Chapter 15 Sikreto lang natin yun Yssa ha!

4K 55 0
                                    

Nakilala ako as Chuno, as Kyle pero Inyigo talaga ang pangalan ko. Christopher Inyigo Liang. Yan talaga. Bakit nga ba ang dami kong pangalan??

Anyways 32 years old na ako. May asawa at anak na rin ako. I am married to Beatrice De Ocampo Liang. We have 3 kids, sila Christine,  Rhea at Rio.

Tres marias nga tawag sa kanila. Tig 2 years naman ang gap nila sa isa’t isa. 4 palang si Rio. 6 si Rheat at 8 naman si Christine.

Actually 10 years na kaming kasal ni Trics. 

Trics ang tawag ko sa kanya. Okay naman kami nung una pero nung tumagal nagbago siya. Naging nanay nalang siya ng mga anak namin at hindi na siya naging asawa sa akin.

Tuwing mag-uusap kami puro na lang tungkol sa school at sa mga bata. Never nang naging tungkol sa aming dalawa.

Minsan iniiwan pa nila akong mag-isa sa bahay namin pagtinatawag siya ng daddy niya. Ayaw niya kasi akong isama dun sa kanila nagiging close kasi kami ng mommy niya at ayun nagseselos siya. Weird! Puede naman sana kasing mag-iwan siya ng anak diba?

Kahit si Rio lang para naman may kasama ako. I am a good father to my kids, sure ako dun. Mahal na mahal ko sila.

I am currently the Dean ng department ng business sa school nila Yssa. Shareholder nanaman ang mga Liang sa school na yun kaya lahat sila iniisip na  nakuha ko lang yung posisyon dahil nga may impluwansya kami sa school nay un.

Nakapasok ako sa posisyon nay un dahil nakitaan nila ako ng potential at pinagtrabahuan ko yun ng mabuti pero sino nga ba naman ang maniniwala? Yung mga taong hindi lang ako kilala ang maniniwala. Kyle De Ocampo ang gamit kong pangalan sa school para hindi na malaman  ng ibang board members na Liang ako.

 Ayoko nang matignan na kaya lang may posisyon ay daghil sa impluwemsya kahit hindi naman totoo. Laging sinasabi nila Juno na umalis  na lang daw ako sa school na yun kaso ayaw naman ni Trics kaya hindi ko naman magawa.

Bestfriends nga pala kami ni Juno. Super close kami na magpinsan. Takbuhan ko yun tuwing tinatapakan nanaman ako ng mga taong kilala ako.

Araw-araw nanliliit ako sa tingin ng president ng school pero deadma nalang para walang gulo. Hay buhay nga naman.

Pagwalang pasok sa school, usually nasa bahay lang ako at gumagawa ng paperworks. Tamad kasi ako minsan lumakwatsa. Natatawag lang akong lumabas ng bahay kapag may party.

 Parang recent lang. may kumatok na MIB (term ni Yssa) sa bahay. Nag-abot ng invitation. Birthday pala ni Ryu kinabukasan at sure ako inuman nanaman yan. Ayun kinabukasan pumunta kami with my family syempre.

As always enggrande nanaman ang birthday ni Ryu. Disco fever talaga dun para kang nasa soyal na bar. Sa buong angkan kasi namin sila ang pinakamayaman.

Sobrang maswerete at magaling sila pagdating sa negosyo. Konting problema pa lang may solusyon sila agad pero kahit ganun sila mababait at sobrang down to earth sila. Masyado kasing mabait ang mommy nila kaya siguro namana nila. Hay.

Yun nga nasa birthday party na kami. Balita ko may babaeng nagpatino daw kay Juno eh wala naman siyang escort pero andun siya sa sulok nakatitig lang sa pool. Weird niya ngayon, usually kasi maingay na yan tapos nagpapakalunod na sa alak at nakikipagpustahan na yan.

Bakit kaya ngayon tulala lang yan. Lalapitan ko sana kaso hinila ako nila anya Fed at Ryu. After naming kumain maynagplay na video.

Hindi ko rin maintindihan kung anu yun basta nakikita ko lang na kinakausap ni Fed si angkong at amma.

Tapos yung isang video naman may kausap na babae si Fed tapos basta andami nilang pinagusapan, hindi ko na pinakinggan. Nung natapos yung video nakita kong lumapit si Juno kay Fed at nagyakapan sila.

Mr. Perfect (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon