PROLOGUE

32.8K 359 10
                                    

PROLOGUE

Sa mundong kinagisnan ko, sinasabi nilang nakukuha ko ang lahat.

Oo, isa nga akong Prinsipe ng isang bansa, pangalawang Prinsipe.

Pero hindi ibig sabihin, nasa akin na ang lahat. Oh ano? Napakanta ba kayo ng NASA IYO NA ANG LAHAT?

Mahal ko siya,sobrang mahal na mahal. Natatakot ako, takot na takot. Takot na dumating ang panahon na mawala siya sa akin. Na iwasan niya ako, lumayo siya at tuluyang mawala.

Mahal ko ang best friend ko sa simula pa lang pero bakit pa ako dumagdag sa mga kalalakihan na naging torpe at magiging torpe? Pero ayoko namang maging torpe habang buhay.

Sabik na ang buong royal family na dumating ang royal baby. Tama! Royal baby! Kasi naman ang Crown Prince kong kuya dalawang taon ng kasal pero hindi pa rin nakapagbigay ng royal baby. Paano na yan?

Tadhana nga lang ba ito? O dahilan lang para magpakasal na ako kaagad?

Wala man lang ako kahit girlfriend pero merong bestfriend na kasama ko mula kabutihan hanggang kalokohan.

Kalokohan pa rin ba ang maitatawag mo sa pagpapakasal? Sabi nga nila, para-paraan lang yan.

Kanina pa ako dumdakdak dito pero hindi parin ako nagpapakilala sa inyo.

By the way, I'm Prince Enrique.

GWAPO.

MATALINO.

TALENTED.

CONCEITED.

MA-APPEAL.

HABULIN ng mga babae! Kasi nga Prinsipe di ba? Pero isa lang ang gusto kong habul-habulin, ang best friend kong si Julia.

Nasabi ko na bang TORPE ako?

Tanga lang ang nagsasabing hindi sila naging tanga pagdating sa pag-ibig.

At dito na magsisimula ang unti-unting pagbawas ng mga torpe sa mundo......

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Ang ganda ng buwan. Alam mo ikaw ang buwan at ako naman ang mga bituin kasi pinapalibutan ng mga bituin ang buwan, pinapalibutan niya ito ng pagmamahal. True and everlasting love."

"I have loved no one else in my life but you.."

"Kung pwede lang kitang itago para huwag maagaw ng langit ay ginawa ko na. Huwag ka lang mawala."

"I love you not because I need you but I need you because I love you."

Yan ang mga linyang tatatak sa inyong mga puso, isip at damdamin.

Author's Notes:

Ito ang kwentong swak na swak sa tag-ulan man o tag-init, undas man o pasko, at kahit sa anong kapanahunan! Kiligin, maiyak, mainlab,magalit, at matawa. Kung gusto mong lumigaya ang iyong buhay, just keep going!

Kwentong may plot pero abnormal ang author kaya abnormal rin ang mga characters.

PAALALA SA SAMBAYANANG MAMBABASA: ANG MGA SUSUNOD NIYONG MABABASA AY MGA KALOKOHAN NG MAY-AKDA, PAG-UNAWA SA KANYANG MAGULONG TAKBO NG UTAK AY TALAGANG KINAKAILANGAN.. MARAMING SALAMAT!!!

Please do not forget to vote and comment!



Best Prince with Benefits (#Wattys2015 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon