"Cherinna naman..." napalabi ito bago umayos ng upo sa sahig. "Ayaw mo talaga?" tinignan niya ako.

Umiling naman ako at ngumiti ng tipid sa kanya. "Ipagluluto na lang kita mamaya kapag uwi mo..." panunuhol na sabi ko sa kanya.

She rolled her eyes and sighed. "Ano pa bang magagawa ko? Ayaw mo talaga. Maaga naman ang shoot ko, by 3 pm tapos na 'yun. Siguraduhin mo 'yang promise mo, ah? Anyway, may ipapabili ka ba?" tanong sa akin ni Aly. Umiling naman ako kaagad. "Ako nalang ang lalabas mamaya kung may gusto akong bilhin," sabi ko bago itinuon ang paningin sa screen at muling nanunod.

"Okay. Sige, maliligo na ako para magpunta sa Ai's," paalam niya sa akin bago hinila ang inuunanan kong unan at ibinato sa akin.

"Siraulo ka talaga," anas ko sa kakambal ko bago siya natatawang lumabas ng kwarto ko.

Inabala ko na lamang angs sarili ko sa panunuod. Kanina ay inaya ako ni Mommy kung gusto ko bang tumambay sa Blooms at samahan siya. Pero tumanggi rin ako dahil wala naman akong alam sa mga bulaklak.

Wala naman akong mahihilang kasamang gumala sa kung saan dahil wala naman akong ibang kaibigan maliban sa mga pinsan ko at kina Lean, Enzo, Kuya Kiro, Ate Caryl at Kuya Cloud.

Ang lungkot pala ng buhay ko.

Nang makatapos ako ng isang palabas ay bumaba na lamang ako para maghanap ng makakain. Wala naman akong ibang kasama sa bahay namin kung hindi ang mga kasambahay namin na hindi ko rin naman matagpuan kung saan naglalagi.

Napagdesisyunan ko na lamang na gumawa ng sandwich. Dalawa.

Hindi na rin ako umakyat sa kwarto ko at doon na lang kumain.

Maya-maya ay may lumapit sa akin na isang kasambahay namin na may dalang bulaklak. "Ma'am, galing kay Sir Ian..." ani ng kasambahay sa akin bago inilapag ang bouquet sa mesa. Tipid akong ngumiti at nagpasalamat.

Kinuha ko ang card na naroon at binasa iyon.

"You're way more beautiful than these flowers. I love you, Sunshine..."

Napailing na lang ako bago kinuha ang phone ko at tinawagan si Ian. Nakallimang ring na nang sagutin niya ako.

"Hi, Sunshine..." bati niya sa akin.

"We owned a flower shop, Ian. Do you really have to send me flowers almost everyday? Sa Blooms ka lang din naman bumibili..." hindi ko mapigilang matawa. I remember one time, sa ibang flower shop si Ian bumili at si Mommy ang nagreceive noon. Pinagalitan niya ako at pinatawagan si Ian sa akin. Sinabihan niya si Ian na sa Blooms na ang bumili ng bulaklak na ipapadala sa akin.

"Hindi mo ba nagustuhan?" tanong niya kaagad sa akin. "Ano bang bulaklak ang gusto mo? Just tell me and—"

"Ian," putol ko sa kanya. "I like it, thank you. Pero hindi mo ako kailangan padalahan ng bulaklak araw-araw. Baka maging garden na 'yung kwarto ko niyan..." sabi ko pa rito. "Kung pagkain pinadadala mo, natuwa pa ako lalo..." natatawang dugtong ko.

"What do you want? Sige, magpapadala ako..." maagap na tugon naman ni Ian.

Hindi ko alam kung matatawa ako sa kanya o ano. "Baliw. Nagbibiro lang naman ako. Anyway, you're with Kevyn?" tanong ko. Lagi na lang din kasing sinasama ni Kevyn si Ian kaya naman madalas din na nagtatanong si Lean sa akin kapag may lakad kami ni Ian at kung kasama ba namin si Kevyn.

"Yep. Pero aalis naman ako kaagad dito. May pupuntahan pa ako, eh," sagot naman niya.

"Ah. Sige. Just take care, okay?" paalala ko. Hindi ko na itinanong kung saan pa siya pupunta dahil iniisip kong baka personal na lakad iyon ni Ian.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon