Chapter 9

890 26 5
                                    

Shai POV

Kainis! Sumama talaga sya sa kanila huh ganun nya ba kamiss ang babae na yun para sumama sya agad. Hindi man lang ako pinilit kaasar.

Problema mo?

Lumapit naman sakin si sun. Birthday nga pala nito bukas ano kayang magandang plano.

Wala naman, nakakainis lang si tetsuya.
Teka sunny kilala mo ba yung coach nila?

Nacurious tuloy ako sa coach nila. Ano ba naman yan nakaramdam na naman ako ng inis.

Hindi eh, ngayon ko nga lang nalaman na babae pala coach nila.

Napaisip tuloy ako! Teka bakit babae pa ang coach nila? Pwedi namang lalaki bakit babae pa talaga!?

Sunny diba wala na tayong second subject?

May naisip tuloy ako.

Oo bakit?

Paano kaya kung manuod kami ng try out nila, wala naman sigurong masama. Gusto ko lang talaga makita yung babae na yon.

Tara manuod ng try out nila.

Pumayag ka please! Ayoko namang mag isa dun noh.

Ok sige, sabihan mo rin si sofia.

Asan na nga pala yon? Lumingon lingon ako para hanapin sya nagawi ang tingin ko sa may pinto, kausap pala si ryota.
Maya maya lang lumapit na samin si sofia.

Oh bakit ganyan kayo makatingin?

Nakatingin rin pala sa kanya si sunny.

Bati na agad kayo?

Yan rin sana tanong ko kaya lang naunahan ako ni sunny. Umupo muna si sofia katabi namin bago sya nagkwento.

Hindi pa sana kaya lang iposas ba naman ako, nakakainis diba tapos sabi ba naman maging sweet daw ako sa kanya para tanggalin nya yung posas sa kamay namin, so wala naman akong pagpipilian diba kaya pumayag na ako.

Mahina lang yon, sapat lang na marining namin ni sunny alam nyo na maraming inggitera sa room namin.

Ganun pala, ah sofia tara manuod ng try out nila.

Pag anyaya ko naman sa kanya, agad naman syang tumango. Maya maya lang din dumating na prof namin. Mula nung unang pasukan wala pa akong naiintindihan sa klase grabe naman kasi ang bibilis nila mag turo.
Nakinig na ako sa tinuturo ni ma'am sammie baka wala na talaga ako nito maisagot sa exam kung hindi pa ako makikinig.

After 1 hour na discussion natapos na rin. Pagkalabas ni ma'am agad na rin kaming lumabas, syempre wala na kaming klase alangan naman manatili pa kami sa loob.
Binangga pa nga kami ng nakaaway ni sofia nung nakaraang araw, susugurin sana ni sofia buti naawat agad sya ni sunny.

Malawak pala yung court dito, walang wala yung court natin sa dati nating school.

Sabi ni sofia. Oo nga ang lawak at ang ganda sabagay malawak naman rin tong university.

Ayon sila oh.

Sabay turo ni sun kung na saan nakapwesto sila tetsuya.

Nagtutumpukan silang lahat na parang nagmemeeting, siguro pinag uusapan nila yung about sa laro.

Naupo muna kami para mapanuod namin sila ng maayos. Tahimik lang kaming nanunood sa bawat galaw nila, maya maya nag laro na rin sila. 4vs4 pala ang magkakampi ay sina kuroko, kagami, kise at aomine vs kina Nijimura , akashi, atsushi. At midorima. Nagresearch ako sa kanila kaya kilala ko na sila grabe sikat na sikat pala silang lahat.

Ang Husband Kong Possessive Pero SweetWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu