Chapter 15

79.1K 2.6K 196
                                    

Clarence Miguel's POV

"Welcome back Bro!" Binigyan ako ng isang mahinang suntok ni Ljdale sa balikat bago siya umupo sa table namin. Kasama ko si LjDale, Matt Xander, Brent Skyler, Clark Tristan, Zach Alexander, sa private room ng Bar namin. Kanina lang ako umuwi galing Japan. Pagkababa ko pa lang ng Airport agad ko na silang tinawagan upang uminom ng alak sa Bar na pagmamay-ari namin.

"Nasaan si John Ace?" Tanong ko sa kanila.

Nagsalin muna ng alak sa kupita si Clark Tristan at isa-isa niya kaming pinagbibigyan. "Uminom muna tayo. Wag mo munang hanapin si John Ace. Dahil siguradong nakikiusap na naman yon sa asawa niya para makagimik siya."

"Tss. Ayaw na bang palabasin ni Heira si John Ace sa loob ng kwarto nila? Salubong pa ang kilay ko ng tanungin ko sila.

Straight na ininom ni Clark Tristan ang alak bago niya ako tiningnan at pilyong ngumiti. "Alam mo na ang ginagawa sa loob ng mahiwagang kwarto.." Tapos nagtawanan silang lahat.

Umiling-iling ako sa kanila. "Wala parin kayong pagbabago."

"Kahit nama ikaw C.M, walang nagbago sayo kahit pumunta ka pa ng Japan." Ani LjDale.

"Oo nga Bro, panget ka pa din." Pang-asar na sabi ni Zach.

"Mga siraulo! Wag nyo akong idamay sa kalokohan nyo!"

"Oo nga pala C.M anong plano mo kay Jhoace?" Usisa ni Matt.

Tiningnan ko sila tapos sinaid ko ang laman na alak nasa Kupita ko. Bago ako muling nagsalita. "Siya ang dahilan kung bakit ako nagpumilit na bumalik."

"Ang tanong Clarence Miguel. Gusto ka bang makita ni Jhoace ngayon?" Ani Matt.

"Tama Bro. Galit na galit sayo si Jhoace. Dahil sa ang alam niya tinakasan mo na naman siya ulit." Dugtong pang sabi ni Clark.

"Hindi na nga kami kinakausap ngayon ni Jhoace. Kapag sinusubukan naming siyang kausapin. Tinataray niya lang kami kung minsan umiiwas pa siya samin." Ani Brent.

"Kahit si John Ace ayaw kausapin ni Jhoace ngayon. Kaya siguradong hindi ka rin niya kakausapin." Ani Matt.

"Alam ko yon, pero gagawin ko ang lahat para bumalik ulit siya sakin."

"Anong gagawin mo?" Tinig yon mula sa likura namin. Sabay-sabay kaming nagkatingin lahat sa paparating. Si John Ace. Nakasuot lang siya Jogging pants at naka white t-shirt. Kitang-kita ko ang mga pilyong mga ngiti nila habang nakatingin sila kay John Ace. Nakaupo na si John Ace. Ngunit hindi parin maalis ang mga ngiti nila kay John Ace. Nakatutok parin ang mga mata nila. Napansin naman yon ni John Ace. Kaya naman salubong ang kilay niyang nakatingin siya sa mga kaibigan namin.

"Anong tinitingnan nyo ha!" Inis na tanong ni John Ace. Napailing na lang ako. Pagkatapos tinungga ko ang panibagong salin kong alak sa kupita ko.

"Bagong Gising ka pa lang yata J.A eh, tumakas ka lang yata kay Heira?" Nakangising tanong ni Brent.

"Nakatulog  na siya kaya nagmadali akong umalis. Hindi ko na nagawang magbihis dahil baka magising siya."

Bumunghalit sila ng tawa ng marinig nila ang paliwanag ni John Ace. Kahit kelan talaga ang lalakas mang-asar ng mga kaibigan ko. Kitang-kita ko tuloy ang hindi maipintang mukha ni John Ace.

"Wala ako sa mood makipag biruan sa inyo." Inis niyang sabi.

"Mga Bro, wag nyong pagtripan si John Ace. Baka mainis yan sa'tin mag walk out siya. Kamusta na pala si Heira?" Tanong ko.

"Okay naman siya. Nasa stage pa siya ng paglilihi kaya minsan hindi ako makalapit sa kanya. Minsan naman ayaw akong umalis sa tabi niya. Tulad na lang kanina."

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon