"W-what are you doing, Logan?! Are you crazy?!" bulong niya rito sa nagtitimping inis.

Ano ang tingin nito sa kanya? Na katulad siya ng mga kababaihan na narito na tumitili at nagkakandarapa rito? Gustong-gusto niyang bigwasan ang mukha nito para alisin ang ngiting sumilay. Nakakabuwesit! Urgh!

"What? And yes, I'm crazy for you, baby," maang-maangan at nakangiti nitong sagot habang titig na titig sa kanya.

Nakakaasiwa ang mga titig nito.
Lintik! Is he checking on her body? Pervert! Sigaw ng isip niya. Sumusobra na talaga ito. Nababastusan na siya sa mga pinaggagawa nito. Gustuhin man niyang sigawan ang pagmumukha nito, ngunit ayaw niya rin gumawa ng gulo at mas lalong mapahiya. Tss! Ayaw o gusto mo lang talaga ang ginagawa niya? Kastigo ng kabila niyang isip.

"Don't you know that staring is rude, Mr. Montefalcon!?" galit niyang saad.

"Tss! Let's go, baby," sabay lahad ng kamay nito. Binaliwala lamang nito ang kanyang sinabi.

"Can't you see? I'm eating Mr. Montefalcon. And I don't want also to go with you!" Tanggi niya at hinarap ang paggkain nang sa ganun umalis na ito.

"You will go with me willingly? Or I'll carry you to go with me? You choose, baby." Nakita niya ang nakakalokong ngiti nito.

Matalim na mga tingin ang ibinigay niya rito. Kung nakakamatay lang sana ang mga tingin niya, nakabulagta na ang lalaking ito. E, di masaya na sana siya. Buwesit!

"Buwesit ka talaga lalake ka!" gigil niyang sigaw.

At ang gago tumawa lang. Ang sarap! Ang sarap, sarap lang talaga pumatay. Kung hindi lang siya magkakasala. Padabog na tumayo siya. Hindi niya rin inabot ang nakalahad nitong kamay. Manigas ka gago!

Nagpaalam siya sa mga kaibigan na hanggang ngayon nakatanga lang na nakatingin sa kanila. Ang sarap lang sabuyan ng tubig ng mga ito para matauhan.
Nanguna siya sa paglalakad papuntang car park. Bahala ito sumunod sa kanya. Buwesit ito! Inis na inis pa rin siya lalong-lalo na sa sarili dahil napapayag siya ng gagong hudas na ito.

"Rian!" narinig niyang may tumawag sa kanya.

Tumigil siya sa paglalakad at lumingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita niya si Kurt na papunta sa deriksyon niya. Ngunit, bago paman siya malapitan nito ay kinabig na siya ni Logan ng mahigpit. Tiningala niya ito at pinandilatan. Nagpupumiksi siya pagkakahawak nito sa kanyang baywang.

"Stay! Kung ayaw mong may mangyaring masama sa lalaking iyan," bulong nito sa kanya.

Naglapat ang mga ngipin niya sa sinabi nito.
"K-kurt, bakit?" kinakabahan niyang tanong rito nang makalapit sa kanila.

Napansin niyang tumingin ito kay Logan na nagtataka. Dumapo ang paningin nito sa kamay ni Logan kung saan mahigpit na nakayakap sa kanyang baywang. Sinubukan niyang lumayo, ngunit mas lalo lamang humigpit ang pagkakayakap ng braso nito.

Nakita niya rin na matiim na nakatitig si Logan kay Kurt. Nag-igtingan ang mga muscle nito sa panga. Binalingan niya si Kurt.

"Ipapakita ko sana sa'yo ang bagong design ko," atubiling sabi nito.
Hindi malaman kung ngingitian ba siya.
Ramdam niya ang tension. Hindi niya lang alam kung naramdaman din ba ito ng kaharap.

"Ahh ok--,"
Naputol ang pagsasalita niya nang biglang sumabat si Logan.

"She have no time for that young man. Let's go, bab," saka siya nito pilit ipinihit patalikod kay Kurt na pilit din niyang nilalabanan.

"Sige. Maybe next time, Rian," hindi nagpaawat na sagot nito.

"Huwag kanang umasa na may next time pa," pagdidiin ni Logan.
Magsasalita sana siya at hihingi ng despensa sa sinabi ng hudas na ito rito. Kaya lang, hinapit na siya nito ng mahigpit at umalis. Tiningnan niya ito, nakita niyang galit na tumango ito sa mga bodyguard na kasama. What's with him?

I'm His Possession [COMPLETED]Where stories live. Discover now