Chapter 10

40 2 0
                                    

Zech's POV 

Anak ng tokwa tong si SX eh. So ito, pano mag-alaga ng may sakit? 

Sorry naman ha, wala akong alam dito. Kasi kahit kailan hindi ako nagkasakit. Ang ate ko,hindi rin. Yung kuya ko, Well. Nevermind. =___= 

Yung mga yaya, huwag na. Nagdadalawang isip ako baka landiin nila eh. Diba? 

Mabuti ng sigurado kaya huwag kayong mag-isip ng iba diyan. 

So, nandito siya sa guest room. Umm.. Pano nga to? 

Iniwan ako ni ate sa kanya eh. Sabi niya  pakainin ko nalang daw at painomin ng gamot. 

"Miss, ito na po ang soup." sabi ng katulong

"Sige, makakaalis kana." 

Ginising ko na si SX..

"SX? Kain ka muna para makainom ka na ng gamot." 

Bakit ba ang bait ko to sa mokong na to? Ay anak ng! >_____< 

"Hmm..." at gumalaw siya

"SX .. " 

"SX naman eh! Abuso na yang sayo! Grabe ka, pakonsyensya ka ganoon? Tigilan mo ko SX ha! May sakit ka lang naman ah." 

"Hmm.. Opo .." sabi niya at ngumiti pa

Kitams? Parang magdadalawang isip ako, kung may sakit o wala talaga to eh. 

Umupo na lang siya at sumandal sa headboard ng kama.

"Kamusta ka?" nahihiya kong sabi

Kaya ayaw kong maging mabait eh! Masyadong concern at nasusuka ako! >____< 

"O-okay n-naman." 

"Oh, ito. Kainin mo muna tong soup." 

"M-mahirap k-kumain Z-zech." sabi niya sabay pakita ng kamay niya

Nanginginig o palusot lang? =___= 

Wala na akong nagawa kundi subuan siya .. 

"Damihin mo daw ang pagkain para madali kang gumaling." 

"Opo na po." sabi niya habang nakangiti

Nilagay ko muna sa tray ang pagkain at matalim kong tinignan si SX.

"Sabihin mo nga sakin ang totoo SX, may sakit ka o wala?" 

"M-mayroon nga, tignan mo pa oh." 

Kinuha niya kamay ko at nilagay sa leeg niya. Maiinit nga.. 

Oh, ako ang nakakaramdam ng init?! Haiist! 

Hinablot ko na ang kamay ko at kinuha ulit ang pagkain at sinubo na sa kanya.. 

"Oh,inumin mo na tong gamot at magpahinga kana." 

Binigay ko sa kanya ang gamot at ininom niya naman kaagad ito. 

"S-salamat." 

"Sige, magpahinga kana diyan .." 

Tatayo na sana ako para ihatid ang tray pero hinawakan niya kamay ko kaya napayakap ako sa kanya ..

"SX?" 

"M-may c-chance b-ba n-namamahalin m-mo a-ako?" 

"Ano ba yang sinasabi mo? Pagod ka lang SX. Magpahinga kana." 

"S-sagutin mo na lang.." 

"H-hindi ko alam .. " 

Napayuko ako, hindi ko naman talaga alam. Naguguluhan pa ako. T^T 

The Mean PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon