chapter 3

2K 69 1
                                    

Habang kami ay papuntang cafeteria ay biglang nag sitilian ang mga kababaihan pati na rin ang mga kalalakihan ngunit agad din itong napalitan ng mga mapanghusga na mga tingin at ng mga bulungan.

"Sino yang babae na kasama ng mga royals?"

Halata naman na ako ang pinaguusapan nila kaya naman yumuko na lamang ako at nag patuloy pa rin sa pag lalakad.

"Bakit ba niya kasama ang mga royals?" Kahit na nakayuko na ako ay kita ko pa rin ang mga mapanghusga nilang mga tingin.

"Weakshit naman ata yan eh."

Tinignan naman ako ni Lovely at bumulong na huwag ko na lamang sila pakinggan dahil hindi naman ako ganun, kaya naman ipinagpatuloy ko na lamang ang paglalakad ko habang naka yuko pa rin.

Tuloy-tuloy lang sana ako sa paglalakad ng hangang sa may pumatid sa akin.

"Shet weakshit nga." tumingin naman ako sa paligod ko para makita manlang kung sino yung pumatid sa akin.

"Shuta sexy bro oh."
Ibinaba ko naman ang palda ko na tumaas pala dahil sa paghulog ko. Mas mabuti lamang may suot akong shorts kaya hindi nakita ang underwear ko.

Tinignan ko naman ng masama yung lalaking nambastos sa akin ngunit katulad ng iba hindi ito natakot at pinagtawanan lamang ako.

Pasalamat sila dahil wala pa akong magi.

"Ayos ka lang ba biancakes?" pagtatanong sa akin ni Jessica, tinulungan naman nila ako tumayo at tinignan ko ang tuhod ko kung may sugat.

May mga gasgas lang naman at namumula.

Nginitian ko naman sila Jessy at sinabing ayos lang ako ngunit hindi naniwala sa sagot ko si kuya JC dahil tinanong pa nito sa mga estudyante kung sino ang pumatid sa akin.

"Who did that to her?" Pagtatanong ni kuya JC sa mga estudyante na naka tingin sa amin, ngunit kahit isa sa kanila ay walang sumagot kaya naman nagulat kami nang sumigaw si kuya JC.

"Ano wala bang magsasalita!" Sigaw ni kuya JC, kaya naman kahit ang mga estudyante na naglalakad ay napatigil at napatingin sa direksyon namin, upang makita kung ano ang nangyayari.

"Ako ang pumatid sa kanya prince." Pagamin ng isang babae na kulay violet ang mga mata. Tinignan naman ako nito mula ulo hangang paa.

Maganda ka pa naman pero ang pangit ng ugali mo, sayang yung ganda teh.

Kutis porselana ang balat nito, halata na anak ng isang reyna at hari. Patuloy ko lamang ito na pinagmamasdan hangang sa sabihan ako ni Lovely na huwag tignan ang mga mata nito.

"Why?" pagtatanong ni Andrew sa babaeng kulay violet ang mata, tumaas naman ang kaliwang kilay ng babae, ngunit hindi siya sumagot dahil mayroong isa pang babae na sumagot upang ipagtanggol ang babaeng kulay violet ang mata na si Sellena.

"Eh kasi ang kapal ng mukha niya para sumama sa inyo at lampa siya!" Grabe naman dito, kakapasok ko pa lang may mga kaaway na agad ako. Kung hindi nila ako iaalay sa pinuno nila ay mamamatay naman ako sa kamay ng mga estudyante dito.

Napatahimik kaming lahat nang sumigaw si Jeffster . "Wala kang pake kung sino ang kasama namin!" agad namang humingi ng tawad ang babae sa kanya.

"Don't say sorry to me, you should tell that to her." Tatanggi pa sana ito ngunit napayuko na lamang ang kanyang ulo nang makita niya na nagaapoy ang kamay ng prince nila. Mas nagulat sila nang sumigaw si Jeffster at pinalibutan siya ng apoy.

"Bilis! You are wasting my time!" kaya naman humingi na ng tawad ang dalawang babae.

"Sorry sa pagpatid ko sayo pero you deserve it naman eh." Napasinghap sina lovely at Jessica, susugod na sana ito ngunit agad ko silang pinigilan.

THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon