"Makipaghiwalay ka don. Naiintindihan mo?" Nakatingin na siya sakin ngayon. Wala na rin yung galit sa mga mata niya. 

Hindi ko na napigilan at niyakap ko siya. "I'm sorry, Dad.."


"I'm sorry too, Kathryn.."Niyakap niya ko pabalik. I heard his deep sighs. "Iwasan mo na yung lalakeng yon. Hindi ka nga maipaglaban ngayon, oh." 


Aray. Pumikit nalang ako at tumango-tango. "Yes, Dad." 

--


"YOU'RE leaving." Trina stated. Nakacrossed arms pa siya habang kumakain kami sa canteen. Tapos ko na iprocess yung papers at pinauna ko na sila Mommy. Sinamahan nila ako, e. Sabi ko naman susunod nalang ako. 


"I'm not leaving you guys. Lilipat lang ako ng school." 

"Leaving pa rin. Leaving the school." 

"But that's a good thing, you know?" Sabi ni Arisse matapos niyang ibaba yung milk tea niya. "Atleast di na kayo magkikita ng douchebag na 'yon. Fuck him." Sabi niya at umirap. 


I smiled bitterly. "Wala, e."  Family first. Kaya sinacrifice niya ko. 


"Hindi ka pa rin niya pinanindigan. Wala nga siyang balls na ipaglaban ka. Hayup siya." 

"Trina..."

"Nakakainis lang kasi! But nakakakilig lang talaga kayo pero nakakabwisit pa rin siya! Errrr!"

"True, dahil sa kanya magkakahiwalay tayo for the first time ng school." Napatawa ako ng marahan. This is our first time talaga. Since kinder kasi we're schoolmates or classmates na.

"Hayaan niyo na 'yon, diba nga, naexplain ko naman na kung bakit."

Si Arisse napasigh, si Trina naman napairap. "Oo na, may reason naman siya. Pero kung he saw it coming naman, dapat di ka nalang niya niligawan. Nagstick nalang sana siya sa pagpapantasya niya sa'yo." This time, it's a calm Trina. 


"I know. Yaan nalang, maybe, hindi lang talaga kami for each other." 

"True. Hayaan mo, balita ko maraming pogi dun sa school na papasukan mo." Now this is my turn to roll my eyes. "And this time, sana hindi na sa Prof." Sabay-sabay kaming tumawa. Parang may choreo. 


--


NAKATAYO ako sa kung saan ako laging sumasakay. Wala masyadong tao. Ako nga lang yata yung naghihintay, e. Yung iba kasi dumadaan lang. Mga 6:30 na rin. Hinintay ko pa kasi sila Trina tapos nakipagusap pa ko sa iba kong classmates. Yung alam nila, yung siyempre, sinabi ng faculty, ng Dean.Ang galing nga mangpersuade eh. Andaming nauto. Yung mga kaklase ko naman, dinefend din ako. Kasi inaasar nila kami, e. Pero ang truth daw, di naman kami nagpapansinan sa class. Hahaha. Ewan. 

Okay na rin 'yon. Para matapos na yung pinaguusapan ako sa campus. 

Sinisipa-sipa ko lang 'tong isang bato na nandito Ba't nagkabato dito? Bakit ko naman natanong? Sobrang imposible ba na hindi magkabato dito sa tapat ng 7 eleven? 

Ayan, nababaliw na yata ako. 


"Kath," 

Hindi napaangat ang tingin ko. Nagulat ako pero yung gulat na parang kumalma lang din. Maya-maya pa, itinaas ko yung tingin ko. Hindi sakanya, kundi sa umiilaw na store ng 7 eleven. Nasa kanan ko siya. And based on my peripheral view, nakatingin din siya dun. 

Ilang minuto pa, ilang jeep na yung dumaan. Wala pa ring nagsasalita saming dalawa. 

Wala lang, naririnig ko lang yung unti-unting pagbiak ng puso ko. Alam mo yung paghiwalay ng lupa kapag nagkaroon ng sobrang lakas na lindol? Ganon. Parang ganon yata. 

Ang sakit nga eh. At hindi ko alam ba't di ako namimilipit. Nakatingin lang ako sa harap ng 7 eleven. Sana siguro naging isang junkfood nalang ako. Ayun oh, steady lang. Hindi pa nasasaktan. 


Narinig ko siyang bumuntong hininga. 

"Hindi ko aasahang mapapatawad mo ko agad." 

Naiintindihan ko naman. Pero salamat, kasi hindi ko rin kasi alam kung kelan. Ang sakit kasi.

"Pero gusto ko lang malaman mo'ng mahal talaga kita." 


Wala bang background music diyan? Panis, wala nga palang kareoke or karinderya sa banda dito, hindi 'to katulad ng Sana Sa Simula na may patugtog pa ng I have nothing habang naghihiwalay yung magkasintahan. Partida, paos pa at pumipiyok yung kumakanta non. 


"Nakakahiya nga eh." Rinig ko yung sandaling pagtawa niya. 

"Ako yung nagsasabi na bahala na sila, na bahala na kung anong isipin nila. Ayaw ko nang itago 'to...pero..nung andon na tayo, ako agad yung bimitaw sa'yo." 


"Oh, Marikina, Bayan! Sports center! Marikina! Isa pa, isa pa!" 


Tumingin ako sakanya. "Mapapatawad din kita, 'wag kang mag-alala." Ani ko at sumakay na. At naiwan ko siya, pero hindi ko makakalimutan yung mata niyang lumuluha. 


** 

May last chapter pa. Hahaha bukas na </3 

Hayaan Natin SilaWhere stories live. Discover now