chapter 5

1.5K 54 7
                                    

"Tara na, magsimula na tayong maglakbay dahil mahaba-haba pa ang lalakarin natin upang marating ang Mt. Dolby." Sabi sa amin ni kuya JC, kaya naman nagsimula na kami sa paglalakad upang mahanap ang limang diyamante at para matapos namin agad ang aming mission.

Habang kami ay naglalakad papuntang Mt. Dobly ay nagkwekwentuhan kami nina Lovely, Jessy, Stephen, at ako.

"Alam mo ba na Biancakes kapag Christmas dito ay naghahanda ang school at buong month ng december ay walang pasok, hangang sa mag bagong taon." Sabi sa akin ni Lovely.

"Talaga? Sa amin kasi 1 week before Christmas ay wala nang pasok at babalik kami 3 to 4 days after new year." Sabi ko naman.

Sana ol buong month ng december wala nang pasok.

"Maganda rin ang night market dito!" Singit naman ni Jessy. Sumangayon naman sa sinabi ni Jessy si Stephen.

"Naka sale lahat ng mga bagay at paminsan ay namimigay pa sila ng libre!" Dagdag pa ni Lovely. Kaya naman agad kong itinanong kung anong meron sa night market at kung ano ang mga ibinibigay nila.

"Sa night market doon mo mabibili ang mga ingredients na kailangan mo para gumawa ng potions, magic wands, mga cloaks, at mga masasarap na pagkain!" Pagpapaliwanag ni Jessy. Parang gusto ko tuloy pumunta na doon ngayon.

"Tuwing pasko, bagong taon, araw ng mga puso at tuwing bakasyon lamang nakakalabas ang mga estudyante na walang pahintulot mula kay headmaster." Sabi naman ni Stephen. Kailangan kasi munang magpaalam kay headmaster at mahirap daw makalabas ng academy kasi puro bantay at malakas ang barrier ng academy.

"Ang barrier na iyon ay ang alarm ni HM kapag may estudyante na lumabas pero walang pahintulot niya." Sabi naman ni Lovely. Nakakatakot pala talaga dito sa mundo nila. Kaya kailangan ko talaga mag ingat dahil baka ialay nila ako sa pinuno nila o kaya baka ang mga estudyante naman dito ang pumatay sa akin. Kaya naman tinanong ko kung paano makakalabas ang mga estudyante.

" Makakalabas lang ang isang estudyante kapag meron siyang egress at ingress pass." Sagot naman ni Lovely. Itinanong ko naman kung ano ang egress at ingress pass na sinasabi niya.

"Ang ingress at egress pass ay card na binibigay ni headmaster para makalabas at makapasok ang isang estudyante pero binibigay lang niya ito kapag may mission." Sagot naman ni Jessy. Kaya naman itinanong ko naman kung ano ang pinagkaiba ng engress pass sa ingress pass.

"Ang egress pass ay ang pass na gagamitin mo para makalabas ng academy, habang ang ingress pass naman ay para makapasok ka sa academy." Pagpapaliwanag sa akin ni Lovely. Grabe magkaiba pala ang pass dito para makalabas o makapasok.

"Bakit parang wala siyang ibinigay sa atin pero nakalabas pa rin tayo?" Sinabi naman sa akin ni Stephen na mayroong ibinigay si HM pero nasa bag na namin at ginawan kami ng portal para sa aming mission.

Patuloy pa kami sa paglalakad hangang sa humingi ng pahinga si Lovely dahil pagod at gutom na rin siya, kaya naman nag desisyon sina kuya JC na kumain at magpahinga muna, dahil pa gabi na rin ay itinayo na rin namin ang aming mga tent upang matulog at bukas na lamang namin ulit ipagpapatuloy ang aming paglalakad upang makuha ang mga diyamante.

Habang inaayos nila ang kanilang mga tent ay hindi ko mabuo ang tent ko, kaya naman nilapitan ako ni Andrew na tapos na palang magtayo ng kanyang tent.

"Kailangan mo ng tulong?" Pagtatanong sa akin ni Andrew.

"Oo, hindi pa kasi ako nakakapagpatayo o nakagamit ng tent." Ngumiti naman si Andrew at sinimulan na niyang itayo ang tent ko, wala pang sampung minuto ay naitayo na niya ito.

THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon