STAMB24- SWERTE

10K 296 1
                                    

Kreesa POV

Ewan ko anong nakain ni Kyle at ang raming ginastos para sakin.

Yung nagastos namin sa supermarket kanina mahigit 1000

Sa pesteng perfume 500,000 juskoo anong klaseng pabango yun?!

Idagdag mo pa yung mga pinamili naming damit, pati na rin yung mga inorder nya na pagkain na di ko naman nakalahati.

Ano sa tingin nyo magkano?!

Balak pa nya na ipatapon nalang yung mga di ko nakain.

Buti nalang napilit ko itake out nalang para kalila nanang o kaya sa mga tauhan nya sa mansyon.

Palabas na kami ng mall yung kotse nya kasi nasa tapat lang.

Ewan ko din kung ilang lalaki ang nasa likod namin na nagbibitbit ng mga pinamili namin.

Nasa may tapat na kami ng kotse ng bigla kong naramdaman na may humihila sa laylayan ko ng palda.

Pagtingin ko

T^T

May mga bata na palaboy.

"Ate pahingi mo ng pagkain wala na po kaming makain ng mga kapatid ko" saad ng batang babae.

Siguro ate nila to. Pagtingin ko ang rami nilang magkakapatid.

"Asan ba yung mga magulang nyo?" tanong ko.

Busy pa kasi sila Kyle na ilagay yung mga pinamili namin sa compartment.

"Si tatay po palaboy laboy sa saan gumagamit po ng solvent tapos si nanay po patay na." sagit ulit ng babae.

May hawak hawak din syang bata na mahigit dalawang taon palang ata at iyak ng iyak.

Gutom na nga ata.

Patay! Wala pala akong pera?

Aha! Yung pagkain sa Jollibee.

Sakto naman na di pa nalalagay yung pagkain.

"Kuya akin na po yung plastic ng Jollibee yung may mga laman." saad ko sa tatlong lalaki na may hawak.

"Kreesa bat di ka-- Who are they?" tanong ni Kyle ng makita yung mga bata na nakapaikot sa akin.

"Mga batang palaboy." sagot ko.

"Tss lets--"

"Wait lang." sagot ko.

Inabot ko na nga sakanila yung mga plastic ng Jollibee na may lamang pagkain.

"Oh wag kayong mag aagawan dito ha? Marami to. Makakain kayo lahat okay?" nakangiti kong paalala sa kanila.

Pansin ko na yung pinakamatanda sa kanilang magkakapatid which is etong babae e pasira na yung damit.

Kinuha ko yung bagpack ko na nasa may likod lang din ng kotse. Lahat nun laman e damit na paborito ko.

"Eto may mga limang damit si ate dito. May short din ako jan na tatlo. Sa inyo na ha? Maligo kayo okay?" nakangit kong saad sa kanila.

Napansin ko na paiyak na yung ate.

"Hala wag kang iiyak. Sge ka papangit ka. Smile lang okay? Ganito oh" ngumiti naman ako.

Kaya naman napatawa ko sila.

"Okay? Fighting lang!" saad ko.

"Salamat ate. Hulog po kayo ng langit." saad ng isang bata.

"Aray ko naman. Oo nga buti nalang di una mukha Hahaha!" natatawa kong saad.

"Hahahahaha!" tawa naman nila. Pati yung baby kanina na umiiyak tumahimik at ngumiti.

"Ang cute naman nya." habamg nilalaro ko yung daliri nya.

Mayamaya napansin ko na nasa tabi ko na pala si Kyle.

"Tara na?" saad nya.

Tumango nalang ako.

"Aalis na si ate. Mag iingat kayo ha?" saad ko sa kanila.

"Opo ate!" masiglang nilang sabi.

Napansin ko yung isang babae na nakatago sa ate nya. Yaaah ang taba pa naman ng pisngi nya.

=.=

Nagtago ulit sya sa kikod ng ate nya.

Nagulat ako ng abutan ni Kyle ng 5thousand yung ate.

"Here's the money. Bumili kayo ng damit at tsinelas nyo. Lahat kayo bumili. Pati na din ng pagkain. Wag mo yang ibibigay sa tatay nyo." si Kyle.

Napangiti naman ako sa ginawa ni Kyle.

Akala ko puro mura lang at harsh na tao tong simaron na to.

"Payatot tara na. Okay na sila." rinig kong sabi ni Kyle.

Dun ko palang napansin na nakaalis na pala yung mga bata.

Napangiti nalang ako. Sa tutuusin nga e maswerte pa din ako kahit binenta ako ng tita ko. Kasi ako nakakain pa din ako. Lahat naman di as in lahat ng pangangailangan ko eh nakukuha ko pero sila maswerte nalang kung makakain sila ng kanin sa isang araw.

"Ano iiwan kita dito?" rinig kong sabi ni Kyle na nasa may loob na pala ng kotse.

Ano ba yan nagdadrama pa ako e -.-

Sumakay nalang ako sa kotse. Pagkasakay ko agad kong tinawag si Kyle.

"Kyle?" tawag ko sa kanya.

"Hm?" tanong nya habang pinaandar na yung kotse.

"Salamat." nakangiti kong saad sa kanya.

Thankful ako at nakakilala ako ng isang mabait na katulad ni Kyle.

"For what?" tanong nya.

"Uhm sa lahat. Napakabait mo pala kahit palamura ka haha You have a mabuting heart Haha!" natatawa kong saad.

Pansin ko naman na nakatingin nalang pala sya.

"Sincere ako ha. Mabait ka talaga promise" saad ko sa kanya

"Tss." sagot nya at pinaandar na ulit kotse.

Okay tss ang nakuha kong sagot.

Mabait talaga yan. May mood nga lang na suplado Hahaha

#STAMBSwerte

SOLD TO A MAFIA BOSSWhere stories live. Discover now