7

1.9K 65 27
                                    

**


"KATHRYN!" Nailayo ko ang telepono mula sa tenga ko. Ang lakas lang ng boses ni Arisse. "Miss mo ko?"


"Gaga ka! Ilang araw ka nang di pumapasok!"

"Hehe."


"Anong hehe? Umayos ka! Si Sir DJ din wala!" Namula kaagad ako. 

Paano yun makakapasok eh magkasama nga kami ngayon. "Nagleave daw siya."

"Oo, emergency leave daw. Ano ba nangyare? Ba't pati ikaw di pumasok?" 

Napakamot ako sa ulo ko. "Hmm, ano, magkasama kami ngayon talaga." 

"WHAT!!!" 

"Oo, kasi nung gabi nung may event sa school, andun siya tapos sinabay niya ko pag-alis."

"Tapos? Akala ko ba wala siya ron?"

"Akala ko rin, e." 

"Ano ngang nangyare?"

"Eh kasi nagselos siya. Kay Kristoffer." Hininaan ko lang yung boses ko nang banggitin ko yung pangalan ni Kris. Natutulog lang kasi si DJ sa kama tapos ako, andito sa terrace. 


"Ba't naman nagselos? Mukhang matindi ah?" 


"Basta, stop asking questions nalang." Sabi ko sakanya. She sighed on the other line. "Kailan kayo uuwi?" 

"Bukas yata? Or mamaya? Ang sabi ko nga pala kina Daddy I'm with you, ha." 

"Oh? Okay. Sure. Mag-ingat ka ha."

"Yes, I will." 

"Wait, asan ka ngayon?" 

"Nasa...nasa Baguio." 

"Nakanang? Ang layo ah!" 

"I know right." 

"Ahem," Napaigtad ako at nababa ko agad yung cellphone ko nang makitang nasa likod ko na pala siya. Nakasandal sa sliding door at inaantok pa. Pero tinitignan niya ko na parang inis na naman. 

Sinenyesan ko siya na maghintay. I even mouthd Arisse's name. 

"Ah, Arisse?"

"Oh ba't di ka na nakasagot?"

"Ha? Uhm, ano, I have to go na ah?"

"Weh? San ka naman pupunta?" Tapos humagikhik siya. Ugh! I said stop asking questions, e. 

"Basta, bye, ingat!"

"Okay bye! Hahaha!" Then I dropped the call and turned around. Nakabukas ang bibig ko kasi may sasabihin sana pero nilapitan niya ko at niyakap.

"Tsk, pag gising ko hindi kita katabi." Sinubsob niya pa ang mukha niya sa leeg ko. Hindi na ako makahinga. Kahit kasi medyo matagal na kami...hindi pa rin ako sanay sa mga ganito. Minsan lang kasi kami magkasama.

"U-uhm, tumawag kasi si Arisse." Sabi ko at dahan-dahang inangat ang braso't kamay ko tsaka siya niyakap pabalik. "Hindi ka ba nilalamig?" Wala kasi siyang suot na t-shirt pero naka boxers naman siya. 

Umiling siya. "Nilalamig. Kaya yakapin mo pa ako." 

Kalma, bes. Yun lang naman sinabi niya parang nangamatis ka na. Hehe. 

"Tara na, pasok na tayo." Umangat yung tingin niya at nginitian ako. "Gusto mo ulit?" 


--

Hayaan Natin SilaWhere stories live. Discover now