto kong makatuluyan in the future. Sa kanya ko naiisip ang posibleng kalagyan ko sa hinaharap. Siya lang ang katangi-tanging babae na pumapasok sa utak ko kapag iniisip ko ang future. She's the only girl I want to spend the rest of my life with.

Kaya sa pag sa-summer job ko inilaan ang oras ko nitong summer. I was too positive and excited sa bawat araw na lumilipas. Halos hindi ako makatulog sa pagbibilang ng araw. Excited na excited kasi ako sa summer bonding naming dalawa ni Pat. Alam kong matutuwa siya sa mga plano at surprise ko sa kanya. Lahat nang ginagawa ko noong summer ay para sa kanya.

It was supposed to be the happiest summer of my life kung hindi lang ako biglang tinawagan ni Pat at may gusto raw siyang sabihin sa akin. Sobrang importante raw kaya kailangan ko siyang i-meet.

Kaya kahit galing trabaho at pagod, nakipagkita ako sa kanya. Miss na miss ko na rin kasi siya. Parehas kasi kaming busy noong summer kaya hindi na kami masyadong nakakapagkita o nagkakausap man lang.Hindi ko na nga rin magawang i-open ang social media accounts ko.

Halos mapunit ang labi ko nang magkaharap ulit kaming dalawa pagkatapos ng dalawa o tatlong linggo. I wanted to hug her that time pero hindi ko na naituloy nang makita ko ang expression sa mga mata niya. She looked so sad and hurt. I asked her why so she immediately dropped the bomb.

She wanted a break-up.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang sinabi niya. I tried to laugh at sinabi sa kanya na hindi maganda iyong biro niya pero hindi niya binawi. She was too serious. Parang yinanig ang buong mundo ko sa narinig ko. Tinanong ko siya kung bakit niya gustong makipaghiwalay. So, she said her reasons. Mga rason na hindi ko naintindihan nang maayos.

Kitang-kita ko sa mga mata ni Pat na sobra siyang nasasaktan nang dahil sa akin. Na sobra-sobrang sakit na naman ang naidulot ko sa kanya. I inflicted too much pain on her again. Palagi ko nalang siyang nasasaktan kahit hindi ko iyon gustong mangyari.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon