Chapter 2 - My Mr. Perfect

7K 108 7
                                    







Ricardo Joeaquin Uno Liang. Yan ang pangalan ng boyfriend ko. Mahal ko yan! Pangatlo siya sa kanilang apat na magkakapatid. Ang panganay, si Frederick Enrique Dominic Liang, 38 na yun pero hindi halata. Super bagets kasi manamit tapos super gwapo. Cardiologist at internal doctor siya. Matalino kasi kaya ganun. CEO din siya sa tatlong kumpanaya ng tatay nila. Ang Aki Hotel and Co.(AHLCo.), Aki group of companies at Liang international. Tapos madami pa eh hindi ko maalala. Passion niya ang pagiging photographer niya. Sa lahat ng achievements niya wala siyang pakialam pero pag photography na ang usapan sobrang seryoso na. weird talaga promise! Tuwang tuwa siyang kunan kame ni Juno nang litrato. May photo studio din siya tapos may mga tinuturuan pa siyang aspiring young photographers. Single pa si anya Fed, pano ba naman papapalit-palit ng gf. Every week iba. Sobrang babaero. Oops! Secret yun ha.

Next si achie Yuki. Si achie Yachiko Unice Kristina Isabella Liang, 36. Ang only princess gaya ko. OB gyne siya pero minsan model, singer kung saan saang lupalop ng mundo pero hindi dito sa Pilipinas ayaw niya daw masyadong magulo ang buhay niya dito tapos minsan fashion designer tapos eto na may passion din siya. Passion niya ang pagiging make up artist niya at photographer din minsan. Sobrang close sila ni anya Fed. Siya kasi ang taga make-up ng model ni anya o di kaya naman siya yung model. CEO din siya sa ilang kumpanya ng daddy nila. Super ganda ni achie Yuki. Ang buhok nya super straight na hanggang sa may balakang niya. Chocolate brown ang kulay na may mga highlights. Tulad ni anya, single din siya at tulad din ni anya papalit palit din ng bf. Grabe magkapatid nga talaga sila. Buti nalng mejo matino si Juno.

Skip muna si juno hehe.

Yung bunso naman nila. Si Alexander Randolf Yuri Liang, 19 a.ka. Ryu. Oo 19 palang siya tapos nasa second year highschool!? Tsk tsk ang mayayaman talga walang magawa. Ayun nga mejo tamad kasi mag-aral kaya ayan high school parin. Pero paghindi siya nag-aaral nagnenegosyo o kya naman nasa kumpanya ng daddy nila. Galling talaga! Si Ryu ang rakista ng pamilya. Siya lang ang rocker kung manamit puro matured at formal kasi silang lahat, well bata pa kasi. CEO din yun sa company ng daddy nila. Madalas naktambay lang yun sa bahy nila, naggigitara, nagbabasa ng libro (genius nanaman) o kaya naman nasa isang sulok, tulog. Kung saan-saan natutulog yun. Wala talagang pinipiling lugar! Tahimik na tao yang si Ryu pero pag tinopak over naman sa kalokohan. Mahilig sa mga motor tapos photographer din minsan. Mahilig din siya magpinta pero paggigitara o pagbabanda talaga ang passion niya. Gwapo din tong si Ryu, nakuha niya ang ilong ng daddy niya na super tangos. This year ayan mejo sinipag at nag-enrol pero mukhang tinatamad nanaman dahil sa Christmas break.

Lahat silang magkakapatid magagaling at matatalino. Pareparehong magaling sa musika, halos lahat alam nilang tugtugin. Yun daw kasi ang pinagawang hobby sa kanila kesa malulong sila sa bisyo. Super yaman nila pero sobrang down to earth. Hindi sila nakakalimot na tumulong sa iba. Tuwing Sunday nga tinuturuan nila yung mga batang kalye ng mga Christian songs tapos nagbabible study. Mababait talaga silang lahat.

Punta na tayo sa parents nila. Si tito. Si tito Akihiro Miguel Liang, 54. Maaga daw sila nag-asawa mga 16 palang sila. Pero kahit ganun super successful naman. Mejo mayaman na sila dati pero dahil magaling si tito naging super yaman sila. Kilala siya internationally basta negosyo ang usapan. Madami silang hotel at kung anu-ano pang kumpanya kung saan saang sulok ng mundo. 54 na si tito pero again hindi talaga halata. Mukha lang syang 39. Haha. Gwapo kasi tapos ang tangos pa ng ilong. Mejo mataba pero macho parin. Usually nka coat and tie si tito. Lahat ng tauhan nila takot sa kanya. Lagi din na may anim na gwardyang nka sunod sa kanya. Tapos yung isa na laging nasa tabi niya. Yung head ng lahat ng tauhan niya at tapos yun din ang secretary nya. Lahat ng guwardya nila naka black coat and tie tapos nakashades pa, parang men in black. Super nakakatakot.

Si tita naman super sexy at maganda talaga. Para lang siyang kapatid ni achie Yuki. Si tita Clara Rosa Marquez. Mejo Spanish si tita eh kaya ganyan ang pangalan at surname niya. Mahilig si tita sa music, infact may music academy yun. May sarili din siyang company na nainherit niya. Only child kasi siya. May pagka misteryosa si tita kaya konti lang ang alam ko sa kanya.

¼ Japanese, ½ Chinese tapos ¼ Filipino si tito. Si tita naman 1/4spanish, 1/2 chinese at ¼ Filipino. Grabe ang dame. Kya sila juno ½ Chinese, 1/8 spanish, 1/8 japanese at ¼ Filipino. Ewan ko kung tama pero yan ang sabi ni juno. Sa dami ba naman nang lahi nila ayan tuloy ang gagwapo at magaganda sila. Grabe talga ang buhos ng swerte sa pamilya nila. Eto na nga. Ang pinaka gwapo at matangkad sa kanila.

Ricardo Joeaquin (Joe-aquin) Uno Liang or si Juno. Gwapo talaga! Mabait tapos magaling pang negosyante. CEO din siya sa ilang company nang daddy niya pero sa kanilang magkakapatid siya lang ang may posisyon na presidente ng isa sa mga company nila. Madami din siyang negosyo. Sariling sikap yan. Matalino kasi tapos maappeal kya ayun andameng connections. Eto magugulat kayo. May dalawang anak na siya. Sila Colleen, 8 at si Sarah, 14. Kagulat noh!? Yah matanda na si Juno. Times 2 tapos minus 2 siya ng edad ko. 34 na si juno at dahil nga times 2 minus 2 eh 18 palang ako. Mahal ko kasi eh. Tsaka age doesn't matter naman diba? Ayun na nga. Dalwang course ang tinapos ni Juno. Henyo nanaman kaya naaccelerate. Tapos siya ng architecture at engineering pero pagkagraduate naging negosyante. Ang weird talaga nila! Hay! Henyo, gwapo, myaman at mabait. Mr. Perfect talaga siya. Nainlove siya sa isang normal na taong tulad ko. Swerte narin ako. Ah yung mommy ng anak niya? Wala na. iniwan siya at sumama sa ibang lalake after nyang ipanganak si colleen. At after 2 years nagkakilala kame. At eto na 3 years na kame tapos malapit na maging 4! Sana nga umabot..

Mr. Perfect (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon