Chapter 25 Mommy Yssa.

4.5K 75 0
                                    

Back to normal na ang lahat. May work anaman kami kaya less time with Yssa. Habang nakaupo ako sa may office ko at nageencode biglang nagbang yung door ko at pumasok si achie.

Yuki: Juno! Bakit mo hinold sahid ko!?

Juno: bakit mo din pinasabing buntis si Yssa kahit hindi naman?

Yuki: ok fine! Quits na tayo. Ibigay mo na sahod ko. kakasuhan kita niyan.

Juno:  matatalo ka lang sa kaso. Wala ka pang lawyer.

Yuki: meron na! yung kuya ni Yssa. Studyante ng kaibigan ni Igo yun kaya puede kong pakiusapan.

Juno: ito na nga oh ibibigay na.

Yuki: good boy. Bye bro!

Umalis na siya. 7pm umalis na ako sa office. Sa bahay kasi matutulog si Yssa. Sinundo ko muna siya sa kanila tapos nagdinner kami sa labas at dumeretso sa bahay. Pagdating namin sa bahay, naglalaro sila Colleen ( si baby ha) at si Sarah. As usual sinusungitan nanaman ng mga anak ko si Yssa. Itong si Yssa naman hindi ko alam kung manhid, tanga o gusto lang talga maging close sa kanila. Pinagtitrpian na nga siya nung dalawa deadma parin. Una, kinuhaan ng food sila Sarah pero sabi nila allergic sila sa apple kaya itong si Yssa kumuhha ng orange. Allergic din daw sila dun. Nung kumuha naman siya ng pinya aba yun ulit ang sagot. Allergic sila dun. Loko tong mga batang to. Pangalawa, nakipaglaro sila kay Yssa ng taguan. Akala ko okay na eh kaso yun pala ginawa nilang out si Yssa, si Yssa naman nagtango nga talaga. Tapos itong dalawa hindi siya hinanap umupo lang. after 1 hour saka lumabas si Yssa. Nakasmile parin naman. Pangatlo, pinagtimpla ni Yssa ng gatas yung mga bata kaso hinula lang nila tapos sinabing sorry. Ano naman kaya yun!? Itong si Yssa naman nakasmile lang talaga tapos pinagtimpla sila ulit at ayun. Inulit nanaman nila. Ayoko sa nang makialam dahil mas lalaki lang ang gulo. Baka papiliin pa ako kung yung mga bata o si Yssa kaya umupo na lang ako sa sulok, kunwari nagtatarabaho ako pero ang totoo pinapanood ko lang sila. Lumapit sa akin si daddy at tinapik ang likod ko. “Play the cello for us Juno.” Tumingin ako  sa kanya at magkaholding hands sila ni mommy. Bakit kaya ako biglang inutusan nito? Dahil mabait akong aanak sinunod ko na lang. umakyat ako dun ssa stage at sinet up yung cello. Grabe tagal ko nang hindi nahahawakan yun. Nung ok na, nagplay na ako.. habang tumutugtog ako, tinitignan ko lans si Yssa. Ang ganda niya talaga. Nung tumingin siya sa akin, bigla na lang bumagal ang mundo ko. wala na akong ibang nakikita kundi siya lang. si Yssa lang. nung ngumiti siya, bigla na lang tumulo ang mga luha ko. naalala ko nung bata ako.

Flashback: showing ang batang si Juno..

4 years old ako nung turuan akong magviolin. Yung mga natutunan ko dun ginamit ko sa cello. Maganda naman ang kinalabasan. Bata pa lang ako basagulero at mayabang na ako kaya wala akong gaanong kaibigan. Yung cello lang ang lagi kong kasama. Lagi ko lang siyang tinutugtog. Pakiramdam ko kasi yung cello ang pinakaimportante sa akin. Hanggang sa pagtanda ako, wala na akong ibang inalagaan kundi ang cellong ito. Wala na akong ibang ginawa kundi tugtugin ito. Kahit nung may mga anak na ako, hindi nila  ako puedeng guluhin kapag tinutugtog kko to. Mahal ko ang cello na ito. Siya ang nagsilbing kaibigan at Gf ko noon. Wala kasi akong sineryosong babae kasi masaya na ako with my cello. Yun lang ang buhay ko noon. Hanggang sa nakilala ko si Yssa. Wala nang naging importante sa akin kundi siya at ang mga bata. Saka ko lang kasi naintindihan kung ano ba talaga ang meaning ng kapatid, kaibigan at pag-ibig. Tinuruan ako ni Yssa ng napakaraming bagay tulad na lang ng pagiging masaya. Sumaya ako dahil kay Yssa...

End.

Tinitigan ko sa mata si Yssa at lumuluha pa rin ako. hindi ko kaya. Hindi ko kayang iwan ang babaeng to. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. hindi ko kakayaning magising ng wala na siya sa tabi ko. i love you Yssa.I love you so much. Sila daddy talaga alam na alam kung ano dapat ang gawin para makita ang mga bagay na importante sayo. Kailangan kong protektahan si Yssa. Kailangan konmg protektahan kahit sa mga anak ko pa. alam kong puedeng mawala sa akin si Yssa dahil sa ginagawa ng mga anak ko. hindi ko kaya! Dito ka lang Yssa. Dito ka lang sa tabi ko. kahit anong mangyari.

Mr. Perfect (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon