Chapter 8 I am Juno, the richest bachelor in the world!

4.4K 68 3
                                    

Sa restaurant..

Iniwan ako ni Yssa nang ganun-ganun na lang. binayaran ko na lang yung bill at umalis na ako. Madami pa sana akong supresa para sa kanya pero wala na eh. Wala na talaga siya.

 Pera lang ba talaga ang habol niya? Ewan ko ba. Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya kaso iba na ata yung sim niya.

Pumunta rin ako sa bahay nila. Tumayo lang ako sa labas hanggang sa magbukas ang tindahan nila. Mga 5 hours din akong naghintay. Kinausap ko ang papa niya kaso ang sabi ayaw  daw nila akong lumapit pa sa anak nila.

Si Yssa daw mismo nagsabi na dapat lumayo na ako. Wala na akong pera, wala na akong sasakyan at ngayon wala na akong Yssa. Naglakad nalang ako hanggang sa makauwi ako sa amin.

Gulat na gulat silang lahat dahil first time kong umuwi nang hindi na ka sasakyan. Eh hello!?

Kuniha kaya nila lahat yun. Nadatnan ko sa bahay sila mommy, achie Yuki, anya Fed at Ryu. Nasa may living room sila.

Niyakap ako ni mommy at hinanap si Yssa. Tinignan ko lang siya tapos dumeretso ako sa kwarto ko, nahiga sa kama at natulog.

1pm na nung nagising ako, pagkalabas ko ng kwarto nadatnan kong naglalunch si Ryu. Tinawag niya  ako at lumapit naman ako sa kanya. Naglagay ng pagkain sa harap ko ang mga tauhan namin.

Ryu: oh your back anya.

Juno: yeah. I’m back for good.

Ryu: oh? Paano si …

Juno: wala na kami. Pera lang daw ang gusto niya sa akin.

Ryu: naniwala ka naman? Anya….

Juno: mas kilala ko siya kesa sayo. Kaya please wag ka nang makialam.

Ryu: pero anya…siguro naman..

Ayoko nang pakinggan ang mga sasabihin niya kaya umalis na lang ako. Bumalik ako sa kwarto ko at tinawagan yung number ni Yssa kaso wala talaga.

Tinawagan ko na lang si angkong para makuha ko na lahat ng pag-aari ko. 8pm ng gabi pumunta sa bahay si angkong at amma.

Binalik niya lahat sa akin tapos kinausap ako. Nakaupo kaming lahat sa may long table malapit sa swimming pool. Nagdinner kaming laahat ng sabay-sabay. Nararamdaman ko na na magtatanong sila kaya binilisan kong kumain tapos umalis agad ako.

Dumeretso ako sa kwarto ko at binuksan ang laptop. Wallpaper ko pa pala ang picture niya. Dinial ko ulit ang number niya kaso hindi pa rin makontak. Tinitigan ko saglit ang picture niya tapos kumuha ako ng susi ng motor at pumunta ako sa garahe.

Eto nanaman ako eh nag-aabang sa labas ng bahay nila. Hindi ko alam kung bakit pero ito lang ang alam kong gawin ang maghintay. Wala nang iba. Yssa bakit mo ba ginagawa sa akin to? Yssa lumabas ka naman kahit saglit lang. 5mins.

yun lang Masaya na ako. Yssa. 2 hours na akong naghihintay at biglang may nagpark na sasakyan sa bahay nila. May bumabang lalake at  bumaba din si Yssa. Masaya silang dalawa. Inopen ni Yssa yung pinto at pumasok sila sa loob.

After 30 mins. saka lang sila ulit lumabas. Ayokong mag-isip kaso niyakap pa siya bago umalis yung lalake. Bakit Yssa?

Ganun nalang ba ako kadaling kalimutan? Wala lang ba sayo ang 5 years na pagsasama natin? Yssa! Umalis na ako pagkatapos kong Makita yun. Malinaw na na hindi na ako mahalaga sa kanya. Wala na akong halaga. Wala na akong kwenta. Wala na! ayokong umuwi kaya dumeretso muna ako sa isang bar.

Super loud ng music at ang daming tao. Ito ang kailangan ko. Kailangan kong aliwin ang sarili ko. Umorder ako ng beer.

 Hindi ko namalayan na nakaka 15 bottles na pala ako pero wala pa rin. Hindi ko maramdaman na lasing na ako.

Mr. Perfect (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon