"Hindi ko alam..." Halos pabulong kong sagot.

Mukang naintindihan naman ni Kuya yung ibig kong sabihin. Nag-nod lang sya at agad na umalis ng kwarto ko.

Humiga ako sa kama at nagtalakbong ng kumot. Mas gusto kong matulog kesa isipin yung tungkol sa kanya. Ewan ko kung bakit, may memory naman ako na nagpaka-Nanay sya sakin yun nga lang paglabas ko ng ospital nung 9years old ako, nag-iba na yung tingin at pakiramdam ko sa kanya.

Hangang ngayon, naiilang ako at para bang may kung anu sakin na ayaw sa kanya. Ayoko sana pero para'ng masama yung loob ko.

Nakatulog ako ng hindi ko namamalayan.







Kinabukasan.....

Yun oh!

Ready na kong ipasa yung krimen na ginawa ko. Para naman sa ekonomiya to, kaya sana patawarin ako ng kung sino.

Pagpasok ng room, iniipon na ni Eman yung mga Waiver. Inabot ko na din yung sakin bago maupo sa pwesto ko. Yung sa likod sa tabi ng dalawa'ng kumag.

"GoodMorning..." Bati sakin ni Yuri.

"GoodMorning din..." Balik kong bati sa kanya.

"Excited sa University Visit?" Pang-aasar nya.

Napansin nya siguro'ng hindi maalis yung ngiti ko. Tatanggi pa ba ko, eh totoo naman.

"Medyo."

Ngumiti naman sya sakin. Napatingin ako sa table nya. Tambak na naman kasi yung mga notes.

Sipag-sipagan mode

Naalala ko yung sinabi nila sakin na sa Japan daw mag-aaral si Yuri. Kaya siguro nagf-focus na sya ngayon sa pag-aaral.

"Yuri..." Tawag ko sa kanya. "...Totoo? Sa Japan kana mag-aaral?"

Nag-pilit sya ng ngiti. "Oo eh... That's are plan in the first place."

"Ahh..." Malungkot kong sagot.

Hindi ko mapigilan. Para'ng hindi pa ko ready na magkalayo-layo kami.

"Bakit? Mami-miss mo ko?" Pang-aasar nya.

Wala ako sa sarili ko na sumagot sa kanya. Kahit hindi nakatingin, napatango ako ng hindi ko namamalayan.

Late ko na na-realize yung ginawa ko.

"S-syempre... P-pati sila mami-miss ko din." Dipensa ko.

Bigla nalang sya'ng natawa at tumingin sa mga mata ko. "Ikaw, mami-miss kita."

H-hala!

"H-ha?"

Tumawa lang sya at bumalik na sa ginagawa. Ang lakas makaluko nitong si Yuri.

Pero kinilig ako... Konti lang!

"Sino pang hindi nagpapasa?" Sigaw ni Eman.

Napatingin ako sa kabilang side ko. Wala pa kasi yung Hari. Syempre, mauuna pa si Sir Alvin sa kanya. Yun pa, daig pa yung teacher.

"Wala na? Ibibigay ko na kay Sir to!" Sigaw ulit ni Eman at ng walang sumagot, naglakad na sya palabas.

Mukang hindi magka-klase si Sir ngayon. Okay lang naman yun dahil advance na kami sa mga lesson. Salamat sa konsepto ng pangongopya, nakakaraos tong mga ulupong na to.

Syempre kasama na ko don...

"Oi! Kilala nyo ba tong Floriane?!" Sigaw ni Felix habang nakatingin sa phone nya.

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon