Wala kasi syang pang-itaas na damit. Nakasubsob pa ko sa kanya.

"May something naba kayo?" Biglang tanung ni Drew dahilan para mamula si Yuri at tignan ko sya ng masama.

Lumakad si Yuri para kuhanin yung damit nya at magbihis.

"May utang pa nga pala akong paliwanag sayo." Sabi nya.

Yun pa nga pala pero naiintindihan ko na. Hihingin ko paba yung paliwanag nya? Hindi nalang ako nagsalita para hayaan sya.

Lumabas si Drew sandali at nagpaalam na magc-Cr. Andito ulit kami sa office ni Tiger. Kami lang ang andito dahil meron syang kinakausap.

"I don't know where to start..." Sabi ni Yuri at huminga ng malalim. "...Maybe when Ella didn't choose me."

Nagpilit sya ng ngiti sakin. Ginantihan ko yun para maging komportable sya.

"Halos sabay kaming umamin ni Keifer kay Ella. Una pa lang ramdam ko na special yung tingin nya kay Keifer pero trinato nya kong higit sa kaibigan. Umasa ako na dapat pala hindi ko ginawa..."

"...Selfish si Keifer pagdating sa babae. Binakuran nya si Ella at siniguradong magiging kanya. Hindi ako sumuko, nagbaka sakali na baka pwede ako nalang. Pero si Keifer ang pinili nya..."

"...Tinanggap ko nalang. Masakit pero ganun talaga. Then i found myself wasted. Lahat yata ng nasalubong ko hinamon ko ng away..." He laugh bitterly. "...I don't know how pero kusa nalang akong dinala ng paa ko sa lugar na to. Napa-away at nakita ako nila Tiger sa labas..."

"...They keep asking question that---honestly---i don't know the answer. Naki-usap ako na sasabak ako laban. Ayaw nila syempre, bata pa daw ako pero yun ang gusto ko. Kaya nilabanan ko yung isa sa underdog ni Tiger. Nanalo naman ako kaya pumayag na sya."

"Kaya ka naging tambay sa lugar na yon?" Tanung ko.

Nag-nod naman sya bilang pagkumpirma. "The more fight i encountered, the more i become addicted to it. Yung sakit ng pisikal na laban yung naging pantakip ko sa sakit nito..." Sabay turo sa puso nya. "...no one can stop me. Lahat ng klase ng laban pinasok ko. Pero yung pinaka-paborito ko yung sa kutsilyo. Mamali lang ako ng galaw, patay ako at lahat ng sakit mawawala na."

Sabi nya, wala na daw yung sa kanila ni Ella but somehow nararamdaman ko pa rin na nasasaktan sya.

At ayokong maramdaman yun.

"P-panu ka tumigil?"

Huminga sya ng malalim at napayuko. "Si Keifer... Pinuntahan nya ko dito."

"Kinausap ka nya?"

Umiling sya. "Nilabanan nya ko... Suntukan lang yun at wala pang dalawang minuto napabagsak nya ko."

Natahimik ako. Kakaiba din kasi yung paraan nitong si Keifer. Galawang ulupong.

"...Wala syang sinabi pero kusa akong huminto pagkatapos nun. Pumasok ulit ako sa school at pilit inayos yung lahat."

"Panu kayo naging okay ni Keifer?"

Hindi na dapat ako nagtatanung. Para kasing ginagatungan ko lang yung sakit na nararamdaman nya.

"Kusa nalang... Ganun naman kaming mga lalaki. Wala ng usap basta yun na yon." Sabi nya at ngumiti.

Napangiti nalang din ako. Ganun talaga sa kanila, mas mahalaga yung pagkakaibigan nila kesa sa mga naging away nila.

"So, yung mga peklat mo sa katawan dito pala galing?" Tanung ko.

"Oo... Mababaw lang naman lahat ng yan, hindi nila ko kayang puruhan." Pagyayabang nya.

Bigla nalang bumukas yung pinto. Akala namin si Drew pero si Tiger pala. Salubong ang kilay nya at halatang iritable.

"Hindi ako natutuwa!" Sabi nya habang nagpapa-ikot-ikot sa harap namin.

Dumating si Drew at halatang naguguluhan sa nangyayari. Tinignan nya kami na parang nagtatanung ng 'Anung meron?'. Nagkibit balikat lang ako.

"Isang laban pa..." Sabi nya at tumingin kay Yuri. "...Isang laban nalang at papaalisin ko na kayo."

Hinawakan ko agad ang braso ni Yuri. Ayoko na syang lumaban, tama na yung kanina.

"A-ayoko na... Isa lang ang usapan natin." Sagot ni Yuri.

"Hindi... Hindi... Hindi... Gusto ko ng isa pang laban. Ang gusto ko lumaban ka ulit..." Sandali syang nag-isip. "...Tama! Labanan mo si Keifer! Ituloy nyo yung laban nyo dati!"

Nababaliw na sya!

"Tiger... Hindi naman ganun kadali yun!" Inis na sagot ni Yuri.

"Edi si Keifer nalang ang ilaban natin!"

Wala na ata talaga sa pag-iisip si Tiger. Kung anu-anu nalang ang sinasabi nya.

"Madali na yun! Papuntahin nyo si Keifer dito! Ngayon na! Kasi kung hindi!" Inis na sabi nya at bigla nalang naglabas ng baril.

Nanigas ang buong katawan ko. Mamatay na ko, hindi pa man din nakakalabit yung gatilyo pakiramdam ko mamatay na ko. Ganun ata talaga kapag nakatutok sa ulo mo yung baril.

"Si Keifer! Ngayon na!" Sigaw nya.

Hindi ako makahinga. Nanginginig ang kamay ko habang nakataas, na para bang sumusuko ako. Sumusuko naman talaga ako, wala akong laban sa baril!

"H-hindi sumasagot!" Sabi ni Drew.

Dama ko din ang takot nya. Bakit ngayon pa sya hindi sumagot? Wala talagang saysay tong Hari ng mga ulupong.

"Edi puntahan nyo!" Sigaw na naman ni Tiger at lalung dinutdot ang baril sa ulo ko.

Ayoko pang mamatay!

"P-pupuntahan na namin! Wag mo lang sasaktan si Jay-jay!" Paki-usap ni Yuri.

Wag nyo kong iwan dito!

Hindi ako makasigaw o makapagreklamo. Lumabas na sila Drew at Yuri kaya binaba na ni Tiger ang baril.

Nakahinga ako kahit konti. Naging tahimik ako. Takot? Siguro. Nakakanginig kaya ng laman ang matutukan ng baril.

"Gusto mo ng pizza?"

+++++++++++++++++++++++++++++

Keifer's POV

"You son of a b*tch!" Sigaw ko at agad na sinikmuraan si Drew.

"Keifer! Tama na!" Awat nila sakin pero hindi ako tumigil.

Binuhat ko si Drew at sinuntok sya sa muka. Wala akong pake kahit dumudugo na ang labi nya.

"Keifer!" Tawag sakin ni Yuri.

Sobra yung galit na nararamdaman ko. I turn to Yuri and immediately punch him.

"You! You know that it's a very dangerous place for Jay-jay yet you bring her there!" I said.

"Tama na Keifer! Puntahan nalang natin sya!" Sigaw sakin ni Ci-N.

Nasabunutan ko nalang ang sarili ko. Natakasan ako ng lintik na babae na yun, what worse hindi pa mahanap ni Edrix ang signal ng phone nya. Kasi nga nasa Kingsground sya.

Fvck!

Tinignan ko si Drew at Yuri. "Kapag may nangyaring masama kay Jay-jay... Lulumpuhin ko kayong dalawa! Tandaan nyo yan!"

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sakanyang masama.


++Don't forget to Vote, Comment, and Share. 😉 ++

Ang Mutya Ng Section ETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon