chapter 2

3.3K 84 1
                                    

Nang makarating na kami sa opisina ng kanilang headmaster ay hindi na sila kumatok dahil kusang bumukas ang pinto.

Ano bang mundo to? Kakaiba ang mga tao pati ang mga bagay, may lumulutang at kusang bumubukas ang pintuan.

"Headmaster patawad po, nahuli po kami sa pag dating." Sabi ng babaeng kulay blue ang mata. Halatang madaldal to ah, kanina pa salita nang salita eh.

Pero kinakabahan ako dahil makakaharap ko na ang pinuno nila. Iaalay na yata nila ako shet hindi pa ako ready.

Jowa po muna sana bago ako mamatay. Wala pa akong first kiss jusko.

"Ikwento niyo sa akin ang buo na nangyari sa mission niyo." Nakakatakot naman yung boses ng headmaster nila.

Mission? Mission ba nila ang pagkuha kay lala pati sa akin?

Kaya naman ikwinento na nila sa kanilang headmaster ang mga nangyari.

Nasa gubat pa lang sila nang marinig niya na mayroong sumabog kaya naman agad silang tumakbo papunta sa bahay namin. Nakita nila ang mga taong naka itim na cloak at pinapalibutan nila si Lala.

Susugod na sana sila ngunit huli na, nakuha na ng mga naka itim na cloak si Lala at kasabay ng kanilabg pagkawala ay doon naman nila ako nakita na nakatayo at nahimatay.

Mas mabuti nga lang ay nasalo saw ako ng lalaking kulay pula ang mata na si Jeffster. Siya lamang daw ang bumuhat sa akin simula sa bahay hangang sa magising ako.

Kaya naman na konsensya ako at hihingi ako ng tawad sa pagsampal ko sa kanya.

"May kasama rin po pala kami." Sagot naman ng lalaking kulay berde ang mata.

Dahil nakatago ako sa kanilang likuran ay hinarap nila ako sa kanilang headmaster at hindi naman pala ito nakakatakot sa katunayan nga ay batang-bata pa ang mukha nito o sabihin na natin na gwapo ito.

"He-hello po, Ako po pala si Bianca." Kinakabahan na pag bati ko sa headmaster nila.

Ngunit hindi ko din napigilan ang sarili ko at tinanong ang headmaster nila kung siya ba ang pinuno nila. "Ikaw po ba ang pinuno nila?"

"Hi bianca, ikinakagalak kong makita ka muli. Ako nga pala si headmaster Benedict at hindi ako ang pinuno, taga bantay at taga pamahala lamang ako ng academy." Pagbati at pagpapakilala sa akin ni headmaster na may ngiti sa kanyang labi.

Napahinga naman ako ng maluwag ngunit hindi pa din dapat ako maging kampante. "Nagkita na ba po tayo noon?" Tanong ko naman sa headmaster nila ngunit hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Bakit mo naman naitanong kung ako ang pinuno?" At nag sitawanan na naman muli ang mga kasama ko kanina.

"Kasi po headmaster akala niya po ay gagawin natin siyang alay." Sabi ng babaeng kulay blue ang mata. Kaya naman muli na naman sila nagsitawanan at kasama pa na nila ang headmaster nila sa pagtawa.

Sinabi naman ng kanilang headmaster na hindi nila ako gagawing alay dahil magiging estudyante na ako sa kanilang paaralan.

"Tungkol po pala doon sa sinabi mo po kanina, nagkita na ba po tayo noon?" Muli kong pagtatanong.

Ngumiti lamang sa akin ang kanilang headmaster. "Hindi ito ang tamang oras para sagutin ang iyong mga tanong dahil malalaman mo rin iyan sa tamang panahon." Kaya naman tumango na lamang ako.

"Bianca ano ang iyong magi?" Napatingin ako sa kanilang headmaster ng may pagtataka.

"Magi? ano po iyon? Bakit po ba ako nandito at nasaan po si lala?" Baka yun ang gagamitin nila para sa pagaalay. Haist anuba Bianca hindi ka nga daw nila iaalay.

THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon