"A-anong nangyari sayo??" Nag-aalala kong tanong habang dahan dahang hinahawakan yung mukha niya.

"Never mind me baby girl.. I'm okay.." Ngiti niya.

"Okay?! Sa lagay na yan?! Are you kidding me?! Sabihin mo kung sinong may gawa niyan!" Nakakunot na yung noo ko, halos gusto ko nang maiyak dahil sa awa sa kanya..

"Okay lang ako.." Sinubukan niyang punasan yung namumuong luha sa gilid ng mata ko.

Nag-igting yung mga panga ko.

"Kakausapin ko sila Rick.. Hindi na tama yung ginagawa nila!" Mariin kong sinabi sa kanya.

"Aj.. Please don't.." Hinawakan niya nang mahigpit yung braso ko para hindi ako makatayo.

"Just let them do whatever they want.. Wag ka lang niyang saktan.. Alam kong malaki yung naging kasalanan ko sa kaibigan ko nung araw na minahal kita.. Kaya tatanggapin ko lahat.." Seryosong sabi niya sakin.

Umiling-iling ako.

"You don't have to.. Kahit kailan, hindi naging kasalanan ang magmahal.." Paliwanag ko sa kanya.

"Just.." Huminga siya ng malalim.. "don't worry about me baby girl.. Remember that my love for you is stronger than anything else.." Ngumiti siya saka bumalik sa upuan niya na nasa may bandang dulo ng row ng upuan namin.

Ayoko pa sana siyang umalis sa tabi ko kaso hindi pwede dahil dumating na si sir Jay. At kahit nagsimula na yung klase namin ay hindi pa rin nawawala yung pag-aalala ko sa kanya. Gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at alagaan pero sa tuwing magkakatagpo yung mga mata namin ay ngingiti pa rin siya sakin na parang wala siyang iniindang sakit.

Nang dumating ang break time ay hindi ko parin napagiisipan kung dapat ko bang kausapin si Rick o hindi. Kung ako lang gusto ko talaga siyang pag-sabihan pero ayoko naman tapakan yung pride ni mokong. Huminga ako ng malalim saka yumuko. Nakaalis na yung prof namin at nagsilabasan na yung iba kong kklase pero ako, nakaupo pa rin sa pwesto ko.

"Still worried about me baby girl?" Umupo si mokong sa harap ko at pinagtapat yung mukha naming dalawa.

Dahan dahan ko siyang tiningnan. Nakita ko nanaman yung mga pasa at sugat niya sa mukha, ganun din ang ngiti niya.

"Hindi nga ako nasaktan eh, parang kagat lang ng langgam." Biro niya sakin.

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Eh kung ako kaya kumagat sayo!?" Sabi ko habang tinusok ko yung isa niyang pasa sa mukha gamit yung hintuturo ko.

Napainda siya sa sakit pero nakangiti pa rin.

"Mas gusto ko ata yun.. You biting me?" Nagsmirk siya kaya agad ko siyang hinampas.

Napainda nanaman siya sa sakit maski pala sa braso niya ay may pasa siya.

"Please.. Wag mo nang uulitin to.. Hanggat maaari, umiwas ka nalang.." Seryoso kong sinabi.

Ngumiti siya at tumango.

"Bro!" Tinawag ni Brix si mokong.

"I'll be back.." Ngiti niya saka siya tuluyang lumabas. Pumasok naman sa room sila pangs para yayain ako kaya agad akong tumayo para hilahin sila palabas ng room, gusto kong malaman kung saan pupunta si mokong ko. Sa pagmamadali ko ay naiwan ko sila pangs, hinayaan ko nalang muna sila basta tumakbo ako papunta kung saan ko huling nakita sila mokong. Pero imbis na si mokong yung makita ko ay si Shane lang kasama si Paul. Hinarang nila ako at hinarap.

Almost is Never Enough Where stories live. Discover now