4

1.9K 90 41
                                    

**

Ha? Reply ko sa'yo. Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa message mo. Baka wrong send si Sir?

Close ba kayo ni Josh?

Close ba kami? Hindi naman ata?

Hindi Sir. Partner ko lang siya sa search.

Medyo nanlaki yung mata ko sa sunod niyang text.

Eh bakit kailangan pang siya yung magtanggal ng sapatos mo?

Agad na napaangat yung ulo ko, tila may hinahanap. Andito ba siya? Nakita niya ba?

"Huy, te? Sino hinahanap mo?" Tanong sakin ni Trina pero 'di ko na muna siya sinagot.

At ayun nga. Nakaupo siya sa may bleachers kasama si Sir Rey. Social Science Professor. Nagco-computer si Sir Ray habang siya....

Habang siya, nakatingin sakin. Nakatingin siya sakin ng masama. Umiwas ako ng tingin kasi lumingon din sa parte niya sila Arisse tapos mahinang umirit! Kairita!

"Bakit bes? Ba't badtrip si Sir—omg?? Nagseselos siya?" Pigil na pigil pa si Arisse sa reaksyon niya kasi nakatalikod lang siya kay Sir.

"Wala, wala.."

Bumalik ako sa message tapos nagtype.

Idk.

Yun nalang. Para di na humaba yung conversation. Siguro naman wala na siyang irereply dun, no? Hindi naman kasi kareply-reply yung text ko. Hahaha...ha..

Nagkunwari akong walang pake. Kunwari normal lang. Act normal lang. Kunwari...kunwari hindi ka kinikilig... bakit kasi ganon siya? Sh-t, oo na yata. Kinakikilig na nga ako sakanya. Grabe lang.

Marami din namang kinikilig sakanya, diba? Normal lang 'to. OO, normal lang 'to.

Pero hindi eh.

Nagvibrate ulit yung cellphone ko. Muntik ko na ngang masampal yung sarili ko kasi pagka vibrate na pagkavibrate binuksan ko agad. Nakita niya kaya yung reaction ko? Huhu. Hindi ko rink as matignan ulit kasi baka nakatingin siya sakin!

Tapos ito pa sila Trina, may kung anong pinagsasabi pa.

Gusto mo naman.

Ha? Anong gusto ko? Yung...yung ginawa ni Josh?

Huminga ako ng malalim. Yung hindi halatang paghinga ng malalim, ha.

At some point, oo. Nakakapagod na kasi.

Nilock ko ulit yung phone. Maya-maya lang naman, nagreply na siya.

Edi dapat sinabihan mo 'ko para ako yung nagtanggal.

A-ano raw? Jusko...

Eh? Ba't parang big deal yun?

Kung saan ako kumuha ng lakas ng loob magreply ng ganyan, hindi ko alam. Tinignan ko siya, at nakatingin siya sa phone niya at nakakunot ang noo. Tila badtrip sa nabasa.

Nagseselos kasi ako.

Nalaglag yung panga ko sa nabasa. Sh-t, sh-t, sh-t! Kalma. Kalma, lang. Ibinulsa ko na yung phone at humarap kina Trina. "Tara na?"

"Uwi na us? Okay"

"Okay ka lang?"

"Ha? Oo naman. Tara."

Tapos nagmadali akong maglakad papuntang gate. Ayaw ko siyang lingunin or makita. Grabe. Ano ba yung text na 'yon? Nakakawala naman ng pagiisp!

"Huy, te, ayos ka lang?"

"Ha? O-oo naman.."

Nakalabas na kami nang gate at nagiba na rin kami ng way. Magkaiba kasi kaming tatlo ng sasakyan. So ako, pumunta na ko sa usual kong sakayan. Feeling ko nga nanlamig ako na mainit na hindi ko talaga maintindihan.

Bakit ganon? Huminga ako ng malalim at sinubukang hindi 'yon isipin.

"Wala lang yun. Wala lang yun..." Sabi ko sa sarili ko. Baka trip lang ako ni Sir. Oo, tama. Baka nga trip niya lang ako. Haha.

"Kathryn,"

Nahigit ko yung hininga ko nang may tumabi sakin.

Hindi lang yun yun, e. Kilala ko kasi kung sino 'to.

"S-sir.."

"Bakit di ka na nagreply?"

Nakakainis!!!!! Ano namang irereply ko dun!? Grabe umalis na nga ako, e. Tapos sinundan pa pala ako?

"H-ha? Kasi, ano, wala na ako...akong..l-load." Sabi ko at umiwas ng tingin.

"Ah ganon ba.... Eh ano sasabihin mo sakin ngayong andito lang naman ako?"

And again, nahigit ko na naman yung paghinga ko. Tumingin ako sakanya. "H-ha... a-ano..."

"Sabi ko nga pala, nagseselos ako." Tinitigan niya 'ko. "Ano masasabi mo?"

Hindi ko alam bakit hindi ko rin matanggal yung tingin ko sakanya. Parang nadikit na.

Tutal, andito nalang din naman. Tanungin mo na, Kath.

"Bakit ka nagseselos?"

Umiwas siya ng tingin. Kaya napaiwas rin ako.

At nang dumaan yung isang jeep, hindi man tayo nakatingin sa isa't-isa, magkatabi naman tayong dalawa.

Kasabay nun ang pagsabi mo ng, "Mahal kasi kita."

At 'yon ang unang beses na nakalimutan kong huminga.

**

I would like to apologize for the typos. Haha, sorry na.


Hayaan Natin SilaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum