Fifth Part

165 6 1
                                    

Marco's POV

Maaga akong gumising, ewan ko kung bakit. Feel ko lang ganun. Ginawa ko na ang morning rituals ko.
Pagkababa ko ay nakita ko si Mama na mukhang magsusulat pa lang ng note para sa akin.

“Hi Mama~!”masayang bati ko kay Mama

“Oh anak! Ang aga mo naman yata.”sabi ni Mama habang inaayos ang kakainan ko.

“Thanks Ma!”sabi ko at nag-pray na para simulan ang pagkain.

“Oh anak. Alis na ako ah. Ingat ka sa pagpasok sa school”paalam ni Mama sa akin

Binilisan ko ang pag-huhugas ng pinggan

“MA! Hatid ko na po kayo!”sabi ko kay Mama

“Ay naku! Wag na anak! Baka malate ka pa!”sabi ni Mama habang iwinawagay way ang dalawang kamay para huminde.

“Ma, marami pa po akong time. May  1 and a half hour pa po ako bago mag-start ang first sub. ko. Kaya hahatid ko na ang Mama ko.”sabi ko kay Mama habang kumukuha ng extra helmet para kay Mama. Hindi ko naman pwedeng gamitin ang kotse namin. Ayoko dalhin iyon sa school at matatagalan kami kasi baka traffic. Atsyaka, sayang ang gasoline at ang bayad sa on call driver namin.

“Salamat anak...”sabi ni Mama sabay haplos sa buhok ko. Lord, thank you po dahil sa bingay niyo sa akin si Mama

Ihinatid ko na si Mama sa opisina niya. At dumiretso na ako sa school. May isang oras pa ako bago mag-time, ewan ko ba at dinala ako ng mga paa ko sa garden. May wishing well kasi dito sa garden, dun muna ako tumambay. Kumapa ako ng barya sa bulsa ng pants ko, hehe. May nahugot akong piso.

Nag-wish muna ako.

“Sana maging mabait na sa akin yung katabi ko sa room.”sabi ko sabay bato ng piso sa well

“Naniniwala ka dyan?”sabi ng boses sa likod ko

“Ay dyosa!”gulat kong sabi

Sa totoo lang hindi naman talaga ako nagulat, alam ko na kung kaninong boses yun. Pati gusto ko lang siyang pangitiin, malay mo naman diba?
(=_=)

“Ahhh, eh oo. There’s no harm in trying diba?”sabi ko kay Miss C

“There is. Mapapaasa ka lang. Oh eto na yung akin. Wag mong ipagkakalat yan.”sabi niya sabay alis na sa garden

“Babyeee!!”pahabol ko pa sa kanya, ni hindi man lang ako nilingon.

Dali-dali kong binuksan yung papel, angbango! Scented paper ma men!

Eto na.
10 Descriptions about me:
1. I’m a girl
2. I’m simple
3. I’m a student
4. I’m a Filipino Citizen
5. I’m Emotionless
6. I’m no one
7. I’m Mysterious
8. I’m Rich
9. I’m Half Filipino, Half Irish
10. I’m dying

Napabalikwas ako ng upo. Baka namamalikmata lang ako.
Tinignan ko ulit.

10. I’m studying.

Nag-iba yung sulat. Buti naman. Ewan ko ba kung bakit ko iyon nabasa. Siguro sa kapapanood ko ng mga anime Horror movies at pagbabasa ng manga na horror.

“Wala namang matinong description dito eh. Huhu, paniguradong bagsak na ako dito.”sabi ko sa sarili ko.

Ang project kasi na ito ay partner. Ang ginawa ng partner mo ang ipapasa mo. Paano na ako neto?

Biglang may lalaking lumapit sa akin. Siya yung lalaki na umalalay kay Miss C kahapon.

“Ibigay mo ito kay Ma’am Valerio. Wag ka magsalita. Basta ibigay mo na lang ito, wag mo rin bubuksan. Kung hindi kakasuhan kita.”sabi pa niya bago umalis

The Girl Who Lost Her SmileWhere stories live. Discover now