Tenth Part

125 8 0
                                    

Marco's POV

Gumising ako ng medyo tanghali na. Wala naman akong pasok ngayon, pero may lakad ako mamaya.

Tinignan ko ang wall clock at nakita na 11:00 na pala ng umaga. Mamayang 1 pa naman ng hapon ang usapan namin ni Ace, may oras pa ko mag handa.

Pumunta ako sa kitchen para kumain ng brunch. Breakfast at Lunch. Pagkatapos kong kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan ko at hinugasan ang mga plato.

Pumunta ako sa garden at nakita ko si Mama na nag aayos ng halaman.

"Oh anak, tinanghali ka na ng gising."sabi ni Mama habang pinupunasan ang pawis.

"Opo Ma, hehehe. Sige po maliligo na po ako." Sagit ko kay mama at papasok na ulit sana ako sa bahay kaso nagsaluta ulit si Mama

"Syanga pala anak. Tumawag pala kanina yung kaklase mong, Ace ata ang pangalan. Sabi niya 12:30 pm na lang daw kayo magkita, sa usapan niyo. May meeting daw kasi siyang aattendan ng 1 o clock. Ang sabi niya pa nga eh, wag mo daw subukang malate. Kundi hindi mo na makikita pinsan niya." natatawang sabi ni Mama.

Oh shit. Napatingin agad ako sa wall clock sa living room namin. Nanlumo ako ng makita ang oras.

"Shet, 11:30 na. Ma, ligo na po ako. Yari ako kay Ace. Thanks Ma!" Sabi ko at nagflying kiss kay Mama

Hindi ko na alam kung ano ang nangyari.

Mabilis akong naligo.

Kung ano ang una kong mahila mula sa damitan ko ay yun na ang naisuot ko.

Hinanap ko ang susi ng motor ko. At dali daling pumunta sa usapan namin ni Ace.

Nang nanduon na ako sa cafe ay kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko.

"Shet." Napamura na lang ako

Naiwan ko yung cellphone ko sa bedside table ko sa bahay. =_=

Nilingon ko yung kumpol ng mga babaeng teen ager sa kabilang lamesa. Nakasuot sila ng uniform na pareho sa amin. Ka school mate ko ata sila.

Nilapitan ko ang isang babae dun at kinalabit.

Tulad ng inaasahan, lumingon yung Babae at nalaglag ang panty este ang panga. Ako naman ay ngumiti.

"Hi!" bati ko

"H-ha? H-Hahaha, H-hi. H-hi p-po P-prince Marco." Natatarantang sabi niya at nahimatay

Pinaypaypayan at yinuyugyog siya ng nga kasama niya

Uh? Ow-kay? ANYARE?? LUH. =_=

"Uhm, miss pwede bang malaman kung anong oras na? Naiwan ko kasi ang cellphone ko eh." Sabi ko sa isa pang babae

"Ow-May-Gad. Sure! Sure po Prince Marco! Wait. *tingin sa cellphone* 12:00 ng tanghali po!" Masiglang sabi niya.
Eh

"Ah ganun ba? Sige salamat."

"Ah, kuya. Pwede po picture po tayo. Please? Please po?" Sabi ng bata

Hahahahaha. Bata talaga eh noh?

Sabagay, nakitanong naman ako sa kanya ng oras.

Fine.

"Okay sige! ^_^"sagot ko sa kanila

Grabe. Tumalon talon yung mga babae. Nagsitilian pa. Nasa cafe pa kaya kami.

Pumwesto na sila. Binilang ko sila at nalaman na limang babae na Grade 8 ang mga yun. Pumunta sa unahan yung nagtanong kung pwede silang makipagpicture.

Tumungtong pa sa upuan. Wow.

"Okay guys. One- two- three smile!" sabi ng babae

Ngumiti naman ako sa camera.

Sunod sunod na picture ang nangyari. Sunod sunod ang pagkiclick niya sa cellphone. =_=

Hahahahahahaha. Ang pogi ko talaga

Natapos na ang mahabang photo shoot at nag paalam na ako sa kanila.

Nagpasalamat ulit sila at lumabas muna ako ng cafe.

May nadaanan akong jewelry shop.

Hindi ko naman talaga balak pumunta dun pero may kung anong sumapi sa akin at dun ako dinala ng mga paa ko.

"Good morning sir! How may I help you?" Sabi ng cashier

"Afternoon na kaya. Hahaha." Sabi ko

Totoo naman eh. Hahaha. Napakamot sa batok yung babaeng cashier.

"Ay, oo nga noh? Hahaha. Ulit ulit.* ehem* ehem* Good afternoon sir! How may I help you?" nakangiting bati ng babae

"Ah hahaha. Wala, titingin lang. Ewan. Trip lang." Natatawang sabi ko

"Luh. Ano ba yan. Noh kaya yun." Nakapout niyang sabi

Hahahaha. Kyot.

"Tingin tingin ako. Malay mo may sumapi sa akin tas bilhin ko. Diba?" Hahahaha sabi ko at iniwan na siya dun. Tinignan ko yung mga naka display.

"Sir! Maganda toh oh." Sabi ng cashier na nasa tabi ko na pala.

"Mas maganda ka pa din." Hahahaha. Joke lang. Loyal ako kay Miss C. Pero, ewan. Nasabi ko na lang. Ang gaan ng loob ko sa kanya.

"Lul, yung galawan mo sir. Nakow, hokage. Pogi sana. Tsk tsk. Hahaha." Nakapameywang na sabi ng cashier.

"Luh, feel mo naman. Joke lang yun oy!" Sabi ko sa kanya

"Grabe ka sir! Maganda kaya ako!" Sabi ng cashier na ang pangalan ay...

"Cole. Ikaw si Cole diba?" Sabi ko.

"Opo, sir. Tignan niyo kasi yung designs wag ako. Diba? Bili na kasi kayo." Sabi ni Cole

"Oo na. Hahahaha." ani ko at nadako ang tingin ko sa isang necklace.

"Patingin nun. Yung may silver na chain tapos may pink stone na pendant." Sabi ko.

"Sige po!" Sabi naman ni Cole at kinuha agad yung necklace na tinuro ko.

Bumalik siya na dala yung necklace na iyon.

"Eto na po sir!" sabi niya at inabot sa akin yung kwintas

Tinignan ko naman. Maganda ah. Bagay ito kay Miss C. Maputi pa naman yun. Tapos wala akong nakikitang accessories sa kanya except sa relo at hikaw niya. Yun lang.

"Ganda.." nasabi ko

"Syempre naman sir. Ako nag design niyan eh!" Nakangiti niyang sabi.

Napatingin ako sa kanya. Aba may talent pala ang taong toh. Joke.

"Ge, bilhin ko na. Wawa ka naman eh." Pagtutukso ko sa kanya.

"Yesh! Sige sir. Ibalot ko na, para sa girlfriend niyo sir?." Kinuha niya na yung kwintas at sinimulang ibalot yung box

"Future girlfriend." Sabi ko ng nakangiti.

"Ang swerte niya naman po sa inyo." Sabi niya habang inaabot sa akin ang box

Binayaran ko na yung kwintas at ngumiti sabay sinabing..

"Mas maswerte ako sa kanya."



The Girl Who Lost Her SmileWhere stories live. Discover now