Dala ang camera na iyon ay bumalik ako sa kwarto ko. Matapos maligo ay nakita ko si Aly na nakaupo sa may couch sa kwarto ko. "Namimiss mo na siya?" tanong niya sa akin.

"Ikaw din naman, diba?" balik-tanong ko sa kanya bago naupo sa harap ng salamin.

"I called him earlier. So, hindi na masyado. Besides, magkikita naman kami sa Ai's. Hindi na nga lang siya nakatira dito sa bahay..." sagot ni Aly sa akin. "You should call him, too, Twin. Nakakabawas lungkot 'yun..." dagdag pa niya.

Napangiti nalang ako ng tipid. Duda ako kung sasagutin ba ni Jahann ang tawag ko. Duda rin ako kung mababawasan nga ba ang lungkot ko kung tatawagan ko si Jahann. Natatakot akong mas masasaktan ko lang siya kung gagawin ko iyon.

"Let's go to Ai's later. Samahan mo ako sa shoot ko, para naman makumpleto tayong tatlo kahit na wala pang isang araw na wala si Jahann dito sa bahay..."

Natigilan ako sa paglalagay ng cream sa mukha ko. Nilingon ko si Aly. "Isasama mo ako?" tanong ko sa kanya. Tumango naman si Aly. "Why? Sa atin naman 'yung Ai's. We can go there whenever we want. Besides, nandoon si Jahann. Puntahan natin..."

"Aly..."

"No buts, okay? And can you make a cupcakes before we leave? I'll help you. Gawa tayo after breakfast. So, bilisan mo na diyan kasi pababa na sila Daddy..." ngumiti si Aly sa akin bago tumayo at nagpunta sa pinto.

"Aly..." pigil ko sa kanya. Huminto naman siya at nilingon ako.

"You said you called Jahann..."

Tumango naman siya sa akin.

"Did he... I mean... uhm..."

Ngumiti si Aly sa akin. "He said he's fine..."

Marahan akong tumango. "I'm glad to know that."

"Bababa na ako. Sumunod ka na, ha?" paalam nito bago tuluyang lumabas sa kwarto ko. Napabuga ako ng hangin bago tinignan ang sarili ko sa salamin. Bakas pa rin sa mukha ko na wala akong tulog, at umiyak ako kaya naman nilagyan ko iyon ng concealer.

Nang makuntento na ako sa itsura ko ay nagbihis na ako para makababa na kaagad. Nahagip naman ng mata ko ang relo na regalo ni Jahann sa akin.

He's right.

Hindi nga namin alam kung hanggang kailan lang ang mayroon kaming dalawa.

Lumabas nalang ako ng kwarto ko at bumaba para na rin mawala sa isip ko si Jahann—kahit na alam kong imposible ko iyong magawa.

"Cherinna, maupo ka na..." sabi ni Daddy sa akin nang dumulog ako sa hapag-kainan. Naroon na rin si Mommy at si Aly. Nasa may upuan ko nakaupo si Aly kaya naman wala akong choice kung hindi ang maupo sa upuan ni Jahann.

Huminga ako ng malalim bago naupo roon.

"Dad, alam mo po ba kung saan nagsstay si Jahann?" tanong ni Aly kay Daddy habang kumakain kami.

"Of course, Alyanna," sagot ni Daddy sa kanya.

"Alam mo rin ba na naiinis pa rin ako sa pagpayag mong bumukod ang anak natin?" tanong ni Mommy kay Daddy.

"Ai, I told you countless times already that Jahann asked for it. Pupunta naman si Jahann dito kapag pinapunta mo. Hayaan mo nalang ang anak natin sa gusto niya..." mahinahong sagot ni Daddy kay Mommy.

"So if the twins asked us, too, papayagan mo rin?" tanong ulit ni Mommy kay Daddy.

He sighed before smiling at my mom. "That's a different story, Ai."

"I still hate you," nakasimangot na sabi ni Mommy sa kanya.

"Can we visit him, Dad?" tanong naman ni Aly ulit habang kumakain kami. Hindi naman ako kumikibo. Halos hindi ko rin ginagalaw ang pagkain ko.

Played by Fate - Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon