Chapter 3

89.1K 3.2K 282
                                    

Clarence Miguel's POV

"Bakit umuwi agad si Jhoace?" Tanong sakin ni Clark Tristan. Habang nasa harap kami ng bote-boteng Alak. Nandito parin kami sa Bar kung saan kami na lang mga lalaki ang naiwan. Umuwi na kasi sila Shin Lorraine at Jhoace.

Tinungga ko ang alak na nasa kupita ko at matalim kong tinapunan ng tingin si Clark. "Huwag mo akong tanungin si Jhoace ang tanungin mo." Inis kong sagot sa kanya. Pagkatapos muli akong nagsalin ng alak upang tunggain ulit.

"Okay ka lang ba Clarence? Mukhang Badtrip ka?" Tanong naman ni Zach.

"Wag nyo na lang akong kausapin." Tipid kong sagot.

"Okay! Sabi mo eh," sagot ni Zach.

"Mga Brad, Sayang wala si John Ace ngayon masaya sana kung kasama siya." Ani Matt Xander.

"Darating siya maghintay lang kayo." Sagot ko.

Sabay-sabay silang napatingin sakin. "Paano mo nalaman? Tinawagan mo ba siya?" Tanong ni LjDale.

"Hindi, pero alam kong susugod siya dito dahil kay Jhoace." Sagot ko.

"Oo nga pala Si Jhoace. Bakit mo kasi ganon ang trato mo sa kanya? Dati naman kayong Close. Kayo pa ngang dalawa ang palaging magkasama. Bakit ngayon biglang nagbago?" Usisa ni Brent.

"People change!" Tipid kong sagot.

"Gunggong ka! Hintayin mo si John Ace. Siguradong basag yang mukha mo sa kanya. Alam mo namang ayaw niyang naagrabyado ang Twin niya." Ani Matt.

Saglit kong inihinto ang pag inom ng alak at tiningnan ko silang lahat. "The hell i care! Ang iniisip ko ngayon kung paano ko babalikan ang mga lalaking nambastos kay Jhoace kanina."

"Akala namin. Pinatawad mo na sila? Hinayaan mo ngang makalabas ng Bar na kumpleto ang katawan." Sagot ni LjDale.

Matalim akong nakatingin sa bote ng hawak ko. Habang gigil na gigil ko yung hinahawakan. Hindi kasi mawala sa isip ko ang paghawak nila ng braso ni Jhoace. Hindi ko alam kung bakit ganon ang nararamdamam kong galit. Parang gusto kong pumatay ng tao. Dahil sinaktan nila si Jhoace. At hinding-hindi ko yon mapapalampas.

"BABALIKAN KO SILA!" Sabi ko. Habang nagtatangis ang bagang ko sa galit.

"Okay mukhang seryoso ka nga." Tumangga muna ng alak si Zach at tumayo siya. Gayun din ang iba naming mga kaibigan. "Let's go brad! Mukhang nirarayuma na kayo dahil wala tayong practice. Magpapawis muna tayo."

"Ano bang gusto mo? Lumpuhin natin para hindi na maulit ang kayabangan nila?" Ani Clark.

"Kung anong dapat gawin sa katulad nila!" Sagot ko.

"CLARENCE MIGUEL!"

Bago pa ako makapagreact isang suntok ang tumama sa mukha ko. Nawalan ako ng balanse kung kaya't bumagsak ako sa semento.

"HAYUP KAA! SINABI KO SAYONG WAG MONG PAGLALARUAN SI JHOACE!" Galit na galit na sigaw ni John Ace sakin. Agad namang inawat ng mga kaibigan namin si John Ace. Expected kong mangyayari ito. Bilang bestfriend niya alam kong hindi siya papayag na saktan ng ibang tao si Jhoace. Pinunasan ko ang dugo sa labi ko at muli akong humarap sa kanya. "Wala akong ginawang masama sa kanya." Kalmado kong sagot.

"Pinaaasa mo siya! Alam mong may gusto sayo si Jhoace. Pero sinasaktan mo parin siya!"

"Kasalanan kong gustuhin niya ako?"

"Hayup kaa!" Muli na naman akong sinuntok ni John Ace. Hindi ako lumaban sa kanya dahil ayokong palakihin ang galit ni John Ace sakin.

"TUMIGIL KA NA JOHN ACE!!" Sigaw ni Clark sa kanya.

MALDITA VS GANGSTER BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon